S.S. 18 #S'yaNgaYon

227 5 0
                                    



Matapos maihatid si Joy sa Quezon City ay dumiretso na sila sa Makati kung saan for the first time ay may papapasukin si Ranier na ibang tao sa bahay na inilaan n'ya para kay Clare.

Naging malikot ang mga mata ni Shermayne nang makapasok sa bahay ni Ranier. Halatang pangmayaman talaga 'yon at humanga s'ya sa isang bahagi kung saan may napansin s'yang gazebo sa may likuran ng malaking bahay. Sinalubong s'ya ng hindi mabilang na katulong. Hindi s'ya makapaniwalang masyadong maraming kasambahay si Ranier sa bahay na 'yon. Nang makapasok s'yang tuluyan sa loob ng bahay she realized that this house is just like one of her dream house. Pero sa bahay na ito hindi si Ranier ang gusto n'yang makasama.

Balak na sana n'yang sundan si Ranier pero naakit naman ang mata n'ya sa isang malaking cabinet na bubog kung saan may mga naka-display na laruan. Her first thought is collection 'yon ni Ranier. She was about to pretended like she didn't see it but one thing stopped her. May nakita s'yang pamilyar na bagay dahilan para tuluyan n'yang lapitan ang bubog na cabinet. Naningkit ang mga mata n'ya nang makita 'yon.

"Bakit nandito ang laruang ito?" mahinang usal n'ya.

Nadagdagan ang dati ay duda ng isip n'ya. Iniisip n'ya kasi before na kung pinsan ni Aivan si Ranier ay posibleng ito at ang Ranier na nakilala n'ya noong bata pa s'ya ay iisa.

Hindi naka-lock ang cabinet so she decided to get it. Hawak na n'ya ang laruang ng abutan s'ya ni Ranier.

"What do you think you're doing?" ramdam n'ya ang galit sa tinig ni Ranier at nang harapin n'ya 'yon laking gulat n'ya ng hiklasin nito 'yon sa kanyang kamay.

"Sa susunod na makikialam ka ng bagay siguraduhin mong hindi sa'kin!" singhal sa kanya ni Ranier.

Nabigla s'ya sa narinig mula sa lalaki. At that moment, si Ranier na mismo ang nag-confirm ng hinala n'ya. Walang nabago. Ganung-ganon din ang pagkakabigkas at reaksyon noon. Dahil doon muling nagbalik sa kanya ang alaalang 'yon.



***
Nasa park sila noon ng papa n'ya at masaya lang s'yang naglalaro doon. Napalayo s'ya sa kuya at papa n'ya pero hindi naman natatakot si Shermayne dahil kabisado n'ya ang lugar kahit bata pa lang s'ya. Nasa swing s'ya nang mapansin n'ya ang isang laruan.

Luminga-linga s'ya para tingnan kung sinong may-ari noon, nagbakasakali talaga s'ya pero wala s'yang nakita. Nagpasya s'yang kunin 'yoon at saka ipinatong sa swing na katabi ng swing na inuupuan n'ya. Fifteen minutes n'ya 'yong binantayan sa pagbakasakaling may babalik para kunin. Then she decided to play with it since wala pa namang bumabalik para kunin 'yon.

Nabigla na lang s'ya nang mula sa likuran ay may buong candy na tumama sa ulo n'ya. Nang lingunin n'ya 'yon nakita n'ya ang isang batang lalaki kasama ang ama noon.

"She stole my toy dad. She stole it!" sigaw ng batang lalaki na itinuturo s'ya.

Hindi n'ya pa naintindihan 'yon noong una but then lumapit sa kanya ang batang 'yon at saka pahiklas na kinuha ang laruang 'yon sa kanya at kinagat ang hintuturo n'ya dahilan para mapaiyak s'ya sa sakit.

"Sa susunod na may pakikialaman ka siguraduhin mong hindi sa'kin!" singhal nito sa kanya saka itinulak s'ya.

"Rain!" sansala naman ng pakiwari n'ya'y papa nito pero balewala sa batang 'yon ang narinig.

"Ranier magsorry ka! Ranier!" sigaw ng isa pang tinig ng bata. Nakita n'yang nagtatakbo na ang batang 'yon na kumagat sa kanya habang sinundan naman 'yon ng ama.

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon