Kabanata 37

12 2 0
                                    


THIRD PERSON'S POV


Sa pinakadulo ng Faerie's Garden, naroon nakatindig ang isang napakalaking puno. Higante man kung maituturing ang iba, walang saysay ang mga ito kumpara sa punong kahoy. The giant tree bear no fruits, ngunit ang naglalakihan nitong sanga at dambuhalang mga dahon na pwedeng ipamangka ay sasapat para mamangha ang kung sinomang makakita.


Hindi lang basta puno, pagkat nagsisilbi din itong palasyo. Bahay silungan para sa mga hindi pangkaraniwang nilalang.


Inside the throne room, there's a woman sitting on the throne. Stem filled with sharp thorns became her hair, sa kahabaan ay umaabot sa talampakan. Literal na nakaipit ang mga pulang rosas sa buhok nito na mismong doon sumibol. A fitted white long dress compliments her brown skin.


Mala insektong pulang mga mata na mapanghusga ay kumibot. The red silvery wings are beautifully attached to the being's back. Kabihag pusong sining, gawing hindi makagalaw ay mapagkakamalang estatwa ng dyosa. Wala pa ngang ginagawa, hindi pa nga kumikibo ngunit ang kabuuang lugar ay sumisigaw sa nakahihindik na delubyo.



A deadly woman with elegance. So dangerous.


Mellith. One of the Sea Knights' member. Ang kabalyerong diwatang namumuhay sa poot.


"Luhod." Sumubsob si Jewel sa marahas na pagkakatulak. Gayunpaman ay hindi ito nagreklamo, nanatiling walang imik dahil kanina pa naghahalo ang kakaibang pakiramdam sa kanyang puso. It's a strange feeling of familiarity...but how come? Hindi niya naman kilala ang mga nilalang na ito. Isa lang ang malinaw sa kanya, at yun ay ang nangingibabaw na takot.


Her hands and toes are both trembling, kung anumang klaseng nilalang ang nakaupo sa trono, wala siyang lakas loob para mag angat ng tingin.



"I greet Your Majesty."lumuhod si Jas upang magbigay galang sa tinuturing na reyna. Wala itong nakuhang sagot ngunit ramdam niya ang mapanuring tingin na ipinupukol nito kay Jewel na nakagapos sa posas at nanginginig sa takot.


'Ayoko dito...Azzy, where are you na ba?' kagat labing litana ni Jewel sa sarili.




"When I felt a presence that entered our territory, I have come to check it. Your Majesty, tatlong tao ang naabutan ko na sakay ng barko ang mapangahas na pumasok sa ating teritoryo." Jas reported.



"I'm speculating that the other two is already in the pantry." Mellith uttered with her silky voice.




Matagal na hindi nakaimik si Jas. Takot ito sa kasagutan na ibibigay. Gusto niya mang iligtas ang sarili sa kahihiyan, he wouldn't dare to spout lie to their Queen. No matter how it takes, no matter what situation, he will always remain honest.



"Forgive my ineptitude, Your Majesty! Hindi umayon ang sitwasyon ngunit napapasiguro ko ang kanilang pagsalakay upang mailigtas ang kasamahan."mas idinikit ni Jas ang ulo sa sahig. Magagawa niya naman sana ang misyon ng maayos kung hindi lang umimbyerna si Zech. Kumuyom ang kanyang kamao at may panggigigil satwing naiisip ang nangyari kanina. May pakpak na nga at hindi ordinaryo...pero natapatan pa ng isang normal na tao. Higit pa doon ay nagasgasan din siya nito.




Horizon Pirates Where stories live. Discover now