S.S. 41 #IwanMoMunaAko

139 6 0
                                    

S.S. 41 #IwanMoMuna

Ranier at The Bar...

"Bossing tama na hu. Marami na kayong naiinom. Magsasara na rin hu kami." Mahinahong wika ng bartender kay Ranier na lunud na lunod na sa alak.

"Magsasara? Nagbabayad naman ako ah at magbabayad pa. Labas pa ng alak!" ani Ranier saka kinuha ang wallet sa pants at iniabot sa waiter. Nagkatinginan na lang naman ang mga yon dahil sa ginawa n'ya.


Back to the hospital with Shermayne...

Naikwento nga ni Aivan kay Shermayne ang tungkol sa aksidente pero hindi naman detalyado kasi ang naikwento na nito ay 'yong mismong nakita na nitong nakahandusay na si Alexa sa floor. Nalilito s'ya nang lumabas ng silid ni Alexa. Wala na sina Ivy dahil nauna na 'yong umuwi. Bagsak ang balikat n'ya nang mabunggo naman s'ya sa kasalubong. Humingi s'ya ng paumanhin just to find out kung sino 'yon.

"Jake." Mahinang sambit n'ya.

"Shermayne? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong naman nito sa kanya.

"Si Alexa kasi naaksidente." Aniya. "How is she?" tanong n'ya. Nakuha naman kaagad ni Jake kung sinong tinutukoy n'ya. Matagal s'ya bago sumagot.

"Lets talk." Ani Jake. Dapat sana'y uuwi muna s'ya at dadaanan si Ranier sa bahay nito pero mas nauna na n'yang ipinasyang kausapin si Shermayne. Sa isang malapit na coffee shop sa hospital sila nag-usap.

"Wala ako sa lugar para hilingin 'to pero Shermayne, pwede bang iwanan mo na muna si Ranier?" hindi s'ya umimik. "Ang ibig ko lang namang sabihin eh -"

"I ended up the deal with him. Iniwan ko na s'ya Jake." Putol n'ya sa sasabihin pa sana ni Jake. "Nalulungkot ako na naaksidente si Clare pero maniwala ka. I've nothing to do with it. Iniwan ko na si Ranier."

"I'm sorry for asking you this favor." Ani Jake. "Mauunawaan mo rin ako kung bakit ko hinihiling sa'yo 'to."

"Kumusta lagay n'ya?" muling tanong n'ya kay Jake na hindi nito nasagot kanina. Tumunog naman ang cell phone n'ya kaya hindi na naman nakasagot si Jake. Nakita n'yang si Ranier ang tumatawag. Sa halip na sagutin ay ibinigay n'ya 'yon kay Jake at 'yon ang sumagot. Hindi pa man nakakapagsalita si Jake ay narinig na kaagad nito ang boses ni Ranier.

"Shermayne. Hello." Pauna nito. "Buti na lang sinagot mo ang tawag ko. 'Wag ka ng umalis Wag mo na akong iwan. Mahal na mahal kita. Maniwala ka sa'kin." Napasinok ito. "At yong tungkol sa kasal natin. Totoo lahat 'yon. Hindi 'yon peke. Kaya please wag mo na akong iwan. Ipagtatapat ko na kay Clare ang tungkol sa'tin. I need you with me Mrs. Tesorero-Sui." Halatang bangag sa alak na nainom si Ranier at kung anu-ano ng sinasabi nito.

Sinulyapan naman muna ni Jake si Shermayne bago nagsalita. "Ranier si Jake 'to. Lasing ka ba? Asan ka?"

"Oy. Ang bestfriend ko pala. Naku lasing na ata talaga ako. Ang tinatawagan ko talaga ay si Shermayne number mo pala ang nai-dial ko." Ngingisi-ngisi pang saad ni Ranier at saka bumagsak na at nabitawan ang cell phone sa mesa. Kinuha naman 'yon nong waiter.

"Hello? Hello?" ulit n'ya nang walang marinig sa kabilang linya.

"Sir Sorry po pero nakatulog na s'ya. Asa High J Bar po s'ya ngayon. Pakisundo n'yo na lang po s'ya dito." Anas naman ng waiter.

Ibinalik n'ya ang cell phone kay Shermayne saka nagpaalam na doon. Pumayag naman si Shermayne na tuluyan na s'yang umalis kahit nakabitin pa anng usapan nila. Tumawag na rin lang s'ya kay Aivan at sinabing uuwi na nga muna s'ya at baballik na lamang bukas.

Mabilis namang nakarating si Jake sa nasabing bar at nakita n'ya doon ang natutullg na si Ranier. Nagpatulong s'ya sa waiter ng pag-alalay doon. Nagsasalita pa rin 'yon kahit tulog na at pangalan ni Shermayne ang binabanggit.

"Buddz, kelangan mo na munang iwan si Shermayne kahit ilang araw lang." mahinang sambit ni Jake nang maihiga si Ranier sa kama. Asa bahay n'ya sila ngayon.

Kinabukasan...

Maaga pa lang ay nasa ospital na si Shermayne. Hindi pa rin nagigising si Alexa. Hinalinhan n'ya si Aivan sa pagbabantay upang makapag-ayos naman ng sarili 'yon.

Samantalang masakit man ang ulo ay nagpasya ng bumangon si Ranier. Alam nyang wala s'ya sa sariling silid. Kilala n'ya ang silid na 'yon.

"Oh buti naman at gising ka na. Kelangan mo pang pumunta ng ospital." Napatingin s'ya sa may pintuan kung saan naroroon si Jake na nagsasalita.

"Ospital? Anong gagawin ko dun?" aniya saka humikab pa.

"Naaksidente si Clare." Natigilan si Ranier.

"Naaksidente? Nagbibiro ka ba?" hndi makapaniwalang usal n'ya.

"I'm not kidding. She's in a state of comma." Seryosong wika ni Jake. Tinitigan n'ya ang kaibigan. Nakita n'yang hindi nga nagsisinungaling 'yon.

"Pano? I mean bakit s'ya naaksidente?" lumapit sa kanya ang kaibigan.

"Yan ang dapat kong itanong sa'yo. Pumunta ba s'ya sa'yo kahapon?" usisa ni Jake. Umiling naman s'ya. "Maghanda ka na at pupunta tayo ng ospital." Tumalima naman s'ya.


To be continued...

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon