Kabanata 26

13 4 0
                                    


- THIRD PERSON'S POV -


"May sunog! Gising,may sunog!"

"Anong nangyayari?!"

Napabangon si Kaito dahil sa mga taong nagsisigawan. Mas lalong uminit ang paligid,purong usok din ang pumapasok sa kanyang baga.

"Anak,bangon bilis!"nagmamadali at takot na niyugyog ni Chiyo ang balikat ng anak,nakatayo sa magkabilaan niyang gilid ang dalawang batang babae na si Reya at Reina,papungaspungas pa ang mga ito,takdang kagigising lang.

"Ma?Anong nangyayari?"nalilitong tanong ni Kaito,wala ng oras para maipaliwanag ito ni Chiyo ng maayos kaya hinila niya nalang paalis sa kubo ang tatlong bata.

Nanlumo sila nang makita ang kinahinatnan ng labas. Nagsusumigawan ang mga tao at abala sa pagpuna ng mga apoy. Humagulgol at nagwala naman ang mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa malagim at biglaang insidente.

"Tulong! Ang mga bahay,nasusunog!"

"Yung apo ko! Naiwan ang apo ko sa loob!"

Hinihingal na tumakbo palapit sa kanila ang pawisang lalake. Namukhaan ni Kaito ang ama at agad na dinaluhan.

"Pa, bakit ganito?Ano bang nangyayari?"naguguluhan nitong tanong at umaasang makakakuha ng sagot.

"Kaito,anak. Lisanin niyo na ang lugar na'to. May maliit na bangka sa dulo,ikaw na ang bahala sa Mama mo pati kila Reina at Reya."huminto si Tori sa pagsasalita para habulin ang hininga, "Hindi namin alam kung bakit bigla nalang umatake ang mga marines,papatayin nila tayong lahat. Tumakas na kayo!"

"Pero pa! Paano ka?!"sigaw ng binata sa ama. Hayon at tanaw niya na ang napakadaming anino ng mga marines,bitbit ang sandata at handang magsapawan ng mga buhay na dadagitin.

"Utos ni Kapitan Paron! Walang ititira!"

"Utos ni Kapitan Paron! Walang ititira!"

Paulit-ulit nila itong binibigkas. Tinakpan na lamang ni Chiyo ang mga mata nila Reina at Reya nang tumagos sa dibdib ng isang lalake ang sandata ng marine. Kumalat ang dugo sa paligid at muli itong naulit. Pumaibabaw ang sigawan dahil sa sunod sunod na pag paslang.

"Tutulong akong makipagsapalaran laban sa kanila. Tumakas na kayo!"tinulak ni Tori ang anak at saglit na napatitig sa asawang may masakit na ekspresyon. Umiwas ito ng tingin at tumalikod.

The people of Weipan never had the chance to live peacefully in so many years. They were slaves to the pirates and after that,napunta naman ang trono sa sakim at walang pusong mandirigma galing sa gobyerno. Pirates or government... people are all the same. Mas masahol pa sa hayop.

Walang napili si Kaito kundi ang sundin ang ama. Tumakas sila sa madugong senaryo. Napapikit na lang siya nang makita ang malamig na bangkay ng matalik na kaibigan.

Gusto niyang manatili sa lugar na iyon at tumulong sa pakikipaglaban. Ayaw niyang iwanan ang mga walang kalaban labang kasamahan ngunit hindi niya maaaring pabayaan ang ina kasama ang dalawang bata.

Narating nila ang dulo, sa dalampasigan ay naghihintay ang maliit na bangkang ginamit ni Kaito kanina,nag iisa lamang ito. Limitado lang ang pinapayagan sa kanilang umalis ng isla para maghanap ng perang ipambabayad sa tax kaya limitado din ang bangka.

"Kaito?"tawag sa kanya ng ina dahil nanatili itong nakatayo at hindi sumasakay.

"Ma...wala ng espasyo. Babalikan ko sila Papa. Tumakas na kayo."saad nito at nanatili ang mga mata sa buhangin.

Horizon Pirates Where stories live. Discover now