Kabanata 4

18 4 0
                                    

- AZRA -

"Ineng may nahuli ka nanamang higanteng igat?"

"Paano mo ba nahuhuli 'yan?"

"Sinong mga katulong mo?"

Iyan lamang ang mga katanungan na paulit ulit kong naririnig kanina sa palengke. Hindi ko alam na ang pang araw-araw naming ulam sa Siamiz Island ay tinuturing palang hari ng karagatan sa islang 'to.

I earned 700 DILACS again. I bought some herbs and medicines before returning to the Inn.

"Bakit wala ako nyan?!"naluluhang sigaw ni Dana. Ang babaeng judgemental at baluktot ang kaluluwa.


Tumingin ako sa dibdib kong tinuturo niya, "Dana,ano bang pinagsasabi mo? Lahat ng babae may bundok. Maliit man o matayog."

Lintek naman kasi. Yung damit na iniwan ko sa dalampasigan pagbalik ko wala na. Nakita ko nalang itong suot ng batang babaeng pulubi sa lansangan kaya pinabayaan ko nalang. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao habang naglalakad na ang suot lang ay puting bikini kaladkad ang dambuhalang igat.


Tulog padin ang lalake sa kama. Napag isipan kong maligo nalang muna at magpalit ng damit. Pagkatapos 'non ay gumaan ang pakiramdam ko. Presko!


Binayaran ko nadin si Danang bungangera. I also ordered two bowl of porridge.

Tinungo ko ang nirentang silid. Ngayon ay magsisimula na ako,inumpisahan kong hubaran ang lalake simula sa itaas. Mariin kong inobserbahan ang kanyang katawan.

Nag uube ang isang braso,maraming pasa at sugat. As in napakadami talaga pati peklat. Bugbog na bugbog ang katawan nito. Did he get all of this from fighting those five drunktards? Is he really that weak to get beaten like this?

He has a nice body. Perfectly sculpted abs and muscles. A sleek muscular figure. Because of his pale skin,the scars and wounds became more visible.

What I'm saying is, he's not the type of guy to get beaten up like this with just five drunktards. Kakaiba din ang mga sugat,ang ibang peklat ay luma nadin. Saan niya nakuha ang mga 'to?

Sinimulan ko siyang gamutin gamit ang mga dinurog at pinakuluang halamang gamot. Pagkatapos ay binalot ko ng bandages ang kanyang upper body. I also treated the purple bruise on the side of his lips.


Sinunod ko naman ang ibabang bahagi. Hinubo ko ang kanyang punit na trouser. Umiwas ako ng tingin sa pinagbabawal na lugar at nag focus nalang sa pag gamot ng kanyang dumudugong hita. Ito ang pinakamalalim na sugat. Nakahinga ako ng maluwag dahil tumigil nadin ito sa pagdurugo.

Nilinis ko ang natuyong dugo. I disinfected the wound to avoid any infection. Huminto ako dahil hindi ko na alam ang sunod na gagawin.

Is...is stitching the wound of a sleeping person okay?

I got distracted when someone knocked on the door. Naglakad ako palapit dito at tsaka binuksan. Bumungad sakin si Dana,may bitbit na tray na naglalaman ng dalawang bowl of porridge.

"Thank you."pasalamat ko.

"Wag kang magpasalamat,may lason yan."irap niya bago umalis.

Horizon Pirates Where stories live. Discover now