Kabanata 23

16 4 0
                                    


- AZRA -


"Ang isla ng Weipan ay minsan nang nasasakupan ng mga pirata. The reign of pirates has come to an end when marines arrived. Simula noon,mga marines na ang namamalakad sa Weipan. The marines protected us from pirates pero may kapalit..."humigpit ang pagkakasarado ng kamao ni Kaito.

"It's what they called tax. Bawat month ay sinisingil kami ng mga marines, bayad daw sa seguridad na ibinibigay nila samin."

Kaya pala hinarang kami ng mga marines upang icheck kung isa ba kaming pirata o kriminal. That explains why the security is tight. Pati nadin sa tourists fee,mahahalata mo talaga na sungab sa pera ang kapitan ng mga marines na'to.

"Walang problema sa pagbayad ang mga may pera, mayayaman at may malalaking negosyo. Kabaliktaran nga lang sa aming mahihirap. Ang dating Weipan na iisa ay nahati sa dalawa. Una ay ang lugar para sa mga turista at mamamayang nakakabayad ng tax at ang pangalawa naman ay ang lugar na ito kung saan ipinapatapon ang mga taong walang kakayahan bayaran ang tax."

I see...iyon pala ang rason sa malaking pader na naghaharang sa City and wasteland.

"The temperature of this place is not good for crops lalo na ang mga tuyong lupa. The people suffered from hunger and thirst. Marami kami noon pero nangalahati din sa dami ng mga namamatay."

They're treated worst than trash...

Naalala ko ang paniningil ng mga kawal kanina.

"Kahit ipinatapon na kayo sa lugar na'to,sinisingil padin kayo ng tax?"tinuro ko ang malaking sako ng pera na bitbit niya. Katabi nito ang mga kawal na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.

Tumango si Kaito, "Kasi kapag hindi kami nagbayad.."he bit his lower lip until it bled, "They're going to slaughter us. May pamilya ako dito,ayokong mangyari 'yun."

F--k. This is messed up. Marines are supposed to protect people but what's this....

First,they made human trafficking legal and now this?

"Pili at kaunti lang ang pinapayagan nilang lumabas ng isla samin. Isa na ako don, I travel different islands and steal money...hindi dahil gusto ko kundi dahil kailangan. To save my family...to save everyone."

"Walang natitira ni singko sa mga perang nakuha ko. Lahat ay napupunta sa tax fee. Isang tinapay lang ang naiuuwi ko sa loob ng isang bwan. Pagsasaluhan pa 'yun ng pamilya ko."suminghot si Kaito at pinunasan ang luha. Walang nagsasalita sa mga taong nanonood,nakatulala ang iba at walang buhay na nakayuko.

The people here...looks lifeless.

"Noong hindi kami nakabayad. They captured five people from us and....and..they boiled them alive in a big pot."

Napasinghap ako sa narinig,hindi kinaya ni Jewel ang rebelasyon at nanginginig itong napaupo.

"They boiled them alive?!"I shouted in disbelief,veins are popping on my neck. Ngayon naiintindihan ko na... naiintindihan ko na ang ibig sabihin nila Reina at Reya.

"Kasi kapag di namin ibigay ang kayamanan lulutuin nila sila nanay!"

"Waa! Lulutuin nila si nanay!"

Horizon Pirates Where stories live. Discover now