Kabanata 31

18 5 0
                                    


- AZRA -


A ton and unbelievable amount of money was found in the mansion where Paron resided in. Ang mga perang natagpuan dito ay ibinigay sa mga mamamayan kaya ang nawala at ninakaw sa kanilang pera ay nabalik nadin sa wakas.

May mga taong galing sa wasteland na walang babalikang ari-arian at bahay dahil binenta nila ito noong kapanahunan ni Paron—sa magandang balita,nasa proseso nadin ang paggawa sa kanilang sari-sariling bahay. Wala silang gastusin na iisipin sa kahit anong materyales dahil si Commodore Nerren na ang sasagot dito. Isa daw iyon sa paraan nang paghingi niya ng tawad.

Tapos na ang pakay namin sa islang 'to,wala na kaming gagawin pa. Naibalik na namin sila Reina at Reya,nakakalungkot nga lang dahil namatayan sila ng mahalagang tao sa batang edad pero hindi na namin kailangang mag alala dahil ang pamilya na ni Kaito ang mag aampon sa kanila. Mapapagkatiwalaan si Aunt Chiyo at Uncle Tori. Alam ko na ang pangungulila ng mga bata ay siya nilang magagawaran.

Katulad sa nakaraang isla,kailangan na naming mamaalam. Payapa,masaya at malungkot na pag alis,malayong malayo sa magulo naming karanasan sa Qing Island.

"Tama na po. Punong puno na po yung food storage namin jusko."tanggi ni Jewel sa mga taong kanina pa kami pinapaulanan ng mga pagkain.

"Di pa ba kayo aakyat?"naiinip na sabi ni Frost sa taas ng barko.

"Wag kang atat. Hindi pa nga tayo kumpleto."bara ko dito. Kaming tatlo palang ang nandito,kanina pa namin iniintay si Zech pero hanggang ngayon hindi padin dumadating. Nasaang lupalop ba ang lalakeng 'yon? Masyadong pa importante,kapag ako nainip,iiwanan talaga namin siya ng walang pasabi.

"Ate Azraaaa!"

"Ate Juwel!"

Kumakaway saming tumakbo ang dalawang batang babae. Nakangiti si Reina samantalang si Reya naman ay ngumangawa.

"Reina! Reya!"tumakbo ako palapit sa mga ito at sinalubong sila ng yakap. Sa totoo lang,ayoko silang iwanan ngunit kailangan. Hindi pwedeng maparito ako sa Weipan habang buhay,kailangan kong magmadali at hanapin ang lunas sa sakit ni Mama. Masyado namang delikado kung isasama namin sila sa paglalakbay.

I'm going to miss these kids...
When I already reached my goal,bibisita akong muli sa lugar na'to para kitain sila. Baka nga malaki na sila sa mga panahong iyon.

"Mamimiss ka namin Ate Azra at Ate Juwel,waah!"iyak ni Reina,sumali sa yakap namin si Jewel na nakalapit nadin pala.

"P-pwede pong wag na kayo umalis?"nahihiyang sambit ni Reya. Hinagod ko ang likod nilang dalawa.

"Pasensya na..Kailangan naming umalis pero promise. Babalik kami dito,okay? Kaya dapat,maaga kayong matulog. Hindi pwedeng putot padin kayo sa susunod nating pagkikita."biro ko sa kanila.

Napaangat ng tingin ang dalawang bata dahil sa sinabi ko, "Babalik kayo? Kailan!Kailan!"nasasabik nilang sabi. Ang bilis talaga magbago ng mood ng mga batang 'to.

"Kapag malaki na kayo."saad ko nalang. Walang kasiguraduhan kung kailan kami babalik,baka matagalan pa ang paglalakbay namin.

"Wag din kayo masyadong makulit kila Aunt Chiyo ah. Palaging magpakabait."bilin ni Jewel sa dalawa. Nalipat naman ang tingin ni Jewel sakin at ngumiti sabay pakita ng singsing sa daliri.

"Azzy, para tayong pamilyado ohohoho."namumula niyang ani.

Napatango ako bilang pagsang ayon.

Horizon Pirates Where stories live. Discover now