Kabanata 8

27 4 0
                                    


- AZRA -

I stared at the woman standing in front of me. Her hair was tied into two side buns. A white brocade bun cover for hair accessory. Ang bangs nito ay bumagay sa maliit niyang mukha. Dahil sa eyeshadow, her upturned peanut eyes became more intimidating and sexy to look at. Ang labi nito ay kinulayan sa tinta ng rosas.

Bumaba ang tingin ko sa maganda niyang katawan. Every curves was set to right places,the fitted red cheongsam dress with printed dragon defined her hourglass figure perfectly.

Hinawakan ko ang full length mirror.

Is this really my reflection? Why am I wearing this short fitted cheongsam dress again?

"Miss,I think mali ang size ng cheongsam dress. Masyadong masikip at maikli."sambit ko sa babaeng may pakana kung bakit ganito ang ayos ko ngayon.

"Yan talaga ang tamang size. Sadyang malaki lang talaga ang dibdib mo."sagot nito,niligpit niya ang mga palamuting ginamit sa akin kanina.

"You're good to go. Follow me."

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa babae. Dinala ako ni Chen sa isang Massage Parlor,ang sabi niya ay malaki daw ang kikitain ko dito at maaaring makakuha ng impormasyon sa mga customers.

"Maghintay ka muna dito. Tatawagin nalang kayo kapag meron ng customer."sambit niya at sinara ang pintuan. Umupo ako sa isang silya. Nasa loob kami ngayon ng isang maliit na silid. Kulay puti ang dingding at sahig. Walang bintana.

Masikip at makipot para sa siyam na tao lalo pa kaya kung dadagdagan ng isa. Siyam na babae ang nakatitig sakin ngayon. They're also wearing short cheongsam dresses like me. May mga palamuti sa buhok at make-up naman sa mukha.

"Siya ba yung bago?"

"Woah,look at that body."

"She's pretty. Ngayon palang sasabihin ko na,may bagong magiging paborito."

Rinig na rinig ko ang mga bulungan nila pero isang babae lang ang nagtangkang lumapit sakin. A girl with fierce face wearing a blue dress.

"Ang bata mo pa. Bakit ka pumunta dito?"seryoso itong nakatingin sakin.

Nagtaka ako. Anong ibig sabihin niya? I'm eighteen and already an adult,kaya kong magtrabaho at mag masahe.

"I'm here for a job. My friend recommended me this Parlor,ang sabi niya malaki daw ang kita." Yun lang ang sinabi ko, hindi na nila kailangan malaman pa ang tungkol sa Eden.

Nagkatinginan ang mga babae,wala silang sinasabi pero para bang isa lang ang iniisip,napuno ng tawanan ang maliit na silid.

"Malaki daw ang kita! Hahah!"

"Babae,wala kang ideya kung anong lugar ang pinasukan mo."sambit ng babaeng naninigarilyo sa gilid,katabi niya ang isa pa na nakapikit habang sinisinghot ang tawas. Bakit niya inaamoy ang tawas?

"No. Alam ko ang lugar na'to. This is a Massage Parlor right? You earn money when you massage people."

Dalawang magkaibang reaksyon ang nakuha ko dahil sa aking sinabi. May ibang mga humagalpak ng tawa at may iba namang tahimik,mariin akong tinititigan,isang tingin ng pagkaawa at simpatya.

Horizon Pirates Where stories live. Discover now