S.S. 9 #Ikaw?

267 10 4
                                    


"May problema ba Mayne? Nong isang araw ko pa walang kibo ah. Akala mo hindi ko napapansin. Ano bang problema?" nag-aalalang tanong ni Joy sa kaibigan.

"Tinanggap ko na 'yong offer na kasal kapalit ng lupa at lahat ng bill sa hospital." Malamlam pa rin ang tinig ni Shermayne na ikinabigla ni Joy.

"Offer? Kasal? Teka diba ayaw mo naman 'yon. Paano kapag nagkamalay na ang kuya mo? Anong sasabihin mo? Kaya ka nga ipinadala sa Manila para maiwasan 'yon." Muling sambit ng nahuli.

"Maiintindihan n'ya 'yon. Mamaya imi-meet ko na ang lalaking pakakasalan ko. Ang lalaking ni minsan sa buhay ko ay mamaya ko pa lang makikita. Wala ng atrasan 'to." Napabuntong-hininga na lang si Shermayne.

"NO! Baka pwede ka pang mag-back out. Remember ito din ang araw na dapat imi-meet mo si Mr. Sui? Nalimutan mo ba?" anas ni Joy.

"Hindi ko nalilimutan 'yon but then my appointment later is more important than seeing that man. Hindi na ako pwedeng mag-back out." Ani Shermayne saka may naalala sa bahagi ng pag-uusap nila ni Mr. Wong.


"We have paid everything and have given the papers for your land. Kapag hindi ka tumupad sa usapan ipakukulong ko sino man sa papa at kapatid mo."


Napakuyom na lang si Shermayne ng maalala 'yon. Binalot silang dalawa ng katahimikan at hindi na rin nila napansin ang pagtakbo ng oras.

Pakiramdam ni Shermayne last day na n'ya habang hinihintay ang oras ng pagkikita nila ng lalaking mapapangasawa na n'ya. Binabalot s'ya ng takot at kaba. Nong mga oras ding 'yon ay mas pinili n'yang nakapatay ang cellphone at iwan ito sa loob ng silid para maiwasan ang mga tatawag sa kanya.

Samantalang...

"What? Hindi pwede 'yan. Dapat kanina pa kayo nandito ah." Galit ang tinig na 'yon ni Ranier sa kausap sa cellphone.

"I'm telling you Rain, wala s'ya dito. Wala rin akong reserba. Wala talaga s'ya dito at maging 'yong kaibigan n'ya. I think you're losing it. You're losing with your mamzy." Ani Jake habang asa tapat ng tinutuluyan nina Joy.

"Do something. You have to do something. This can't be happening Jake. Not now!" natataranta na si Ranier habang pabalik-balik na sa kwarto n'ya.

"Why don't you just make excuses, Rain. Hindi kasi madali na kumuha ng girls to pretend dahil sigurado ako that they'll be asking for more. Hindi natin malulusutan 'yon pag nagkataon. Why don't you just tell your mamzy that she's sick at hindi s'ya makakarating and re-sched the meeting." Ani Jake.

"Ipa-cancel mo na lang." sa wakas ay dugtong pa ni Jake.

"Alam mong hindi ko pwedeng gawin 'yon. This is my last chance Jake." Worried na talaga si Ranier. Hindi na n'ya alam ang gagawin.

"Call her. 'Yon na lang ang pinakamadaling solusyon. Threat her! Use everything." Ani Jake matapos huminga ng malalim.

"I've been calling her at hindi ko na mabilang kung ilan pero wala eh. Unattended s'ya. Do something Jake. I need you now. I need her now." Animo sumusuko na si Ranier.

"Shit!" huling usal nito saka ibinaba ang phone. Nasa bahay na s'ya ng mamzy n'ya at umaasang magagawan pa ng kaibigan ang sitwasyon n'ya.

Lalo lang hindi na mapakali pa si Ranier nang saktong alas-otso na eh wala pa s'yang naririnig na balita mula kay Jake at maging 'yon ay hindi na rin n'ya ma-contact. Tahimik na lang s'ya habang nasa dining area na habang panay ang sulyap n'ya sa wrist watch. Nakarinig na rin s'ya ng paghinto ng sasakyan. Malamang 'yon na ang babaeng ipinagkasundo ng grandma n'ya. Lalo lang s'yang hindi napakali. Kahit pa hindi mapakali ay mas pinili n'ya ang lumabas ng dining area at tingnan ang babaeng pakakasalan n'ya.

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now