Kabanata 42

7 2 0
                                    

- THIRD PERSON'S POV -

"Azzy! I saw the ship burning! Paniguradong may masamang nangyayari, let's go there!" Jewel screeched as soon as they landed on the ground. Hinawi niya ang malaking dahon paalis para hindi sila nito tabunan.

"Which..d-direction?" Azra asked. May panghihina sa boses nito ngunit hindi masyadong napansin ni Jewel dahil sa pagkabahala.

"Nasa east! Sana nandoon ang iba, kailangan na nating umalis sa islang 'to!"


Hindi sumagot si Azra, nagsimula na itong maglakad ngunit iilang hakbang palang ay bumigay na ang isa niyang binti. Sa panghihina ay nawalan ng balanse si Azra at pareho silang bumagsak ni Jewel sa lupa.

"Az..ra?" Jewel nudged her by the shoulder but Azra didn't answer. Hindi naging maganda ang pakiramdam ni Jewel sa sitwasyon na'to. Nanghihina man ay pilit na bumangon si Jewel para itihaya si Azra. "Azra..? Azra sumagot ka.." kinalabit niyang muli ang dalaga.


Ngayon lang napagmasdan ni Jewel nang maigi ang kabuuan nito. Halos hubad na dahil sa malalaking punit sa kasuotan, pinagsamang alikabok at malalagkit na dugo ang bumabalot sa katawan ng dalaga. Sobrang daming sugat mula ulo hanggang paa, wala ni isa sa mga ito ang mababaw. Jewel checked Azra's mouth and cried after seeing how purple and red her gum is. Hindi lang iyon, maraming matutulis na tinik din ang nakabaon sa ngala-ngala nito at dalawang ngipin ang umuuga at malapit nang mahulog.


"Azra..hang in there. Daldalhin kita sa barko. M-may mga gamot doon, gagamutin kita.." Jewel bit her lip and forced herself to stand up straight. Si Azra naman ang naka-aba sa likod niya ngayon. Hindi kasi pwedeng iwanan ni Jewel si Azra sa kalagitnaan ng gubat. There are wild beasts scattered in this place, and how much more if Mellith caught Azra in this kind of state? Jewel couldn't even dare to imagine.


Limang maliliit na hakbang palang ni Jewel ay gumiba na ang kanyang tuhod. Sumubsob nanaman silang dalawa ni Azra ngunit ngayo'y sa putik na. It was already hard for Jewel to walk by herself, paano pa kayang bitbit niya ang bigat ni Azra sa likod. Hindi nakatulong ang umiikot niyang paningin at patay sinding kamalayan.


Nawawalan na ng pag-asa si Jewel. Sinisigaw niya na ang pangalan nila Frost at Zech sa isipan at walang sawa silang pinagmumura, she doesn't even have the energy to talk!


Hinihingal na napahawak sa tangkay ng puno si Jewel. Kumawala ang ungot sa kanyang bibig matapos ayusin ang pagkaka alalay kay Azra dahil nasagi nito ang dumudugo niyang sugat sa balakang.


"Jewel. Go to the ship on your own." boses ni Azra. Nabuhayan ng dugo si Jewel nang marinig ang kaibigan, pakiramdam niya'y tutulo na ang kanina pang mga luha na kinikimkim ngunit pinigil niya ito.


"N-no. Sabay na tayong pumunta doon. Gamutin natin ang mga sugat mo, Azzy.." saad ni Jewel at muling naglakad ngunit mabilis din siyang napahinto nang umalwan ang bigat sa katawan. Azra got back on her own feet, mahina siya nitong tinulak palayo.


"Go now, Jewel. Ikaw muna ang mauna, susunod ako. Wag kang mag-alala sakin, I'm totally fine. Nawalan lang ako ng malay kanina dahil sa pagkalula hehe." Azra stretched her arms and legs as if the holes and blood covering her body was nothing.

Jewel stood there and watched her closest friend lied to her face.

"Azra, aminado akong lampa at mahina ako pero wag mo naman ako gawing tanga." hindi makapaniwalang tawa ni Jewel. Hindi siya galit kay Azra. Galit siya sa sarili niya. How pathetic can she be? Tuwing nasa kapahamakan siya palaging nandyan si Azra, pero ngayong ito naman ang nangangailangan ng tulong, wala man lang siyang magawa...sa sobrang kawalan niya ng kwenta, nagawa niya pang pagsinungalingin si Azra nang harap harapan para maisalba lang ang natitira niyang mukha.


Horizon Pirates Where stories live. Discover now