Kabanata 30

28 6 1
                                    


- AZRA -


Iba't ibang kulay ng mga palamuti at bandiritas na nakasabit. Kumukurap kurap din ang mga maliliit na ilaw na iginaya sa mga alitaptap. Napapikit ako at nginuya ang sakura mochi,isang pahinga para sakin ang mapakinggan ang masisiglang awitin at tawanan ng mga tao.

Paglagatik ng mga takong sa suot na sandals bawat indak at sayaw ng mga kababaihang suot ang naggagandahang kimono. Umuulan ng pink petals mula sa malalagong puno ng cherry blossoms.

Tumatawang nagsasayawan si Jewel kasama ang makukulit na sila Reina at Reya. Busy naman sa pagluluto at pag serve ng pagkain ang pamilya ni Kaito,masaya sila sa ginagawa dahil sa loob ng napakahabang taon,muli nilang naranasan ang makapagluto.

"Salamat po."tinanggap ko ang baso na naglalaman ng rice wine. Hindi pamilyar sakin ang lalakeng nagbigay. Malaki ang pangangatawan at may bitbit na batutang gawa sa bakal. Kagaya ko ay tahimik naming pinapanood ang mumunting pagdiriwang.

"Azra, one of those who destroyed the Auction House from Qing Island. You interrupted a business of Royal Family greatly. A criminal worth of 15 million DILACS."

Nabulunan ako sa narinig at binaba ang baso. Mariin kong tinignan ang lalake. Ngayon ko lang siya nakita dito,hindi din pangkaraniwan ang datingan niya. I sense a strong aura surrounding him. Alam niya din na isa akong pirata.

"A marine. What do you want?"uminom akong muli sa rice wine. This sake is so good.

"You're calmer than I thought you would be."sambit niya. Tama nga ang hinala ko.

Akala ko wala na ang grupo ni. Paron dito? Bakit may marine pa?

"I'm not one of Paron's group and I'm not a bad guy either. Wag kang mag alala."para bang nabasa nito ang iniisip ko.

A marine explaining to a pirate that he's not a bad guy....now that's something new.

"Azra from Siamiz Island. You're looking for a cure to your mother's illness."

Pati ba naman iyon alam niya? Nakaramdam ako ng pagkainis.

"Go straight to the point."madiin kong saad. Masyadong maganda ang mood,ayokong sirain ang gabing ito.

"You're looking for a cure to your mother's illness. Sa tingin ko ay hindi ka naman masamang tao. Of all things...bakit pagiging isang kriminal ang napili mo?"disappointed nitong banggit.

"It's not like I want to....hindi ko na kasalanan kung basura ang pagpapatakbo niyo sa sistema ng hustisya."direkta kong insulto. I'm expecting him to get angry but I received nothing. Makikita sa reaksyon niya na maging siya ay hindi tinatanggi na totoo nga ang sinabi ko.

"Human trafficking as legal? Minsan mapapaisip ka nalang kung saan ba patungo ang mundong 'to. Kapag niligtas mo ang mga biktima,ikaw pa ang masama. Ikaw pa ang kriminal."naiiling kong sabi at galit na nilamon ang tatlong mochi nang sabay,lumobo ang pisngi ko.

"At ngwangyon itwo namam."nginuya ko ang mochi bago magpatuloy, "Isang alagad ng 'batas' na pinapatakbo ang islang 'to gamit ang dahas. Ayoko silang tawaging tao,napakahalang ng ginawa nila. Driving people to poverty and hunger to the point that they have no choice but to eat their own kin. Ginawa nilang kulungan ang lugar na'to. I won't forgive them even in my deathbed."

"You have a strong sense of justice. Bakit hindi ka magtrabaho sa gobyerno?—No what I mean is, you can slowly change the system in a legal way."sambit niya na nagpatawa sakin.

"Ikaw na mismo ang nagsabi, I'm finding for my Mama's cure. Wala akong panahon para sa ganyan. And if you can slowly change the system in a legal way naman pala,why won't you do it yourself? Ikaw na mismong nagtatrabaho sa gobyerno."I said with a hint of sarcasm.

Horizon Pirates Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz