Kabanata 41

7 2 0
                                    


- THIRD PERSON'S POV -



"Fwahahahaha!" hindi mapigilang matawa ni Jas habang pinipilantik ang kanyang daliri. Ano nalang kaya ang magiging reaksyon ng mga hampas lupang iyon kapag naabutan nilang abo ang barko? Lubos na natutuwa si Jas lalo na sa tuwing naglalaro sa isipan ang galit na itsura ni Zech. Oo, talagang gigil siya sa morenong lalake at kahit kailanman ay hindi niya ito papatawarin.




Si Jas kasi ang tipo na pinahahalagahan ang panlabas na anyo. Magmula sa kuko, talampakan, at dulo ng kanyang magandang buhok, palagi niyang iniingatan ang katawan. Minu-minuto nga ay salamin ang hawak niya, kahit na bagong gising o matutulog, walang palya niyang pinupuri ang sarili sa salamin. Kaya ganon nalang ang poot niya nang sugatan siya ni Zech sa pisngi. Kung hindi nga lang sa kanyang priority na sirain ang barko at pigilang tumakas ang mga hudlo, malamang na siya ang makikipagtuos kay Zech imbes na si Herco.




"Fwahahah! Humanda kayo! Those lowly humans wouldn't get out alive from this place! Not even their bones—urghk!" Nabulunan si Jas nang may pumasok sa kanyang ngala-ngala. Kung hindi nga lang siya engkanto ay baka hindi lang mukha niya ang may deperensya ngayon kundi ngipin! Paano ba naman ay may pumasok na kung ano sa bibig niyang nakabuka dahil sa kakatawa. Iniluwa ni Jas ang bagay na iyon. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay. Isa itong....



"Patatas?" anito. Galit na nilingon ni Jas ang pinanggalingan. Isang binata ang kanyang natagpuan. Nanginginig ang mga binti nito at ang isang braso ay nakabalot sa tela, yakap yakap ang basket na may maliliit na patatas.


"M-masamang engkanto..! Umalis ka dito!" lakas loob na sigaw ni Kaito.




"Hah. This tiny imp." Jas crushed the patatas in his hand. Taas noo siyang tumayo ng tuwid. Sa totoo lang ay ayaw niyang patulan ang bubwit na ito. Para kay Jas kasi ay hindi dapat pinag aaksayahan ng oras at lakas ang mga nilalang na walang kalaban laban. Masakit iyon para sa kanyang dignidad, para lang siyang tigre na nakikipag away sa daga. Ano ba ang maaring magawa ng batang ito bagkus sa paghagis ng patatas? Naaawa nalang si Jas na napailing.




"Mas mabuti sana kung nanatili ka nalang na nakatago, bata. Umalis ka sa harapan ko at panoorin mo nalang kung paano ko sunugin ang pinakamamahal niyong barko!" Jas was about to create fire by flicking his fingers but he was interrupted. Isa nanamang patatas ang tumama sa kanyang kamay. Pangalawa ay sa kanyang dibdib, pangatlo sa hita, at nagtuloy-tuloy na ngang umulan ng patatas. Maging ang pinaka inaalagaan niyang mukha ay nasampulan din. Doon na nandilim ang paningin ni Jas.




"You...you..! You nuisance varmint!!!!" Jas finally lose it. Today might not be his day but humans are really getting on his nerves.




Napaatras si Kaito at tumigil sa pagbato. Hindi dahil sa takot—Oo takot siya pero hindi dahil don, ubos na kasi ang patatas kaya wala na siyang maipambira. At ngayon ay hindi na niya alam ang sunod na gagawin pagkatapos galitin ang faery.



Natatakot si Kaito. This is his first time facing a dangerous foe, mas delikado pa kaysa sa mga taong nakaharap niya noon. Despite that Kaito spent half of his life stealing from people and getting into troubles, Kaito had always avoided a one-on-one fight with a person. Palagi siyang tumatakas, palagi siyang nakakatakas. However, Kaito couldn't do the same thing this time..



"How dare you waste my pity.. I granted you an opportunity to get out of my sight yet you still angered me! Impudent! Impudent! Now, I will burn you along these woods!"




Horizon Pirates حيث تعيش القصص. اكتشف الآن