Kabanata 5

17 3 0
                                    


- AZRA -

Masakit ang ulo kong bumangon sa kama. Inunat ko ang katawan at humikab. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala maganda ang aftereffects ng alcohol. Muntikan ko pa ngang maapakan si Frost na natutulog sa sahig.

Why is he sleeping there?

Ah yeah,hindi pala kami kasya sa kama.

Bukod sa pag uusap namin ni Dana,wala na akong maalala. Una kong ginawa ang maligo,nag almusal muna ako bago pumunta sa palengke. Syempre ibinilin ko din kay Dana ang lalamunin ni Frost. Ang pulubing yun talaga.

Gamit ang natitirang pera,bumili ako ng food supplies and necessities. Muntikan nadin nga akong matuksong bumili ng mga mapa sa tyangge kung hindi ko lang naalala ang payo ni Dana.

Pagbalik sa Inn ay naabutan ko si Frost na nakahilata padin. Hindi na nga lang sa sahig kundi lumipat na ito sa kama. Nag impake na ako ng mga gamit. Sa kalagitnaan ng ginagawa,narinig kong nagsalita si Frost. Akala ko ba tulog siya?

"Azra. Where's my moomoo?"

Moomoo? What's that again? Napapikit ako at inalala ito.

Ah,right. That's the name of the candies I gave him last time.

"Here."nilapag ko ang jar sa lamesa,puno ito ng moomoo candies.

Sinuot ko sa likod ang bag,sinuklay ang maikling buhok at nag flying kiss sa harapan ng salamin dahil sa katangi tangi kong kagandahan.

"Where's your next destination?" Frost asked. Sinilip ko ulit ang map para makasigurado.

"I'm heading next to the Qing Island."

Saglit itong natigilan. Hindi ko masiguro kung namamalik mata lang ako o sadyang nakita ko ang panandaliang pagdilim ng ekspresyon ng binata.

"I'm coming with you."

"What?Why?"salubong na kilay kong ani, "Sabi ko kwits na tayo—"

"Look. I'm not coming with you because of money nor because of this candy." Nginuya niya muna ang candy bago nagpatuloy, "Qing Island is also my destination. I have unfinished business on that country. Kapag sinama mo ako,hindi ka na mahihirapan sa detalye ng isla."

So he's familiar with Qing Island. It will be useful for me. Walang masama kung isasabay ko siya sa bangka. Kasya naman ang tatlong tao dito kung tutuusin.

"I heard that you're looking for Eden."

Napaawang ang labi ko. Ngayon ay tutok na akong nakatitig sa kanya,naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Qing Island is a large country. I know some places where you can find answers."

That's it. That's what I want to hear. Ngayon ay kumbinsido na talaga ako.

"Alright,shall we go now?"

Bumaba kami ni Frost. Nakita kami ni Dana pero ang mga mata niya ay titig na titig kay Frost. Ultimong parang luluwa na ito. Bagamat sa malaswang titig,hindi nag aksaya ng oras ang lalakeng bigyan ito ng atensyon at mas nauna pang lumabas.

Horizon Pirates Where stories live. Discover now