S.S. 27 #Fallen

243 8 1
                                    

Hindi malaman ni Shermayne kung ma-i-excite ba s'ya na isasama s'ya ni Ranier sa opisina o matatakot. Naghahalo ang emosyong narararamdaman n'ya. Isang buwan na nga ang nakakaraan nang huli s'yang akitin nito pero ngayon pa lang s'ya nagpasyang sumama. Sunud-sunod na buntong-hininga ang ginawa n'ya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nakangiti namang naghihintay sa kanya si Ranier at sabay silang lumabas ng bahay. Inalalayan s'ya nitong makapasok sa sasakyan.

"Calm down, will you?" basag ni Ranier sa pananahimik n'ya habang nagbibyahe sila.

"Sinong maysabing hindi ako kalmado? Kalmado ako noh." may himig pagsusungit na tugon n'ya pero laking gulat n'ya ng hawakan ni Ranier ang kamay n'ya habang ang kabilang kamay nito ay nasa manibela.

"Anong ibig sabihin ng panginginig ng mga kamay mo?" mabilis naman n'yang binawi ang kamay.

"Anong nginingisi-ngisi mo d'yan? Masyadong malakas ang aircon ng kotse mo kaya nanginginig ang kamay ko." muli ay may pagtataray na sambit n'ya pero iiling-iling na lang naman si Ranier sa tinuran n'ya habang nakangisi pa rin. Hindi na 'yon muli pang nagsalita hanggang sa huminto ang sasakyan. They',ve arrived.


Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila ng building ay pinagtitinginan na sila ng mga empleyado. Hindi s'ya sanay sa ganoong atensyon kaya naman lalo lang s'yang kinabahan.

"Wag kang kabahan. I'm here." Narinig n'yang saad ni Ranier nang pumasok sila sa elevator. Nakarating sila sa distinasyong floor kung saan nakatipon ang mga emplyedo.

Hindi n'ya inasahan ang kasunod na nangyari. Ipinakilala s'ya ni Ranier bilang pinakamamahal na asawa nito. Hindi n'ya maipaliwanag ang sayang bumalot sa puso n'ya nong mga oras na 'yon. Matapos s'yang maipakilala ay pinabalik na nito sa trabaho ang mga empleyado. Susunod na sana s'ya kay Ranier pero napahinto s'ya nang makita si Fhaye na nakatingin at nakangiti rin sa kanya kaya naman sa halip na sumunod ay pinuntahan n'ya ang kinaroroonan ng babae.

Sa halip na pigilan ay hinayaan na lang naman s'ya ni Ranier. Habang nasa loob ng opisina si Ranier s'ya naman ay na kay Fhaye kung saan ang ilan sa mga empleyado doon ay tuwang-tuwang nakatingin lang sa kanya. Nagtaka s'ya kung bakit ganun na lang kung makangiti 'yon tapos isang empleyado ang nagpasalamat sa kanya sa hindi malamang dahilan.


Si Fhaye na ang nagkwento sa kanya tungkol sa mga ipinagbago ni Ranier. Nalaman n'ya ring dito na s'ya ang kauna-unahang dinalang babae si Ranier sa SC. Marami pang ikinwento si Fhaye na hindi n'ya inasahang maririnig n'ya. Maging ang ibang empleyado ay nakisang-ayon din sa kwento ni Fhaye.

Samantalang nasa loob na ng office n'ya si Ranier pero kita n'ya pa rin mula doon ang kinaroroonan ni Shermayne since glass see through naman mula sa loob ang office n'ya. pinagmamasdan n'ya 'yon ng lihim at naputol lang 'yon nang mag-ring ang cell phone n'ya. Si Jake tumatawag kaya sinagot n'ya 'yon kaagad.

"Hello. Long time no text, no call and no see. Buti naman at nagparamdam ka pa." saad n'ya agad nang sagutin ang tawag noon.

"I've a good news for you." Ani Jake sa kabilang linya.

"May good news din ako sa'yo." Pagkuway saad n'ya rin. "I assure you this is really a good news too."

"Hear me out first dahil sigurado akong matutuwa ka dito." Ani Jake

"Okay then go and tell me and make sure na good news talaga 'yan dahil halos isang buwan kang hindi nagparamdam sa'kin."

"I finally found her." Paunang usal ni Jake.

"Found who?" takang tanong naman n'ya.

"I finally found-" hindi na naituloy ni Jake ang sasabihin nang magsalita na s'ya.

"Jake maya na lang tayo mag-usap. She's coming eh. Bye." Ani Ranier at ibinaba kaagad ang phone nang makitang patungo na sa office n'ya si Shermayne.

"I didn't expect what you did awhile ago." Bungad ni Shermayne nang makapasok s'ya sa office ni Ranier.

