S.S. 59 #Cebu#

139 5 0
                                    






Nagmamadaling sinalubong ni Mang Homer ang kadarating lang na babae. Nakasombrero ito at tumambad lang ng tuluyan ang mukha nito nong makapasok na ito sa loob ng gallery at tanggalin ang suot na sombrero. Maikli na ang buhok nito hindi kagaya dati. Halata ring medyo namayat ito. S'ya si Shermayne.

"Tay, bakit po?" puna nito kay Mang Homer.

"Shentell, may naghahanap sa'yo dito kanina lang. Kaalis-alis lang nila nong dumating ka." Nagpalinga-linga naman Shermayne dahil sa narinig.

"Sino daw po sila?" kinabahan s'yang bigla. Iniabot naman ni Mang Homer ang calling card sa kanya.

"S'ya na yata 'yan." Napabuntong-hininga si Mang Homer. Nakagat naman n'ya ang kanang kuko ng hintuturo n'ya nang mabasa ang pangalan ng nasa calling card.

"Ano pong sabi n'ya?" muli s'yang nagpalinga-linga.

"Wala s'yang masyadong sinabi. Tinatanong n'ya lang kung kilala ko daw ba si Shentell. 'Yong kasama n'yang babae ang maraming tanong."

"Babae po? Ano pong pangalan?"

"Sa pagkakatanda ko Ivy." Kinabahan s'yang lalo sa narinig. Nagpalaka-lakad s'ya sa loob ng gallery.

"Tay, anong gagawin ko? Sinabi n'yo po bang kilala n'yo si Shentell?" nagpapanic na talaga s'ya. Hindi  n'ya kasi alam kung anong gagawin kapag nagkatagpo sila sa ganoong pagkakataon.

"Katulad pa rin ng sinabi mo sa'kin noon na kapag may naghanap sa'yo wala akong sasabihin na kahit ano." Tinapik nito ang balikat n'ya. "Wag ka na munang magpupunta dito. Sigurado akong babalik sila dahil nakikita ko sa mata nong Ivy na hindi s'ya naniniwala sa sinasabi ko."

"Hindi pa nila ako pwedeng makita Tay." Tumango-tango naman ang matanda. "Hindi pa sa ngayon."

"Bumalik ka na muna sa kabila. Doon ka na muna ulit." Sumang-ayon naman s'ya sa sinabi ni Mang Homer.

Ang kabila na sinasabi ni Mang Homer ay ang bahay nito sa medyo bundok pero naabot pa naman ng kuryente. Pahingahan kasi nina Mang Homer at asawa nito ang bahay doon. Kapag masyadong napapagod ang mag-asawa sa buhay bayan ay umaahon sila doon at doon nagpapalipas ng araw para makapagpahinga.

"Kapag bumalik sila 'wag na 'wag n'yo po akong ituturo huh? Tay?"

"Katulad nang kung paano ka namin inalagaan at prinotektahan ng nanay Aurora mo ganun ulit ang gagawin ko ngayon. Wag ka ng mag-alala. Umuwi ka na at doon ka na muna sa kabila."

Muli n'yang isinuot ang sombrero at saka nakatungong lumabas ng gallery. Dalawang kanto mula sa gallery ang nilakad n'ya bago makarating sa bahay nila nina Mang Homer. Naratnan n'ya pang nagluluto ang asawa nitong si Aling Aurora.

"Oh! Akala ko ba ay sasamahan mo ang tatay Homer mo sa gallery?" nagtataka pang tanong ni Aling Aurora ng dumating s'ya pero dumiretso s'ya sa silid at pag labas ay may dala ng bag.

"Nay sa kabila muna po ako." Paalam n'ya dito.

"May nangyari ba?" tila nag-aalalang tanong naman ni aling Aurora sa kanya.

"Sila na po 'yon. Parang natagpuan na nila ako nay." Tugon n'ya naman sa matanda. Yumakap naman kaagad ito sa kanya.

"Gusto mo bang samahan kita?" umiling s'ya habang nakayakap dito. "S'ya ay bibisitahin na lamang kita sa kabila." Umalis s'ya sa pagkakayakap.

"Wag na muna nay. Kilala ko si Ivy nay laging tumatama ang hula n'ya. Ang sabi ni tay kasama s'ya ni Ranier kanina at mukhang hindi daw po naniniwala sa kanya. Ibig sabihin noon nay magtatagal pa sila dito. Kaya magtatagal din ako sa kabila. Wag po kayong mag-alala sa'kin."

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now