S.S. 7 #BadNews

259 10 1
                                    


***
Sa panig nina Shermayne...

"Phone! Hoy! 'Yong phone mo nagri-ring." Anas ni Joy. Tiningnan naman ni Shermayne ang cellphone na hawak n'ya na ibinigay ni Ranier

"Hindi naman-" putol na sambit ni Shermayne nang maalala ang talagang cell phone na nakasilid sa bag. "Phone ko nga." Ngingiti-ngiti pang sambit nito saka sinagot ang phone.

"Hello?" tumahimik s'ya para pakinggan ang nasa kabilang linya. "Ano hu?" napatda s'ya sa narinig at saka nanlulumong ibinaba ang cp matapos ang usapan.

"Mayne, bakit?" nag-alala kaagad si Melca.

"S-si K-kuya naaksidente." Halos hindi mabanggit ni Shermayne ang mga katagang 'yon. Napatda maging sina Joy dahil sa narinig. "K-kailangan kong umuwi. Uuwi ako." Usal ni Shermayne nang matauhan.

"Sasama ako." Ani Joy.

"Ako din. I'll be writing a leave of absence para lang makasama." Saad ni Melca.

"Wag na! Baka sesantihin ka pa. Okay ng si Joy na lang." pagkuway sagot naman ni Shermayne.

Nagkatinginan na lang ang tatlo. Nong gabi ding 'yong pinili nina Shermayne na magbiyahe papuntang Cavite. Hindi nito mapiligilang mapahikbi habang nagbibiyahe dahilan para mahawa ang kaibigan pero mas nagpipigil 'yong umiyak. Hindi na n'ya sinubukang sagutin ang mga tawag sa cell phone na ibinigay ni Ranier sa kanya. Kahit pagod pa silang pareho sa biyahe ay mas pinili ni Shermayne na tumuloy sa ospital na kinaroroonan ng mama n'ya na kasalukuyang pinagdalhan din sa kuya n'ya.

Gusto n'ya mang pagdalwahin ang katawan para sabay na puntahan ang ina't kuya pero hindi naman pwede. Halos manlambot ang tuhod n'ya nang makita ang tinamong pinsala sa katawan ng kuyahin dahil sa aksidente. Kritikal ang kondisyon noon ayon sa doctor na nakausap n'ya kanina bago puntahan ito. Nalaman n'ya ring magdi-deliver dapat ito ng mga gulay nang mabunggo ng isang truck na nawalan naman ng preno. DOA ang driver ng nasabing truck at himala ngang nakaligtas ang kapatid n'ya. Malaki ang kailangang pera para sa operasyon hindi lang ng kuya n'ya maging ng mama n'ya. Hindi pa nga lang ma-operahan ang mama n'ya dahil malaking pera ang magagastos.

"Kelan pa s'ya inatake?" tanong n'ya sa ama habang pinagmamasdan naman ang ina na nasa kabilang silid.

"Nong isang araw pa." mahinang sagot nmang ni Mr. Alex Tesorero (papa n'ya). "Ang sabi ng doctor, kung hindi pa s'ya maooperahan baka ito na ang huli." Sa kabila ng lungkot ay mas pinili n'yang magpakatatag para sa ama.

"Kung wala pa tayong kapitbahay wala pang magsasabi sa'kin nang nangyayari dito." Hindi s'ya makapaniwala kaya 'yon na ang nasambit n'ya.

"Bakit hindi pa s'ya operahan?"

"Inuuna ko ang sa kuya mo na kritikal ngayon. Hindi kayang pagsabayin."

Pakiramdam n'ya ang bigat ng pasan ng papa n'ya. Gusto n'yang kunin ang sakit at hirap na nararamdaman noon pero pareho silang hirap ngayon. Muli n'yang sinulyapan ang ina. Naaawa s'ya sa kalagayan nito. Hindi n'ya rin matanggap na nangyayari sa kanya ang bagay na 'yon. Inatake ang mama n'ya at naaksidente naman ang kuya n'ya. Malalim na ang gabi nang pumayag s'yang umuwi muna para makapagpahinga na rin ang kaibigan n'ya.

Tama nga s'ya sa hinala. Pagod na ang kaibigan na mas piniling matulog na kesa ang kumain. Tulog na ang kaibigan n'ya nang magpasya s'yang kunin ang cell phone n'ya. Sinulyapan n'ya lang ang cell phone na binigay sa kanya ni Ranier. Pinatay n'ya 'yon at hindi na piniling basahin ang mga text messages doon.

***

"Hello?" halatang nagising n'ya ang nasa kabilang linya. Si Ivy 'yon.

"Ivy I'm sorry to bother you pero may favor lang sana ako." Nag-aalinlangan pa n'yang sambit.

"No, it's okay. Ano ba 'yon? I'm sure importante 'yan." Ani Ivy na sinuklay ang buhok saka naupo sa kama.

"Naaksidente si Kuya, inatake na naman si mama at kailangan ng operahan ngayon. Baka meron ka d'yan ngayon."

"What? Is he okay? Is your mom okay? Are they okay? I mean I'm sorry to ask that. Are you okay?" bakas sa tinig ni Ivy ang pag-alala.

"I'm okay. I'll be okay."

"Naka-freeze lahat ng account ko pero ipapadala ko sa'yo 'yong cash ko ngayon. Sana makatulong. 30 thousand lang ang meron ako ngayon dito."

Alam na ni Shermayne ang nangyari. Malamang sa alamang 'yong thirty thousand na sinasabi ni Ivy ay 'yong ipon nito. Nong sinabi nitong naka-freeze ang account isa lang ang ibig sabihin noon may problema din ang kaibigan.

"May problema ka din ano?" sa halip ay bago n'ya sa usapan.

"That old man kasi eh. Nakakulong ako ngayon sa bahay. Take note. Bawal lumabas ng kwarto para akong bilanggo dito. Gusto ko ng bumalik d'yan. Ipapadala ko sa'yo 'yong thirthy bukas na bukas. Ipapasuyo ko ke manang." Saad naman ni Ivy.

"Wag na. Alam kong kelangan mo rin 'yan lalo na't ginigipit ka ni tito. Sige. Sige na at inaantok na rin ako. Matutulog na ako. Good night. Ingat at behave ka d'yan." Sa halip ay sambit n'ya.

"Good night. As soon as i-unfreeze ng matandang 'yon ang card ko padalhan agad kita."

Matapos ibaba ang phone ay mas pinili n'yang libutin ang bahay dahil hindi rin naman s'ya inaantok. Nagsinungaling s'ya nong sinabi n'ya 'yon kay Ivy. Maliit lang ang bahay pero pakiramdam n'ya malawak 'yon dahil sa lungkot na nararamdaman. Huminto s'ya sa pinto ng kwarto ng kuya n'ya at hindi na napigilang umiyak nang may maalala...

"Magpapakasal para lang pautangin tayo at mabawi ang lupa natin?" gulat na tanong ni Jayson (Kuya n'ya). Tumango lang ang ama nito.

"Hindi ako papayag. Hindi gamit si Shermayne na pamalit sa kung ano lang. Sa kanila na ang lupa at ang pera nila." Galit ang tono ng boses nito.

"Sila ang gagastos ng pagpa-opera sa mama mo kapag pumayag tayo." Anas ng ama n'ya.

"Hahanap ako sa iba at gagawa ako ng paraan para mabawi ang pera pero hindi ako papayag na ipakasal sa kung kanino lang ang kapatid ko." ani Jayson na napakuyom pa ang mga kamay.

Tinapik naman ni Mr. Tesorero ang balikat nito.

"Hindi ako papayag na ipagkasundo si Shermayne sa apo lang ng kung sino. Pera o lupa, madaling makuha 'yan pero 'yong kasiyahan ni mama hindi 'yon madali. Ano na lang sasabihin ni mama kapag pumayag tayo sa ganun." Ani Jayson saka padabog na lumabas ng kwarto.



Dalawang buwan na pala ang nakakaraan nang marinig n'ya ang usapang 'yon ng papa at kuya n'ya. 'Yon din ang dahilan kaya pinili ng kuya n'ya na lumuwas s'ya ng Maynila. Protective ang kuya n'ya at 'yon ang tanging nakapagpangiti sa kanya. Hindi alam ng kuya n'ya na alam n'ya ang tungkol sa usapang 'yon. Di kalauna'y dinalaw na rin s'ya ng antok.

To be continued...

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now