S.S. 6 #Cellphone

183 9 0
                                    

Hindi magkaintindihan sa pag-irit sina Joy at Melca nang makaalis na ang driver na naghatid sa kanila. Gabi na rin nang makarating sila sa bahay.

"Hindi ko inexpect na sobrang gwapo pala in person ni Ranier. Nakikita ko lang s'ya sa TV and magazines pero super hot pala s'ya in person." Halata ang kilig habang binabanggit ni Joy ang pangalan na 'yon ni Ranier. Wala namang imik si Shermayne.

"Buti na lang umiral ang kapalpakan mo Mayne, I've got to meet Jake Chua. Grabe." Hirit pa nito dahilan para batukan ni Melca. "Aray." react nito ngunit nakangiti pa rin.

"Nagpasalamat ka pa eh napasok na nga sa kung anong deal 'yan dahil sa kapalpakan. Paano pag nalaman 'yan ni Kuya Jayson? Eh di lagot na ako. Umayos ka nga d'yan Joy." Ani Melca.

"'To naman. Syemperd hindi naman 'yon malalaman ni Kuya Jay kung ililihim natin. Tsaka parang blessing in disguise na rin 'yong pagpapanggp n'ya." Ani Joy saka naupo sa sofa.

"Para matigil na rin 'yan sa kapapantasya doon sa Aivan na wala namang kasiguruhan." Hirit pa nito.

"Peace." Nakangiti pang sambit nito nang tingnan ni Shermayne saka tumabi dito.

"Pero in all fairness maganda talaga ang cell phone na 'to. Kahit ilang taon pa akong magtrabaho parang hindi ako makakabili ng ganito." Muling hirit ni Joy saka hinablit ang cell phone na bigay ni Ranier na hawak-hawak n'ya pa rin. Bigla namang tumunog 'yon.

"Oh may message ka." Muling saad nito saka ibinalik sa kanya ang phone. "Basa dali." Pangungulit pa nito.

Tumabi naman si Melca kay Shermayne dahil maging ito ay curious ding malaman ang nilalaman ng text.

"Be meeting you tom. Call you where and at what time. Prepare yourself. This is not a date if you're thinking it is. We'll just have to talk about some important matters. -Rain-"

"Geez! Parang movie lang 'to. 'Yong tipong nag-start sa pretention then mauuwi sa totohanan. Tsk!" hirit muli ni Joy na parang kinikilig. Kinurot naman ito ni Melca.

"EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!" irit ni Shermayne na animo ay in total distress.

Nagtakip na lang naman ng tenga sina Melca. Alam kasi nilang medyo irritated na rin s'ya.

"Bakit sa daming pwedeng pag-iralan ng kapalpakan eh don pa sa lugar kung nasaan ang katulad n'ya?" pagkuway saad nito na sa cell phone pa rin nakatuon ang mga mata.

"Pero gwapo s'ya, diba?" si Joy na naman humirit.

"Isa pa Joy kakalbuhin na kita." Sambit naman ni Melca.

"Wag ka ngang plastic d'yan Melca. Gwapo naman talaga si Ranier ah. Tsaka look para kayang totoong in a relationship na sila. Nasa kanya ang cell phone then ibinili s'ya ng mga damit at ipinahatid sa driver at higit sa lahat magkikita pa sila. This is really like a scene in a movie." Muling hirit ni Joy.

"Joy!" sansala ni Melca.

"Totoo naman. Kulang na lang i-pa-make over n'ya si Mayne ah." Binalewala ni Joy ang saway ni Melca.

***
Samantalang sa panig nina Ranier at Jake...

"What? Make over?" takang tanong ni Ranier habang kumukuha ng drinks in can sa refrigerator. Inihagis nito ang isa kay Jake na kasalukuyang nakahilata sa sofa.

"Oo! Para mas lalo pa s'yang gumanda. Umamin ka Rain, when you told me that she's nice, definitely that means she's beautiful. And I'm sure she'll look even beautiful after the make over." Sagot naman ni Jake matapos uminom.

"Ewan ko sa'yo." Iiling-iling na sambit naman ni Ranier at sumalampak na rin ng upo sa sofa. "Sinabi ko lang na nice iniba mo na ang meaning." Pahabol pa nito.

"Meaning? Hello Rain! Wala akong inibang meaning don. Ang sa'kin lang baka mahulog ka kasi aminado naman talaga akong maganda s'ya." Ngingiti-ngiting sambit ni Jake.

Humalakhak naman muna si Ranier saka uminom muli.

"Ako talaga Jake? Ako pa ang mahuhulog? Come on! In your dreams." Anito at saka bumanat na naman ng tawa. "Hindi ko s'ya type. I chose her kasi sabi mo nga type s'ya ni Mamzy, ng grandma ko." anito at iiling-iling pa habang nakangiti.

***
Sa panig muli nina Shermayne...

"Talaga? Sinabi n'ya 'yon sa'yo? Na lola n'ya lang ang may type sa'yo kaya mas pinili ka n'yang magpanggap?" hindi makapaniwalang tanong ni Melca.

"Yes! He did!" sang-ayon naman ni Shermayne. "Sana maibalik ko na lang 'yong mga pangyayari nang hindi na ako napasok sa gulong ito. I hate it!" bulalas pa nito. "I hate it even more lalo na't kapangalan n'ya 'yong-" putol na saad nito.

"Kapangalan n'ya 'yong batang nang-asar at kumagat sa daliri mo sa park." Dugtong naman ni Joy. "Ang tagal na noon ah hindi mo pa rin makalimutan. Move on ma friend." Dagdag pa nito.

"Eh paano n'ya ba malilimutan 'yon eh diba nga doon n'ya rin nakita at nakilala ang ultimate prince charming n'ya." Sabad naman ni Melca at itinuro ang painting na nakasabit sa maliit nilang sala.

"Well andito na 'to eh. 'Wag n'yo na lang mababanggit kay Kuya lalo na rin kay Ivy. Malaking gulo pa 'pag nalaman nila ang tungkol sa nangyari." Aniya.

***
Sa panig muli nina Ranier...

"Hindi naman nila malalaman 'yon. Para mas makatotohanan palalabasin ko na lang na we had a misunderstanding at hindi pala kami 'yong para sa isa't isa so we decided to have a break up." ani Ranier.

"Pwede na rin. O kaya naman pwede mo namang sabihing ako 'yong talagang mahal nong girl kaya kayo nag-break. Diba mas makatotohanan yon." Sang-ayon naman ni Jake saka binanatan ng tawa.

"Ewan ko sa'yo." Sa halip ay sambit ni Ranier ngunit pasimple itong ngumiti na nahuli din naman mg kaibigan at ang ending eh walang katapusang pang-aalaska nito sa kanya.

To be continued...

SWEETEST SURPRISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon