Kabanata 32

19 4 0
                                    

- THIRD PERSON'S POV -

"Paalam!"kumaway sila Azra at Jewel sa mga taong nasa dalampasigan para panoorin ang kanilang pag alis.

"Mag iingat kayo!"

"Bumalik ulit kayo dito! Wag niyo kaming kakalimutan!"


"Maraming salamat!"


Lumundag si Reina at itinaas ang mga kamay,ayaw niyang alisin ang mga mata sa papalayong barko sakay sila Azra at Jewel.


"Paglaki ko gusto ko din maging kriminal katulad—!"


Tinakpan ni Aunt Chiyo ang bibig ng batang babae lalo na at katabi nila ang matipunong Commodore Nerren.


"Nang mapag alaman kong isang kriminal si Azra. Hindi ako makapaniwala."sambit ni Tori, "Nabasa ko ang dyaryo at nalaman ang rason kung bakit siya itinuring na kriminal. Nakakatwang isipin na siya pa ang masama gayong sinira niya lang naman ang negosyong hindi dapat tinaguriang legal."


Hindi alam ni Kaito kung anong ibig sabihin ng kanyang ama. Nabasa niya na ang dyaryo at alam niya na ito.


"Mabubuti silang tao at may mataas na paninindigan..."banggit ni Tori.

"Pa,"tawag ni Kaito sa ama.

"Kaito,mahirap hanapin ang katulad nila. Kahit nasa malayo ka,basta may mga taong katulad nila na nakapaligid sayo. Mapapanatag ang loob ko."hanggang ngayon ay namamangha padin si Tori sa lakas na ipinakita ng isa sa mga kasamahan nila Azra. He's talking about Frost, the man who helped them.


"Pa, wala akong balak gawin ang iniisip mo. Kababalik lang natin sa una. Mananatili ako dito kasama kayo at maninirahan ng payapa. Yung mga bagay na hindi natin kayang gawin noon,ito na ang pagkakataon para gawin ngayon ng magkakasama at buo."pagtanggi agad ni Kaito sa ama kahit hindi pa nito sinasabi ang nais.


"Kaito,are we holding you back?"singit ni Chiyo na kanina pa pala nakikinig sa usapan.

"Ma,hindi po—"

"Kung ganon,bakit ang lungkot ng anak ko?"pinisil ni Chiyo ang pisngi ni Kaito. Kanina niya pa napapansin ang tahimik nitong lumbay.


"Hindi ako malungkot!"tanggi ni Kaito at inalis ang kamay ng ina na pumipisil sa mala siopao niyang pisngi na palagi nalang napagdidiskitahan.


"Eden. Palagi mong pinagmamayabang noong bata ka pa na pupunta ka sa lugar nayan."saad ng ama.


Napayuko si Kaito nang marinig ang pangalan na pilit niyang ibinaon sa limot sa mahabang panahon simula ng sakupin ni Paron ang kanilang lugar.


Eden.


Isang sikat na lugar at alamat na kalat sa karamihan. Maraming tao ang naengganyo sa alamat na ito,para alamin kung totoo,sinikap ng iba na maging pirata sa proseso. Lumipas ang panahon at ang alamat tungkol sa lugar ay nawalan ng saysay at kulay.

Horizon Pirates Where stories live. Discover now