Kabanata 6

21 4 0
                                    


- AZRA -


Blegh.

N

apasuka ako ng tubig alat,namilipit ang tyan kong napadapa sa mainit na buhangin. Nakadagdag sa sakit ng ulo ko ang sinag ng araw na pumapaso sa aking balat.

"Ate,ayos ka lang po ba?"malumanay ang boses nitong parang bumubulong. Tumihaya ako ng higa at sumalubong sa akin ang isang anghel.

Blonde soft hair like a fluff of cloud. Round and innocent curious honey eyes. Small nose and pink lips.

An angel?

So namatay nga talaga ako?

"Ate.."tawag ng malumanay nitong boses. Napapikit ako dahil para ako nitong hinehele.

Bigla kong naalala ang mga kapatid ko na palagi akong tinatawag na Ate.
Azel, Azalea, at Azro.

"Ate,kailangan ko na pong umalis,sana ayos ka lang."sambit ng lalake. Napamulagat ako ng mga mata at napaupo. Dahil sa pagkabiglaang galaw ay sumakit kaunti ang ulo ko.

Pinagmasdan ko ang paligid para lamang mahanap ang sarili sa pangpang. Malawak na dagat ang bumati sakin. Isang kagandahan ang tanawin kung maituturing subalit ang mga mata ko ay nanatiling nakapako sa isang binatilyo na nakaupo sa aking tabi.

His eyebrows are slightly furrowed. Honey eyes gleaming of curiosity while looking closely at me.

Bumaba ang tingin ko sa maliit at matangos nitong ilong. Wala sa sarili kong pinindot ang dulo nito.

"Azel."yan ang unang lumabas sa aking bibig.

This boy's small and pointy nose reminds me of my younger brother. Sa tingin ko ay kasing edad niya din ito.

"U-uhm...Kaito po ang pangalan ko."nauutal niyang sambit, halos maduling itong nakatingin sa daliri kong nakalapat sa kanyang ilong.

Pinilig ko ang ulo at naghulos dili. Tumayo ako at pinagpagan ang damit na punong puno ng buhangin.

"I'm Azra." I covered my eyes to protect it from the strong sunlight. Isang gubat ang nakikita ko. "Where's this place?"

Wala akong nakikitang yelong tao sa paligid. Sa tingin ko ay nagkahiwalay kami ng landas ni Frost.

"Nasa Qing Island po tayo."

My mouth formed in 'oh'. Wow, so fortunate! Hindi ako nagtamo ng malalim na sugat,buhay din ako at higit sa lahat tinangay ako ng alon patungo sa aking direksyon!

"Kailangan niyo pong tawirin ang gubat bago makarating sa bayan ng Qing."dagdag niya pa.

"Salamat,Kaito. Ikaw,saan ka ba patungo?"tanong ko. Bitbit niya kasi ang malaking sako sa likod,hindi ko alam kung anong laman 'non.

Tinuro niya ang isang maliit na bangka. Isang tao at isang bagahe lamang ang kakasya. Walang makina at tanging sagwan lang ang mayroon.

"I'm going home." The boy beamed a smile.

Home..

I also want to go home...

Di-sagwan ang bangkang ito. Mukhang malapit lang naman pala ang pupuntahan niya.

Napahimas ako sa tyan ng marinig ko itong kumulo. Nakakapanghinayang talaga dahil inanod ang food supplies namin, nasira din ang bangka,tinangay pa ang pera ko. Kadadating ko lang sa Qing Island pero instant pulubi na agad.

Horizon Pirates Donde viven las historias. Descúbrelo ahora