S.S. 33 #ClareIsBack

202 7 0
                                    



Paris Airport...

"Are you sure gusto mong sumama sa'kin pabalik ng Pilipinas, Kriz?" tanong ni Clare sa kaibigan habang naghihintay silang tawagin ang flight nila.

"When I decided to become your bestfriend I also decided to be with you anywhere, anytime at kahit sa ano pa mang rason. You needed me right now more than anybody else. Tayong dalawa na lang ang meron tayo diba?" sagot naman ni Krizza sa kanya.

Krizza Enriquez is already her bestfriend simula pa pagkabata. Kilala na nila ang isa't isa at alam na nila ang kahinaan ng bawat isa. Magkasalungat nga lang sila ng personality nito. Kung s'ya ay mahina si Krizza naman ay malakas at palaban. Ito na ang naging takbuhan n'ya sa lahat ng oras. Hindi s'ya kahit kailan nabigo sa kaibigang ito. Hindi lang kasi basta kaibigan ang turing n'ya dito sa halip para na rin n'ya itong kapatid.


Habang pilit namang tinatawagan ni Jake si Ranier para ibalita sana dito ang tungkol kay Clare pero bigo naman itong ma-contact 'yon.

Back to Baguio...

Lahat halos ng pasyalan nila ni Ranier ay kinukunan nila ng picture. Marami-rami na rin ang picture nila together. Wala 'yong awkwardness na feeling instead they were both happy. Gala dito tas gala doon. Then pag nagutom sila kain dito tas kain naman doon. Picture dito then picture doon. They just enjoyed the moment together. No sounds of sorrow but pure happiness and they were both satisfied with each other. Aminin man ni Shermayne o hindi she knew that it's no longer Aivan who her heart beats for instead it's Ranier. Mahal na n'ya si Ranier at nong mga oras na 'yon ay siguradong-sigurado na s'ya sa nararamdaman. But she chose to keep it for her self. They were both happy without knowing na halos kainin na ng lungkot ang puso ni Aivan sa pagkamiss kay Shermayne.

Manila, Melca's Place...

"Nag-aalala na talaga ako kay Mayne. Hindi n'ya sinasagot ang mga tawag natin." Ani Joy. "Baka galit talaga 'yon." Dugtong pa nito.

"Wag ka ngang nega. Hindi lang n'ya nasasagot ang tawag galit agad? Hindi ba pwedeng masyado lang busy si Shermayne." Sa halip ay saad naman ni Melca.

"Eh bakit hindi n'ya sinasagot ang tawag ko. Hindi rin s'ya nagri-reply sa mga text ko." Tila nagtatampo ito.

"Joy Jemarie!" sansala ni Melca. "Tumawag ako kina Ranier kagabi at sabi ng maid doon eh nagbakasyon nga daw sina Shermayne." Sa wakas ay napilitan na rin s'yang sabihin sa kaibigan ang nalaman. Tila naman naging okay 'yon sa narinig.

Back to Baguio...

Napahinto si Shermayne sa paglalakad ng mapansing tila dumilim ang kalangitan.

"Ranier parang uulan." Nag-alala s'ya.

"Hayaan mo. Masaya ngang maligo sa ulan." Saad pa ni Ranier sa kanya. "Ayaw mo ba noon para lang tayong batang maliligo sa ilalim ng ulan." Tudyo pa nito sa kanya.

"Hindi naman sa ganun. Nag-aalala lang ako na baka magkasakit ka." Napahinto na rin si Ranier sa paglalakad at saka napangiti.

"Talaga? Nag-aalala ka? Naku umpisa na 'yan. Umpisa na." masayang bulalas ni Ranier.

"Umpisa ng ano?" takang tanong naman ni Shermayne.

"Eh 'di ano pa, umpisa na naiinlove ka na sa gwapong tulad ko." Anito saka nilapitan si Shermayne at tinitigan and without another word mabilis n'yang dinampian ng halik sa pisngi ang babae. Napatingin naman kaagad sa paligid si Shermayne para tingnan kung may nakakita ba sa ginawa ni Ranier at nakahinga naman s'ya ng maluwag ng mapansing wala naman.

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now