Kabanata 45

31 2 2
                                    


- THIRD PERSON'S POV -


Mellith hates humans. No. That wasn't enough how to describe the emotions piled up in the deepest part of her heart. She despises them, detests, abhor, and utterly disgusted. Para kay Mellith ay walang ginawa ang mga tao kundi sirain ang kalikasan, saktan ang mga kauri niya, at tratuhin sila mas masahol pa sa hayop dahil lang sa kanilang hindi pagkakapareho. Kaya nang pasukin nila Azra ang kanilang teritoryo ay kinailangan niyang gumawa ng aksyon. Hindi siya magpapasungkit sa mga salita nito. Ang nais niya lang ay protektahan ang isla sa mga taong katulad nila na destruksyon ang palaging kasama at kuhanin nadin pabalik si Jewel na kanyang hating kapatid.


Para kay Mellith ay tama ang kanyang aksyon. Buo ang kanyang pananaw na sasaktan lang sila ng mga tao. Walang makakapagpabago sa isip niya.




Ngunit ano kaya ang maitatawag kung ang may balak manakit sa kanya ngayon ay hindi isang tao, at hindi rin maaaring matawag na engkanto. Maliban nalang na ito ay kanya mismong kadugo.



Nakaangat ang mga mata ni Mellith sa itaas, tanaw ang kapatid na nakalutang sa ere. Namumuti ang mga mata ni Jewel at walang kamalayan sa kapangyarihang ipinamamalas. Sa likod niya ay mababangis na kidlat at dumadagundong na kulog, purong kadiliman na unti-unting nilalamon ang kabuuan ng isla. Jewel is in the process of awakening as a faery. Malabong alam nito ang nangyayari dahil pati si Azra ay inaatake din ng mga kidlat.



"Hear my adjure! Shelter me against danger!" Mellith commanded the trees. Sumunod ang mga puno na para bang may sarili itong mga buhay, nagtipon ang mga puno para saluhin ang mga kidlat na umaatake kay Mellith. Sa medyo kalayuan ay nasulyapan ni Mellith sila Jas at Herco ngunit nagtiim ang kanyang panga nang makita ang mga itong bumulusok palayo.


"It's you! It's your fault! Humans again!" Mellith pointed her finger on Azra who couldn't even properly move from the damages absorbed by her body. Sinisisi ni Mellith si Azra sa lahat tutal ay dahil naman dito kung bakit nasa ganyang kalagayan si Jewel ngayon. That's because awakening of someone can be the result of intense emotions. Palagay ni Mellith ay nasaksihan sila ni Jewel, the bloodbath scene earlier must be the trigger to make Jewel like this. Hindi tuloy maiwasan ni Mellith na samain ng loob, siya nanaman kasi ang masama sa paningin ni Jewel kahit ang ginagawa lang naman niya ay para sa mas nakakabuti. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa taong iyan, hindi siya tatangkaing patayin ni Jewel ngayon kung hindi kay Azra!




Ganyan kabulag si Mellith sa galit. Galit na galit na galit na galit na galit siya sa mga tao. Kinasusuklaman niya ang mga ito.




Pero bakit nga ba nabuo ang kasidhiang iyan sa puso ni Mellith?


When did Mellith began despising humans?



It all began when she was born. The moment she became the product of two faeries tied in marriage of convenience.



Pangatlo sa anak ng kanilang Hari ang Ina ni Mellith, pinanganak dala ang bughaw na dugo, isang prinsesa. Samantalang ang kanyang Ama naman ay nagmula din sa maharlikang pamilya. Ang dalawa ay pinagsama sa nakapagsunduang kasal. Isang solemne na tungkulin ng bawat anak ng Engkantong Hari.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Horizon Pirates Where stories live. Discover now