Kabanata 3

16 3 0
                                    

- AZRA -

Nagising ako dahil sa hampas ng alon na umuuga sa hinihigaan kong bangka. Ang preskong hangin ng umaga ay marahan na dumadampi sa aking mukha.

Napaunat ako ng braso at napahikab. Sleeping in public, that's the stupidest thing I have ever done. Mabuti nalang at wala sa aking nangyaring masama. Paano nalang kung may nakakita pala sa aking pirata o masamang tao habang mahimbing akong natutulog?

Handa na sana akong mag almusal at simulan ang umaga subalit agad ding nanlamig sa kinauupuan. Isang patalim ang naramdaman kong lumapat sa aking leeg.

Pati ba naman isang payapang umaga ay hindi ko mawaring makamit.

Isang malamig na boses ang aking narinig. A cold breath touched my nape. Nagsitaasan ang balahibo ko.

"Move and you'll die. Scream and I'll rip your throat."

It's a voice I've never heard of. Like a voice of a man who just woke up from being dead.

"G-good morning din."nauutal kong sambit.

I did something reckless. Ano pa nga ba ang aasahan ko,syempre may mangyayaring ganito. Malamig akong pinagpawisan at napakuyom ang kamao. Nag isip ako ng paraan kung paano ko babaliktarin ang sitwasyon ngunit ganon nalang din ako nawalan ng pag asa matapos pagmasdan ang braso ng lalake.

His pale white arm is quite muscular. The veins popping on his calloused hand says it all that he's an experienced fighter. Sh-t,one mistake is all it takes for me to see my ancestors.

"Anong kailangan mo?"matigas kong tanong,tinago ko ang kahit anong bahid ng pag aalanganin at takot. I can't die here, my journey hasn't started yet,I still don't have a clue about Eden. Wala pa akong nasisimulan. May pangako pa akong kailangang tuparin.

I heard a low chuckle. Nagulat ako nang bumaba ang patalim at tuluyang umalis sa aking leeg. Dali-dali kong hinarap ang lalake at dinistansya ang sarili. If he's looking for a fight, releasing me will be his biggest mistake.

Pero talima sa aking iniisip ang naabutan ko. Gulat kong tinitigan ang lalake mula ulo hanggang paa. Kulay itim at magulong buhok,may nag uubeng pasa sa gilid ng kanyang natural at mapulang labi,his sleepy ocean eyes stared at me blankly,bahagya itong pumipikit pikit na para bang inaantok kaya kapansin pansin ang mahaba niyang pilik mata.

Bukod sa maamo niyang mukha,punit punit din ang damit nito,hindi ko mawari kung ano nga ba ang totoong kulay dahil sa pinaghalong dugo at lupa. Agaw pansin din ang dumudugo niyang hita.

"Don't worry, I am not a bad guy."sambit nito sa mababang boses,hinang hina siya at para bang mamaya lang ay mawawalan na ng malay.

"Kung ganon naman pala,why did you threaten me? Tinapatan mo pa ako ng kutsilyo sa leeg." Even if he's pretending to be a good guy, I see no threat. With his not so good condition,I can snap this guy's neck if I want to.

"I want you to see the consequences of sleeping in public. Lalo na't babae ka." He answered.

Napayakap ako sa sarili dahil sa pagka ginaw. Natural ba na ganito ang boses niya? D-mn creepy. Hindi magtatagal ay wala ng ipagkakaiba ang boses niya sa katawan niya. Cold and lifeless. Yes, I'm pertaining that he'll be a corpse soon.

Horizon Pirates Where stories live. Discover now