S.S. 38 #DrunkInLove

237 7 0
                                    


Hindi n'ya inasahan ang nasaksihan nang makapasok s'ya sa loob ng bahay. Nabitawan n'ya tuloy ang hawak n'yang cell phone dahilan para matuon ang atensyon sa kanya nina Clare.

Nakita n'ya ang pagkagulat sa mukha ni Ranier. Maging ito ay hindi inasahan ang nangyari. Bigla na lang kasi itong nilapitan ni Clare at hinalikan. Hindi nag-respond si Ranier, bagay na hindi naman nakita ni Shermayne dahil likod na bahagi lang naman ng lalaki ang nakita n'ya.

"She-Shermayne." Tanging usal ni Ranier sa pangalan n'ya. Napalunok naman s'ya ng laway. Hindi n'ya rin kasi alam kung anong sasabihin but she felt her heart breaking.

"Co-Couz?" napakunot ang noo n'ya at saka napalingon sa tinuran ni Ranier. Doon n'ya nakitang nakatayo na sa may likuran n'ya si Aivan. Hindi n'ya alam kung kelan pa nandon ang lalaki pero malinaw na naroroon 'yon sa likuran n'ya ngayon sa hindi n'ya malamang dahilan.

"Diba s'ya 'yong -" putol na sambit ni Clare nang magsalita s'ya.

"S-sir I'm sorry to disturb you but it's just-" nalito na naman s'ya lalo na nang hawakan ni Clare ang kamay ni Ranier na hindi naman pinalagan noon. Nawala na tuloy ang alibi na naisip n'yang sasabihin.

"We're just here to talk about business. Kung hindi kami nakakaistorbo." Nakahinga s'ya ng maluwag ng si Aivan na ang magsalita. Thanks to him.

"So s'ya 'yong sinasabi mong nagdedesign ng gallery ni Aivan?" nakangiti Clare nang sulayapan s'ya. Nakita n'yang tumango si Ranier. "I think I like her." ani Clare na ikinatingin ni Ranier sa babae at sa kanya.

"Eh anong ginagawa ni Aivan dito?" napatutop bigla ito sa bibig. "OMG! By chance is he courting her?" muli ay curious na usisa ni Clare.

"No!" tiningnan ni Shermayne si Aivan. Hindi n'ya inasahang sasagot 'yon ng ganun. Pero mabuti na rin siguro 'yon.

"But you look good together. Sayang naman kung hindi mo s'ya liligawan. By the way I would like to formally introduce my self to you." Ani Clare saka nilapitan s'ya. "I'm Clare, Ranier's girlfriend. Nagkita na tayo, remember?" Napalunok na naman s'ya ng laway sa sinabi ni Clare. Yeah! Right! She's her mans girlfriend ano nga bang iniexpect n'yang sasabihin nito. Ngumiti s'ya at hindi n'ya alam kung napansin ba ni Ranier na fake ang smile n'yang 'yon.

Napansin ni Aivan na hindi komportable si Shermayne sa sitwasyon kaya nakaisip na kaagad s'ya ng dahilan. He wanted to protect her from getting hurt pero alam n'yang nasasaktan pa rin 'yon.

"Siguro next time na lang natin pag-usapan 'yong tungkol sa proposal na inaalok ko sa'yo Couz." Pagsisinungaling ni Aivan na sinakyan naman ni Ranier nang makuha nito ang nais n'yang ipahiwatig.

"O-okay! Okay! Sige! Sige!" halos inulit-ulit na ni Ranier ang sagot n'ya. Hindi rin naman kasi n'ya alam ang sasabihin pa. Pinulot muna ni Aivan ang nalaglag na cell phone ni Shermayne.




Halos matutop ni Shermayne ang bibig ng makalabas ng bahay. Saka lang s'ya nakahinga ng maluwag. Pakiramdam n'ya kasi kanina nasosophocate s'ya. Mapatingin s'ya kay Aivan at sa hindi inaasahang pagkakataon saka pa pumatak ang luha n'ya.


She's hurting. Hindi n'ya na naitago 'yon kay Aivan. Pinahid n'ya 'yon nang makasakay s'ya sa kotse ng lalaki. Nasa loob na sya nang mapansin ang hawak noong paintbrush.

"I was suppose to give it back to you kaya ako narito." Ani Aivan saka iniabot sa kanya ang paint brush na tinanggap n'ya naman.

"Buti na lang dumating ka. Salamat sa'yo at sa paint brush." Ani Shermayne at saka tumingin na sa labas ng kotse.

