S.S. 5 #InstantJowa

215 7 0
                                    

"STOP."

That was Shermayne's last word at saka muli silang binalot ng katahimikan. S'ya na nakatitig ng masama kay Ranier at sina Melca na naghihintay ng kasagutan n'ya.

Si Ranier naman at kompyansang nakatitig lang sa kanya. Habang si Jake ay ganun din.

Isang buntong hininga ang pinakawalan n'ya kasabay ng pagkain n'ya sa kanyang pride.

"Magpapanggap lang ba ako? One week lang ba?" napipilitan n'yang tanong. Marahang pagtango naman ang itinugon ni Ranier sa kanya.

"Then fine!" sa wakas ay sambit n'ya.

"Fine na as in oo?" si Ranier na may himig pang-aasar pa. Tumango naman s'ya at muling nagsalita.

"So pwede ba ibaba mo na ang phone mo at 'wag mong basta na lang tanggalin sa trabaho ang kaibigan ko. I-report kita d'yan sa DOLE eh."

Napapangiti namang ibinaba ni Ranier ang phone at saka animo nang-aasar pang tiningnan s'ya.

"Kung kanina mo pa ginawa 'yan hindi na sana tayo nagtagal pa ng ganito." antipatiko pang sambit nito.

"I'm sorry Mayne. Alam mo namang mahalaga sa'kin 'tong trabahong 'to." Bulong ni Melca.

"Kung nandito lang si Ivy hindi mangyayari 'to." Sa wakas ay nagsalita na rin si Joy. "Kasalanan ko naman talaga 'to eh. Pinilit pa kitang alisin 'yong single. Sorry talaga Mayne." Hirit pa nito.

"It's not your fault. Tsaka kung hindi lang bwiset 'tong lalaking 'to eh di sana-" putol na complain ni Shermayne.

"Lets go!" ani Ranier dahilan para mapahinto sa pagsasalita si Shermayne.

"Huh?" takang sambit ni Shermayne na kukurap-kurap pa.

"Tara na!" ani Ranier sa kanya.

"Anong tara? Hindi ako sasama sa'yo." Mataray na tanggi n'ya.

"Remember you've to pretend to be my girlfriend? You have to start now." Ani Ranier.

"Ngayon na talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Shermayne kahit aminado namang nasusura na.

"Oo! Bakit aatras ka?" mapanghamong sambit ni Ranier. "Madali naman akong kausap." dugtong pa nito.

"Bakit sinabi ko ba? Sasama naman ako basta kasama ang mga kaibigan ko." sa halip ay saad ni Shermayne. "Baka kung san mo pa ako dalhin eh."

"Sus! 'Yon lang pala eh. Tara." Ani Ranier at saka sinenyasan si Jake.

"Parating na daw eh." tugon naman ni Jake sa sinyas n'ya. "Oh! Ayan na pala eh. Lets go girls." Anito nang makitang may parating na sasakyan.

Shermayne just rolled her eyes. At the end of the story, ayon nakasakay na s'ya kung saan sa passenger seat s'ya pinaupo ni Ranier. Hindi man lang s'ya pinagbuksan noon ng pinto kung hindi pa ginawa ni Jake 'yon.

"Put on your seatbelt. Ayokong may sakay ako sa kotse na hindi naka-seatbelt." Ani Ranier na si Shermayne naman ang pinatatamaan. Lihim n'yang inismiran muna 'yon saka itinakid ang seatbelt.

After that nag-start na ang kotse. Si Jake lang ang nagsalita dahil tahimik lang silang tatlo hanggang sa naramdaman na lang nilang huminto na ang sasakyan.

"Get off!" ani Ranier.

"Huh?"

Tiningnan s'ya ni Ranier.

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now