Kabanata 29

15 4 0
                                    


- AZRA -


Humikab ako at inunat ang katawan. Ako lang ba o parang napahaba ata ang tulog ko?

Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo,nasa loob ako ng Inn ngayon. Naghilamos ako at inalala ang nangyari kagabi.

Napatakip ako ng bibig at napasinghap. Wait! Kung hindi ako nagkakamali,nilagyan ni Zech ng pampatulog ang alak ko? Kaya pala suspicious kasi may binabalak. Anong makukuha niya sa ginawa niyang 'yon?

Wala namang kakaiba na nangyari sakin maliban sa iba na ang suot kong damit. Si Jewel siguro ang nagpalit sakin tutal katabi ko naman siya sa kama.

Trip niya lang ata? Is that guy mocking me? Hindi padin ako mapalagay, parang may mali...parang may kulang...

Naligo na ako at nagpalit ng grey kimono. Napahinto ako sa pagsuklay ng buhok dahil sa naalala.

Sh-t! The plan! Nakalimutan ko na lulusubin pala namin ang mansion na'yon. Paano ko nakalimutan ang importanteng bagay nayan? Kailangan namin maipaghiganti sila Aunt Chiyo,Reina,Reya,Kaito at mga taong naninirahan sa wasteland.

"Jewel gising,sorry nakatulog ako kagabi. Hindi ko sinasadya,hindi ko alam na may kung anong nilagay si Zech sa inumin ko but we can continue the plan now."inalog ko si Jewel. Nagtaka ako kung bakit may iilan siyang sugat sa katawan.

Zech that bastard....wala na talagang ginawang mabuti ang lalakeng 'yon. Napaka importante ng gagawin ko kagabi pero sinira lang niya. I won't trust that jerk again. D-mnit.

"Azzy?"inaantok na sambit ni Jewel at hinawakan pa ako sa mukha.

"Why? Ang aga mong nagising."umupo siya sa kama,inaantok pa ito na para bang may pinagpuyatan kagabi.

"The plan.. let's continue. Hindi tayo aalis sa lugar na'to hangga't hindi napapatay ang pinuno ng mga marines na sumasakop sa islang 'to."seryoso kong sambit at napatingin sa pana na nasa gilid. Tuwing naaalala ko ang iyak at panaghaw ng mga taong iyon...nangangalaiti ako sa galit.

"Azzy, everything's okay now. Hindi mo na kailangang mag alala."ngiti ni Jewel.

Everything's okay? Wala pa kaming nagagawa ni isa. Hindi magiging okay ang lahat hangga't may mga taong naghihirap.

"Bakit mo ako tinitignan ng ganyan? Parang wala kang naalala kagabi ah."tumawa si Jewel na mas lalong ikinagulo ng isipan ko.

Walang naalala? Nagsasalita siya na parang may importanteng nangyari kagabi at parte ako non.

Tumigil sa pagtawa si Jewel dahil sa hindi ko pagsagot.

"Azra?"tawag nito.

"Jewel. Wala akong maalala sa nangyari kagabi bukod sa nilagyan ni Zech ng pampatulog ang alak ko."sambit ko dito. Napaawang ang bibig niya dahil sa narinig.

"Pampatulog? Nagkita kayo ni Zech kagabi?"gulat niyang tanong. Hindi ko pa nga nasasagot ang tanong niya pero napatakip na siya ng bibig at tagos na tumingin sakin. Napatango tango ito ng may malaman. Nilingon ko ang malaking sako na tinitignan niya.

"Wala naman ang sako nayan kagabi ah."saad ko,tanda ko na hindi naman ganyan kadami ang pinamili namin.

"Mas maganda siguro kung mananahimik nalang ako... d-mn you Zech,utang mo sakin ang buhay mo ngayon."bulong ni Jewel,kinalabit ko ito at nakangiti niya akong hinarap.

"Azzy, syempre wala ka talagang maalala. At anong pampatulog na sinasabi mo? Sobrang tapang lang talaga ng alak na binigay sayo ni Zech kaya bulagta ka agad."paliwanag ni Jewel.

Horizon Pirates Where stories live. Discover now