S.S. 55 #I'mSorry

157 6 0
                                    





SC Main Office...

"Nasan ka na ba? Magpakita ka na sa'kin. Bumalik ka na." anito habang tinitingnan ang picture ni Shermayne sa frame na nakapatong sa mesa n'ya.

"Sir, coffee po." Tiningnan n'ya ang nagsalita. Si Fhaye 'yon. Bakas n'ya sa mukha nito na nag-aalala ito.

"Salamat." Maikling saad n'ya. that was the first time he said thank you to her.

"Makikita n'yo rin po s'ya. Maghintay lang po kayo." Nakangiting pahayag nito sa kanya.

Doon n'ya lang napansing maganda pala ito. Ang dimple nito nakuha nito sa mama nito marahil. Nong mga sandaling 'yon pakiramdam n'ya napagaan nito ang bigat na dinadala n'ya.

"Samahan mo ako. Gusto ko s'yang makita." Sa wakas ay sambit n'ya.

"Po?" tila naman naguluhan si Fhaye sa sinabi n'ya.

"Gusto kong makita ang dahilan kung bakit nananatili ka sa Sui." Nabanaag n'ya sa mukha nito ang pagkabigla sa sinabi n'ya pero napangiti ito.

"Sige po Sir." Nakita n'yang may tila pumatak na luha sa mga mata nito pero hindi na n'ya 'yon pinuna pa.

Tahimik lang s'yang nag-drive. Alam n'yang sinusulyapan s'ya ni Fhaye pero hindi na lang n'ya ito pinapansin. Nasisiguro n'ya ring nagtataka ito sa ginagawa n'ya pero maging s'ya man ay nagtataka rin. Simula kasi nang mawala si Shermayne hindi naman nawawala sa tabi n'ya si Fhaye. Kung gaano s'ya ka-late umuwi galing sa office ganun din 'yon. Siguro 'yon na rin ang naging dahilan upang mapansin n'ya ang sincerity nito. Huminto sila sa tapat ng ospital. Sobrang maraming lakas ng loob ang kinuha n'ya bago tuluyang pumasok doon. Nakita n'yang binuksan ni Fhaye ang isa sa mga pinto ng kwarto ng ospital. Pumikit muna s'ya saka huminga ng malalim bago sinundan 'yon.

"Ma, may bisita ka po." Narinig n'ya pang saad ni Fhaye. Tumambad sa kanya ang babaeng nakahiga sa bed na naroroon.

Nakaramdam s'ya na tila ba may kumurot sa puso n'ya lalo na ng makita n'ya ang payat na babaeng nakahiga doon. Napatakip ang kanang kamay n'ya sa bibig. Naramdaman n'yang may tubig na nagsisimulang mabuo sa mga mata n'ya.

"Maiwan ko muna po kayo Sir." Paalam ni Fhaye na tinanguan n'ya lan.

Dahan-dahan s'yang lumapit sa babaeng nakahiga doon. Hindi na n'ya napigilang tumulo ang mga luha.

"Fhaye, sino ba 'yan?" nakita n'yang tila nangapa sa hangin ang kamay ng babaeng nakahiga doon. Napahigpit lang ang pagkakatakip n'ya sa bibig. Ayaw n'yang magkaroon ng tunog ang pag-iyak n'ya. Pero ipinagkanulo s'ya ng nararamdaman. Ang dapat sana'y tahimik na pagtangis ay nagkaroon ng tunog.

"Ranier? Iho ikaw ba 'yan?" hindi s'ya umimik. Nagpatuloy s'ya sa pag-iyak.

Lingid sa kaaalaman n'yang nakasilip pa si Fhaye pero dahan-dahan na nitong sinara ang pinto nong masaksihan nito ang pagtangis n'ya.

"Ranier, iho, ikaw ba 'yan?" pinili n'yang manahimik pa rin at magpatuloy sa pag-iyak. "Ranier, Anak."

Tuluyan ng bumigay ang puso n'ya dahil sa huling sinabi nito. Walang salitang hinawakan n'ya ang kamay nitong kanina pa naghahagilap sa kanya.

"Anak." Nakita n'yang ang kabilang kamay naman nito ay sinikap na hawakan ang mukha n'ya. Hinayaan n'ya namang gawin nito 'yon. "Anak ikaw nga." Hindi pa rin s'ya umiyak.

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now