S.S. 20 #MeetingHimAgain

246 8 0
                                    


Late na nang magising si Shermayne pero this time hindi s'ya nakasimangot. Masaya s'yang sinalubong ang kaygandang umaga. Pakanta-kanta pa s'ya habang bumaba. Naabutan n'ya naman si Ranier na nasa living room at nagbabasa ng dyaryo. Nagtaka s'ya nang makita 'yon doon at hindi pa naka-uniform.

"Good morning." Bati nito sa kanya.

"Bakit nandito ka pa? Diba suppose to be asa SC ka na by this time." Sa halip na sumagot ay nginitian lang s'ya noon. "Hindi ka na naman papasok ano?" hindi pa rin 'yon sumagot. "So porket okay na tayo hindi ka na ulit magtatrabaho?" naniningkit ang mga mata ni Shermayne habang papalapit sa lalaki.

"Hmmn?" tugon naman ni Ranier na may himig pagtatanong saka ngumiti at umiling sa kanya.

"Eh bakit nandito ka pa?" muling tanong n'ya at pinamewangan pa 'yon.

"May mas mahalaga kasi tayong pupuntahan."

"Tayo?" nagtatakang tanong naman n'ya doon.

"Oo! Kaya mag-ayos ka na. Doon na rin lang tayo kakain." Natigilan naman s'ya sa tinuran noon. "Oh? Kilos na dali!" utos pa nito at saka marahan s'yang tinulak.

"Teka. Saan ba tayo pupunta? Dapat malaman ko muna kung saan tayo pupunta. Hindi porket friend na tayo eh basta na lang ako sasama sa'yo." Nakangusong reklamo n'ya.

Ipinakita naman ni Ranier ang dyaryo sa kanya kung saan nakita n'ya ang mukha ng lalaking 'yon.

"Dumating lang naman 'yong pinsan ko kagabi na hindi ko nasundo dahil sa pag-aalala sa'yo kaya pupuntahan natin s'ya sa restaurant na imamanage n'ya. Pupunta tayo ng QC."

"Pi-pinsan mo?" halos magkanda-utal-utal s'ya.

"Oo! Kaya mag-ayos ka na ng sarili mo because he's waiting for us." Tila ba nahipnotismo s'ya na sumunod. "Wait." Pigil nito sa kanya saka may iniabot na paper bag. "Wear this." Nakangiting sambit nito nang tanggapin n'ya ang paper bag.

Pakiramdam n'ya napakabilis ng biyahe nila kahit traffic. Hindi talaga s'ya mapakali na napansin naman ni Ranier.

"May problema ba?" usisa nito sa kanya. Umiling lang s'ya. "Ah may dapat ka nga palang pirmahan." Ani Ranier at may kinuha sa drawer ng sasakayan at iniabot sa kanya na tinanggap n'ya naman.

"That's an agreement. Masaydong mahaba pero ang pinupunto n'yan eh once na nandito na si Clare kailangan na nating maghiwalay. One more thing naka - bold at underline in all capitalize letter that THERE SHOULD BE NO FALLING IN LOVE." Napangiti naman s'ya nang marinig ang sinabing 'yon ni Ranier.

"Natatakot kang ma-inlove ako sa'yo pero hindi ka natatakot na posibleng it would be the other way around? Baka ikaw pa ang ma-fall sa'kin, Mr. Sui." Birong saad n'ya sa katabing nagda-drive ng kotse habang sinisimulan na n'yang buklatin ang pipirmahan.

"Ako? Oh come on Mrs. Tesorero-Sui, kahit maging kasing ganda mo pa ang isang Diosa I will never ever fall for you dahil iisa lang ang laman ng pusong ito." Tugon naman ni Ranier habang tinutop ng kaliwang kamay ang sariling dibdib.

"Yabang. Siguraduhin mo lang." nakangiti n'ya namang sambit.

"Pirmahan mo na at baka magkalimutan pa. may pen d'yan sa drawer."

Kinuha n'ya naman ang pen saka pinirmahan 'yon matapos basahin. "Oh!" ibinalik n'ya ang pinirmahan sa lalaki na tinanggap naman noon.

"Ikaw na ang magtago n'yan para hindi mo malimutan. Base kasi sa mga napapanood ko kung sino pa 'yong lalaki s'ya pa 'yong unang nafo-fall so sana hindi maging tulad ng isang teleserye ang buhay mo." Pabiro pang sambit n'ya na natatawang iniling-ilingan lang ni Ranier.

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now