Kabanata 22

15 3 0
                                    


- AZRA -

A wasteland. What welcomed us is neither a castle or mansion. It's a wasteland.

Ang kaninang matamis na amoy galing sa puno ng mga cherry blossoms ay napalitan ng matindi at nakakaasiwang amoy galing sa nanunuyong lupa. Sa sobrang dry ng lupa ay makikita na ang mga biyak. Sumasakit ang dibdib namin ni Jewel sa matinding amoy pero balewala lang ito kila Reina at Reya at para bang sanay na.

Walang mga puno,kung meron man ay patay na ang mga ito at tuyo,walang kadahon dahon na magbibigay ng malamig na hangin. Literal na pinagpapawisan kaming apat dahil sa mainit na temperatura.

Ngayon alam ko na...Kaya pala may bumabakod ditong malaking pader,kaya pala may nagbabantay na mga kawal, kaya pala off-limits ang lugar na'to para sa mga turista.

Sa likod ng masaya at naggagandahang tanawin ng isla, tinatago nila ang wasteland na ito para iwasan ang masamang reputasyon at imahe.

"Makikita na natin si nanay, Reya!"

"O-oo nga!"

Masayang naglalakad sa unahan ang dalawang bata. Magkahawak kamay ito at may malaking ngiti sa labi.

May mga katanungan padin ako. Sa kahit anong lugar,talaga namang hindi mawawala ang mga slums. Pero kailangan pa ba talagang lagyan ng malaking pader? It's like Weipan has two worlds. The poor are separated to the rich.

Ang kaibahan lang, slums in other places are free,pwedeng puntahan ng kahit sino at pwedeng makihalo ang mga naninirahan sa slums tungo sa mga taong mararangya at nasa bayan. Pero dito sa Weipan, para itong preso. Kung bawal pumunta ang turista dito o mararangyang tao,malamang lang na bawal din umapak ng paa ang mga taong naninirahan sa slums sa loob ng City.

"Nanaaayyy!"tumakbo si Reina habang nakataas ang kamay nang matanaw namin ang maliliit na bahay, sinundan ito ni Reya kaya binilisan din namin ni Jewel ang lakad.

Walang pagkakahalintulad ang mga bahay dito sa Weipan City. The houses and buildings in the city are all proudly tall with good structures. Samantalang dito....ay maliliit na bahay,pinagtagpi tagpi ang mga kagamitang ginamit at  inaanay dahil sa sobrang luma.

Walang mga tao sa labas. Naiintindihan ko dahil sino nga ba naman ang gustong magbilad sa araw. Para kaming piniprito. Nakadagdag pa sa init ang suot naming kimono.

"Ate Azra,dito!"tawag samin ng mga bata,nasa tapat sila ng maliit na bahay. Lumapit kami ni Jewel,pagkabukas palang ni Reya ng pintuan ay umalingasaw na ang masangsang na amoy. Nagkatinginan kami ni Jewel.

"Nanay! Nanay! Nandito na kami ni Reya! May binili kaming pagkain at tubig."

"M-may pera nadin po kami nay,di na po kayo lulutuin."

Noon pa nila sinasabi ang tungkol sa luto luto nayan. It's hard to understand these kids.

Sa tinis ba naman ng boses ni Reina,malabong hindi ito marinig ng kahit sino. Sa kabila 'non ay wala pading sumagot, wala atang tao.

Pumasok sila Reina at Reya sa isang silid. Napatakip kami ni Jewel sa ilong dahil mas lalong tumindi ang masangsang na amoy. Ugh, parang masisira ang baga namin.

Horizon Pirates Where stories live. Discover now