"Alin doon? 'Yong ipinakilala ko sa mga employees ko ang wife ko?" natigilan s'ya sa tinuran ni Ranier pero pansamantala lang yon.

"Wife?" maikling sambit n'ya na may himig pagtatanong.

"Yes. My wife."

"Pero alam mong it's not what they think it is." Sa halip ay saad n'ya.

Tinitigan lang sya ng lalaki habang nakaupo sa swivel chair at s'ya nakatayo malapit sa may pintuhan. Tumayo si Ranier at dahan-dahan namang lumapit sa kanya. Ewan ba pero pakiramdam n'ya may mga kabayong naghahabulan sa puso n'ya dahil sa bilis ng tibok noon. He hold her hand at kahit nagtataka at kinakabahan ay hinayaan n'ya lang yon. Sweetest Surprise by Michael Learns To Rock is playing.

"Pwede bang ipagpatuloy na natin 'to? Pwede bang totohananin na natin 'to?"

Napipi s'ya sa sinabi nito. Hindi n'ya maintindihan kung tinitrip ba s'ya nito but when she look him at the eyes nakita n'yang seryoso ito.

"This is the first time I ever felt na parang naduduwag ako. Ang saya ko kapag nandyan ka tapos biglang parang lutang naman kapag wala ka. I would say that I completely fall for you. I like you. No! I'm starting to love you." Confess ni Ranier na tila ba nakatuyo sa lalamunan n'ya. He's still holding her hands and her heart still beats so fast.

The next thing she realizes na dahan-dahan nang inilalapit ni Ranier ang mukha nito sa mukha n'ya. She's fully aware of what Ranier is going to do. Pero hindi s'ya umiwas. Hinayaan n'ya lang 'yon. Then the kiss started. Hindi s'ya nag-respond nong una but later on she then responded to the kiss. Hanggang sa nagliwanag ang utak n'ya at na-realize kung ano ang ginawa n'ya. She's the first one to back out of that kiss. Pareho nilang habol ang hininga.

"I'm sorry." Maikling sambit ni Ranier.

"No. I'm sorry Ranier but then-but then it was written in our contract. Ayoko namang-" hindi na n'ya naituloy ang sasabihin nang yakapin s'ya ni Ranier.

"Lets just forget about that freaking contract. It's already void since I already break what's written on it. Besides that was just an immaturely made contract and-" hindi na rin nito naituloy ang sasabihin nang umalis s'ya sa pagkakayakap nito.

"I didn't expect you'll tell this to me. Pero alam ko namang nagbibiro ka lang at-"

"NO! I'm not kidding. I don't joke around when it comes to my feeling. Just say you wanted us to be real. Just say yes and-"

"Pero Ranier-" huminga s'ya ng malalim. "I'm sorry." Tanging sambit n'ya

"No! You on't need to say sorry. Alam kong nabigla kita with my confession. I'll just be waiting for your answer. No! I mean I will be waiting not only for your answer but for you." Anito saka ngumiti sa kanya at sinulyapam ang wrist watch na suot.

"Mabuti pa siguro ihatid na kita sa art gallery ni couz."

"No need." Tanggi n'ya. "Magko-commute na lang ako." Aniya saka hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Ranier at dali-dali ng lumabas ng office noon. Sinampal-sampal n'ya ang sarili dahil sa ginawa n'yang pag-respond sa halik na 'yon ni Ranier.

"Why did you even responded to it, Shermayne? Why?" mahinang sambit n'ya sa kabila ng marahang pagsampal n'ya sa sarili. Natigil lang 'yon nang makita n'yang nakatingin sa kanya ang mga staff ni Ranier. She faked her smile at saka nahihiyang tinungo ang elevator.

Naiwan naman si Ranier sa office na inihatid lang s'ya ng tingin. Hindi ito sumunod sa kanya. Hindi man kasi sumagot si Shermayne alam n'ya ang dahilan kung bakit hindi ito makapayag sa kagutushan nyang totohanin na lang nila ang kasal na 'yon.

Katulad ng sinabi n'ya kay Ranier nagtaxi na lang s'ya papunta sa art gallery ni Aivan. Litung-lito ang isip n'ya at nadagdagan lang 'yon lalo nang makita n'ya si Aivan na masayang naghihintay sa kanya doon.

That day hindi s'ya nakapag-concentrate sa ginagawa n'ya. Wala ring s'ya sa mood na magtrabaho. Punung-puno ang utak n'ya ng isipin. Napansin naman s'ya ni Aivan pero hindi naman 'yon makapagtanong sa kanya dahil sa malimitan n'yang pagbuntong-hininga.


To be continued...

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now