Sa loob loob n'ya laking pasasalamat n'ya dahil dumating si Aivan dahil kung hindi baka nagkalat na s'ya. Nagpahatid s'ya sa bahay na tinutuluyan ni Melca. Hindi na n'ya pinapasok si Aivan sa halip ay hinintay n'ya pa ngang makaalis ang kotse noon bago s'ya tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Melca's Place...

Nagtatawanan pa sina Melca nang maratnan n'ya ang mga 'yon.

"Shermayne?" pinilit n'yang ngumiti nang makita s'ya nina Melca.

"Inom tayo." Sa halip ay saad n'ya.

Nagkatinginan naman sina Joy sa sinabi n'ya. They knew her very well kaya naman hindi na sila nagpatumpiik-tumpik pa. Buti na lang at may dalang alak si Ivy galing pa sa Cebu. They started drinking. Noong una it was fun but later on it was Melca who noticed her tears.

"Mayne?" ani Melca na ikinatingin din nina Ivy at Joy sa kanya. "Mayne?" ulit nito. Sa halip na sumagot ay yumakap lang s'ya dito since ito ang pinakamalapit na mayayakap n'ya.

"Our little princess is crying. In love na nga ba?" layunin sana ni Ivy na patawanin s'ya pero lalo lang nagkaroon ng tunog ang kanina'y tahimik na pag-iyak n'ya.

"Designer ako ng pinsan n'ya. 'Yon lang yon." Aniya kasabay ng paghikbi.

"Mayne." ani Joy dito.

"Akala n'ya naman mahal ko s'ya. Akala n'ya pero-pero-pero-pero-oo! Mahal ko na nga s'ya. Pero ang sakit sakit pala!" aniya nang umalis sa pagkakayakap kay Melca.

"Mayne." Si Joy naman 'yon na tila apektado na rin sa kanya. Tiim bagang man pero hiniram ni Ivy ang cell phone ni Joy kusa naman nitong binigay 'yon sa kanya. Alam na nito ang gagawin n'ya. Isinet n'ya na talaga ang number nong tatawagan noon.

Di kalauna'y may narinig silang tumigil na kotse sa labas. Marami na rin kasi ang naiinom ni Shermayne sala sa iyak at tatawa ito habang binabanggit ang pangalan ni Ranier. Si Ivy ang nagbukas ng pinto at hindi na s'ya umimik sa halip binigyan n'ya ito ng daan para makapasok.

"Oy Ranier!" ani Shermayne nang makita si Ranier doon. Sinampal-samapal n'ya ito ng marahan. "Ikaw nga." Tatawa-tawa pang usal nito. "Ikaw nga. Ikaw na dahilan ng sakit na nararamdaman nito." Anitong muli saka itinuro ang parte ng puso. "Ang sakit - sakit!" huling pahayag nito saka tuluyan ng pumikit. Nagpasya na s'yang buhatin 'yon. Sumunod naman sa kanila sina Melca.




"Tinawagan kita hindi dahil gusto na kita para sa kaibigan ko pero dahil kailangan ka n'ya. Gusto ko lang ayusin mo ang problemang ikaw ang nagsimula. Alam naming fake ang kasal n'yo at alam din naming dumating na ang girlfriend mo. Kaya ayusin mo na ang dapat mong ayusin." Ani Ivy nang maisakay na n'ya sa passenger seat si Shermayne.

"Nandito na ang mga gamit n'ya pero mag-usap muna kayo bago kayo maghiwalay. Ayusin mo na muna lahat." Nag-aalalang saad ni Melca saka may inabot na paper bag sa kanya.

Hindi n'ya naintindihan kaagad ang sinabi ni Melca hanggang sa makarating s'ya at madala sa silid nito si Shermayne. Malinis na ang kwarto at tanging ang iginuhit na lang na mukha ni Clare ang naiwan sa cabinet doon. Dahan-dahan n'yang inihiga si Shermayne. Naaapektuhan s'ya sa nangyayari dito. Dahan-dahan n'yang winahi ang buhok ni Shermayne na nakatabon sa mukha.

"Bakit ka ba naglasing? I'm sorry kung anuman 'yong nakita mo kanina. It was unexpected." Aniya na animo gising si Shermayne. "Gusto mo na ba talaga akong iwan? Kaya ka ba nagkakaganyan?" huminga s'ya ng malalim. "She's back. Clare's back pero hindi ko namn na s'ya mahal. Ikaw na ang mahal ko. Mas kailangan kita ngayon. I'm confuse. I really am at kailangan kita sa tabi ko. 'Wag mo naman akong iwan oh. She's sick. May sakit s'ya kaya kailangan kong manatili sa tabi n'ya. kailangan kita para magawa ko 'yon. Wag mo kong iwan." Huling pahayag n'ya habang hinahawakan ang kamay ni Shermayne.

To be continued...

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now