Kabanata 36

25 1 0
                                    

- THIRD PERSON'S POV -



Bawat taon na lumilipas, dalubhasang dumadagdag ang bilang ng mga pirata. Nahihirapan ang World Government upang supilin ito at panatilihin ang kapayapaan kung kaya't nagtayo sila ng isang sistema.



Pagpapanatili sa kapayapaan at balanse ng mundo sa pamamagitan ng tatlong grupo ng mga tao.



Unang grupo ay ang tinatawag na Sea Knights, mga kabalyero ng karagatan. Limang nilalang ang napapasailalim ng grupong ito. Pangalawa ay ang Sea Lords na binubuo ng apat na katauhan. At ang pinakahuli ay ang tinatawag na Admirals. Pangalawa sa may pinakamataas na ranggo sa gobyerno. May tatlong makapangyarihang tao na nauupo sa trono.



Bandang kanluran. Naroon nakatayag ang isang isla na nababalot ng mga higanteng puno. Sari-saring halaman na malulusog at malalagong damo. Isla na mayaman sa mga butihing hayop. Walang butil ng kalat na makikita. Ang lugar na tinanyagang pinakamalinis at may malaking ambag sa hangin na nilalanghap ng mga tao.



Faeries Garden.



Matatanong ng iba kung bakit mala-perpekto ang lugar. Kung bakit walang kalat. Kung bakit walang polusyon. Kung bakit napakalinis.




Isa lang ang sagot. Wala kasing naninirahang tao.





Ito ang lugar na pinagtangayan nina Azra at Frost. Kapwa sarado ang mga mata at walang malay sa delubyong paparating hatid ng misteryosong isla.



Faeries Garden. A garden where one of the Sea Knights resides in.



+ + + +





"We lost Azzy and Frost!"nagulo ni Jewel ang mahabang buhok dahil sa pagkairita. Napagtagumpayan nilang lagpasan ang biglaang paglitaw ng cyclone. Minamalas nga lang dahil nabawasan ng dalawa sa kanila at mababawasan muli ng isa pa.



"Lower your head!"sigaw ni Zech na ikinagulat ni Jewel. Nataranta ang dalaga kaya agad niya itong sinunod.



Zech unsheathed his katana and slashed the uninvited guest. Nakaiwas man sa atake ni Zech,nag iwan padin ito ng maliit na sugat sa braso.



"Extraordinary instinct for a foolish human."the latter devilishly smiled and float in the air.




"What is that..."Kaito dazedly asked that question.




Napako sa kinatatayuan sila Jewel at Kaito dahil sa nilalang na ngayon palang nila nakita. Hinarangan ni Zech ang dalawang kasamahan para protektahan. Nito palang din siya nakakita ng ganitong uri ng nilalang ngunit walang oras na dapat aksayahin para mamangha at magpakatimang. The creature tried to snatch Jewel. It was a threat and a form of incoming danger.



Matapos ang bagyo,isa nanamang pagsubok ang narito para hindi sila pagpahingahin.



Horizon Pirates Where stories live. Discover now