Kabanata 20

16 4 0
                                    


- AZRA -


"Hala! Bakit ubos na ang stock ng foods?" Hinahagulgol ni Jewel ang mga shelves at wooden boxes. Umagang umaga pero wala kaming maipang almusal. Nasa kalagitnaan pa naman din kami ng dagat at walang islang mapagbibilhan ng food supplies.

Binigay ko kay Frost ang gatas niya at ganon din kila Reina at Reya. Yan nalang ang last na timpla.

Hmm...madami namang stock ng foods pero ang bilis naubos. S-siguro dahil walang nag mamanage?

O baka naman may pasimpleng nag i-sneak tuwing madaling araw para lumamon?

Sino naman kaya 'yon?

"We're in the middle of the sea. Mamamatay tayo sa gutom,anim pa naman tayo at may kasama pang mga bata." Jewel looked at Reina and Reya worriedly. Humihigop ang mga ito ng maligamgam na gatas,pasikreto pa nga silang nagkukurutan. Nag away ata.

"No problemos Jewel. Pangingisda lang ang sagot dyan."nagsimula ako mag stretching.

"Azzy...wala tayong pang pain at kawil."paalala sakin ni Jewel.

"Pain at kawil? Saan yun ginagamit? Kailangan mo lang suntukin sa mata ang balyena at ayun may ulam na!"

"Tama."tumatangong sang ayon sakin ni Frost.

"Woah balyena! Gusto kong kumain ng balyena!"energetic na sigaw ni Reina, tumayo pa ito sa lamesa kaya inalalayan ko dahil baka mabaltog.

"A-ako din po!"hindi pagpapahuli ni Reya,sinamaan siya ng tingin ni Reina.

"No! Ang sabi kapag kumain daw ng balyena ang may pangalang Reya ay mamamatay!"

Nagulat ako sa rebelasyon ni Reina. Totoo ba 'yun? Nakakalungkot naman,siguro ay ibang klase nalang ng isda ang huhulihin ko para makatikim din si Reya.

"Waah!"iyak nito kaya hinagod ko siya sa likod para patahanin.

Pinanood kami ni Jewel sa isang hindi mabasang ekspresyon.


Bandang mga hapon nang ayain ako ni Reina maligo ng dagat,pinagalitan pa nga ito ni Jewel kaya nagdabog.

"Reina, hapon na atsaka anong maliligo ng dagat eh ang lalim lalim nyan. Gusto mo bang kainin ng mga pating?"nakapamewang na sabi ni Jewel.

Reina frowned,hindi niya nagustuhan ito, "Pewo gusto ko maging sirena!"umiyak ito at nagpagulong gulong sa sahig.

"R-reina!Chokoy!"lakas loob na sigaw ni Reya sa kapatid.


"Anong sabi mo?!"sinugod siya ni Reina kaya mabilis na nagtago sa likuran ko si Reya.

"It's okay Jewel. Maliligo lang naman pala ng dagat eh. Walang problema."pagpapakalma ko dito ngunit mas lalo lang atang namroblema.


"Pero Azzy, masyadong delikado. Sobrang lalim na ng bahaging 'to."

"So noisy. Let the kids die."singit ni Zech nang mapadaan sa gawi namin,pinanlisikan siya ng mga mata ni Jewel.


Horizon Pirates Where stories live. Discover now