Kabanata 34

19 5 0
                                    


- AZRA -


"Kaito?! Anong ginagawa mo dito?"


Napagkamalan kong bangkay ang nakasakay sa bangka dahil lantang gulay na nakadapa dito si Kaito,pagod na pagod at naghihingalo.

"Natutulog ako."masungit na sabi ni Frost,napalakas ang sigaw ko kaya nagising ang lalake. Si Zech naman ay napatingin nadin samin mula sa crow's nest.

"Azzy,may problema ba?"lumabas si Jewel at nagulat nang makita din ang hindi inaasahang bisita.

Mabibigat at mabilis na paghinga. Basang basa ng pawis ang damit ni Kaito. His blonde hair scattered on the deck flooring, flushed face from the heat.

"Tubig."abot ni Jewel sa baso at inalalayan ko namang umupo si Kaito. Wag mo sabihing sinagwan niya lang ang malaking distansya ng barko namin? Imposible...

"What are you doing here?"nakakrus ang dalawang braso ni Frost.

Lumuhod si Kaito at idinikit ang ulo sa sahig. "P..please accept me! Pangako,hindi po ako magiging pabigat! I know how to cook,pagsisilbihan ko kayo habang buhay!"

Pagsisilbihan habang buhay?...Grabe naman ata 'yon.

Parang inaalipusta at inaaway namin si Kaito dahil sa matindi niyang deklarasyon at pagkakaluhod sa sahig.

"A cook?"interesadong sambit ni Frost, "That's great. Sawang sawa na ako sa luto nila. Isa pa,may magnanakaw tuwing madaling araw kaya mabilis nauubos ang food supplies. We need a food manager."direktahang sabi ni Frost,hindi man lang kumukurap.

"Nagkakamali ka Frost. Walang magnanakaw ng pagkain. Hindi lang talaga kami maalam ni Jewel sa kusina kaya napapag eksperementuhan namin ang mga sangkap. Hindi maganda ang kinakalabasan kaya tinatapon lang."pagtanggi ko sa hinala niya.

Yup. Wala talagang midnight food thief. Wala talaga.

"Is that so?...pero may nakita akong anino nakaraan papuntang kusina."hindi padin kumbinsidong saad niya.

"Frost,malalim na ang gabi 'non. Baka imahinasyon mulang tutal palagi ka namang bagong gising."

"Azra,wala akong sinabing oras."

"Hephep! Mas convenient para satin na may cook tayo dito sa ship. That way,mas makakatipid sa food supplies at hindi paulit ulit ang pagkain sa hapag. Madami ding nasasayang na foods dahil mabilis mabulok ang iba, Azra and I aren't familiar with some of the foods kaya nahihirapan kami kung paano ito gawing putahe."suhestyon ni Jewel.

Napatango si Frost at nakapag desisyon. Nilahad niya ang kamay kay Kaito.

"Join my crew."

"Okay!!"

Kaito plastered a big gummy smile. Lumundag ang puso ko sa saya at nagkatinginan kami ni Jewel.

"Nadagdagan tayo!"tili niya at natatawa kaming nag apir. Nawala lang ang ngiti at ligayang nararamdaman nang may pumasok sa aming isipan. Napansin ito ni Kaito na ngumiti lamang.

Horizon Pirates Where stories live. Discover now