S.S. 15 #Honeymoon

182 7 0
                                    


Mabilis magpatakbo ang driver nila pero maingat naman 'yon kaya madali rin silang nakarating ng Tagaytay. Ginising pa s'ya ni Ranier dahil nakatulog nga s'ya.

Napahalukipkip s'ya dahil sa lamig. Isinuot naman sa kanya ni Ranier ang suot nitong suit. In all fairness she finds him cute dahil sa ginawang 'yon.

"Kuya, Isaac okay na kami dito." Si Ranier sa driver nang mailabas na nito ang mga gamit nila at sinagot noon ng pagngiti at pagtango.

"I-text n'yo na lamang po ako kapag susunduin na kayo dito." Anito nang makasakay na ulit sa van.

"W-wow!" paghanga ni Shermayne nang makapasok sa bahay na ala mansion din sa laki. "Kanino 'to? Senyu rin?" tanong n'ya pa.

Hindi naman s'ya sinagot ni Ranier sa halip ay pabagsak nitong ibinaba ang mga dalang gamit. Sa gulat ay nilingon n'ya 'yon na masama ang tingin sa kanya. Gusto n'yang mapatawa sa reaksyon ni Ranier. 'Yon na kasi ang nagdala ng lahat ng gamit nila sa loob.

"Anong problema mo." Aniya kahit alam na n'ya kung bakit nagkakaganun 'yon.

"Ang bigat kaya ng mga gamit natin tapos hindi mo 'ko tinulungan." Naiiritang sagot naman nito sa kanya.

"Sinabi ko bang bitbitin mo 'yong gamit ko?" pang-aasar n'ya pa doon.

Hindi naman na umimik pa 'yon sa halip ay tumungo sa kitchen area ng mansion. Sinundan n'ya naman 'yon. Nagkibit-balikat na lang s'ya nang makitang kumuha lang 'yon ng isang boteng tubig at uminom

"Oo. Sa'min din 'to. Pero bibihira lang naming puntahan since nag-i-stay naman ako sa Manila tapos sila mamzy naman taong mansion na sa Cavite." Anito na hindi n'ya inasahan.

"Ah..." tatango-tangong saad na lang n'ya.

May itatanong pa sana s'ya kay Ranier pero napatda s'ya nang makitang nakatitig lang 'yon sa kanya. Hindi n'ya maintindihan pero bumilis talaga ang tibok ng puso n'ya. Ang sunod nitong ginawa ay hindi n'ya inasahan. Ipinatong nito sa ibabaw ng refregirator ang naubos na isang boteng tubig. Saka ay nagsimula itong lumakad palapit sa kanya na hindi man lang inaalis ang pagkakatitig sa kanya.

Dahan - dahan naman s'yang napaatras. Kinabahan talaga s'yang bigla. Then her back met the wall of the kitchen. That's a dead end. Naghahabulan 'yong tibok ng puso n'ya lalo na nang makalapit na 'yon ng tuluyan sa kanya at saka itinuon nito ang mga kamay sa pader dahilan para maharangan s'ya. Then his face started to get near to her face.

Geez. That was the reaction of her mind. He's planning to kiss her. Sabi na nga ba n'ya hindi n'ya mapagkakatiwalaan ang lalaking ito. Pero nong mga oras ding 'yon kahit na kinakabahan pa s'ya hindi n'ya maintindihan kung bakit nagawa n'yang ipikit ang mga mata nong malapit na ang mukha nito sa mukha n'ya.


Isang halakhak ang naging dahilan para imulat n'ya ang mga mata n'ya. Nakita n'ya ngang tumatawa ang lalaki habang nakahawak sa sikmura. So pinagtawanan s'ya noon dahil sa naging reaksyon n'ya. Tumigil lang 'yon nang makita ang seryoso n'yang mukha.

"S-sorry hindi ko mapigilang tumawa." Ani Ranier nang makitang seryoso s'ya.

Sa inis n'ya sinipa n'ya ang binti noon. Napa-aray 'yon sa sakit kaya s'ya naman ang napangiti.

"Ay sorry din akala ko foam." Nang-aasar pang usal n'ya saka hinayaan pa ng suntok ang lalaki bago umalis.

Kahit pa nasasaktan ay hinawakan na lang ni Ranier ang binting sinipa ni Shermayne. Hindi n'ya inasahang gagawin 'yon nang babae sa kanya. Talagang hindi n'ya rin 'yon maipaliwanag. Saka bumalik sa isip n'ya ang eksena kanina.

SWEETEST SURPRISEМесто, где живут истории. Откройте их для себя