S.S. 53 #UmalisNaS'ya

131 7 0
                                    





Monday...

Hindi mapigilan nina Joy Jemarie ang tumulo ang luha habang hinihintay nila ang flight ni Shermayne. Hinidi rin ito umaalis sa tabi ni Shermayne. Habang si Melca naman ay tahimik na nasa tabi rin lang nila. Si Ivy naman ay tila hindi mapakali at may tinitingnan. Puros buntong-hininga naman ang maririnig sa kanya.

"Bakit wala pa si Prof?" nagtatakang tanong ni Melca.

"Shermayne." Napalingon sila si Prof Mendez na nakangiti sa kanila kasama ang dalawang babaeng French. Tiningnan s'ya nito at ngumiti naman s'ya dito ganun din sa dalawang kasama nito.

"Prof. sasama rin po kayo sa Paris?" si Joy Jemarie.

"Ihahatid ko lang talaga sila doon. Tomorrow flight din ako pabalik." Muling sinulyapan nito si Shermayne na bumuntong-hininga lang.

"Oh. Mag-iingat ka doon Shermayne huh. Wala pala si Prof doon." Si Melca sa kanya. Napalingon naman si Ivy sa tinuran nito. Medyo napailing ito at tila ba nagtaka pero sa halip na ituon ang atensyon sa kanila ay tinawag nito ang kanina pang hinihintay.

"Kuya Jayson." Napatayo naman si Shermayne nang marinig ang tinawag ni Ivy. Lumingon s'ya at nakita ang kuya n'ya kasama ang mama't papa n'ya. halos mapaluha s'ya nang makita ang mga 'yon.

"Kuya." Aniya na di mapigilang lumuha nang makalapit na ang mga 'yon.

"Hindi mo man lang sinabing ngayon na pala ang alis mo. Ang tanging alam lang namin aalis ka pero hindi namin alam na ngayon na pala. Kung hindi pa sinabi nitong si Ivy 'di pa namin malalaman." Seryoso ang papa n'ya ng sabihin 'yon.

"Ayoko kasing mag-alala pa kayo tsaka baka kapag nakita ko kayo hindi na ako umalis." Baling n'ya dito. Pinahid naman nito ang luha n'ya. Naramdaman n'ya ang hawak ng mama n'ya sa kamay n'ya.

"Mag-iingat ka doon. 'Wag mong kalimutang tumawag. Huh?" lalo s'yang napaiyak sa tinuran nito.

"Mama."

"Halika nga dito." Muling pahayag ni mama n'ya at saka hinila s'ya para yakapin.

"Tandaan mo lagi na nandito lang kami. Kung tapos na ang break mo bumalik ka sa'min." lalo lang s'yang napaiyak sa sinabi ng ina.

"Mama." Mahinang sambit n'ya sa pagitan ng pag-iyak.

"Pumapangit ka sa pag-iyak mo." Biro ng kuya Jayson n'ya kaya naman pilit n'yang ngumiti nang makaalis sa pagkakayakap ng ina.

"Akala ko ba little princess mo ako? Bakit sinasabihan mo ako ng pangit d'yan?" umarte s'yang nagtatampo pero sa halip na sumagot ay niyakap s'ya ng kapatid.

"Sabi ko sa'yo kapag tapos na ang break mo sa sarili mo hanapin mo ang daan pabalik sa'min." makahulugang pahayag ni Jayson kaya naman napatango s'ya ng bahagya sa sinabi nito. Habang yakap n'ya ang kapatid ay napansin n'yang tila ba may hinihintay pa si Ivy.

"Ivy." Tawag n'ya dito na madali naman s'yang nilingon nito at saka ngumiti. "May problema ba Ivy?" umiling ito sa kanya.

"Oo nga Ivy. Kanina ka pa hindi mapakali d'yan." Si Joy Jemarie.

"Ikaw ba mapapakali kung alam mong aalis na 'yang kaibigan mo?"

"Hindi." Narinig n'yang ini-aanounce na ang flight nila.

"Halika na Shermayne." Tumingin s'ya sa mga 'yon at saka binigyan ng mga yakap bago tuluyang sumama kina Prof. Mendez.


Krizza's Place...

Hindi mapigilang umiyak ni Krizza habang pinagmamasdan si Clare na kasama ni Ranier sa may garden ng bahay n'ya. Sinisikap naman s'yang pakalmahin ni Jake. Napayakap s'ya dito. Samantalang pinipigil naman ni Ranier ang umiyak habang nakaluhod sa may harap ni Clare na putlang-putla na. hinahawakan ni Clare ng marahan ang mukha n'ya na tila ba sinasaulo ang bawat anggulo nito. Nakita n'yang pinilit nitong ngumiti pero bakas pa rin ang hirap na nararamdaman nito.

"A-ang lungkot-lungkot n-ng m-mga ma-ta m-mo." Bakas ang hirap sa boses ni Clare. "A-al-lam kk-ong na-nahi-hi-rapan ka nn-a sa'kin. A-alam kong pi-ni-pilit mm-o na lang akong ma-maka-sama." Habol nito ang paghinga. "A-ayo-kong i-iwa-nan k-ka n-g ma-lung-kot. Kk-aya sun-din mo kung an-o ang gu-sto n'yan." Anito saka pinilit na ituro ang puso n'ya.

"M-Ma-hal m-mo s-s'ya diba? Ma-giging ma-sa-ya a-ako kung ma-pupunta k-ka sa k-kan-ya." sinikap nitong ngumiti ngunti nakita n'ya ang pagpatak ng luha nito. Naramdaman n'yang hinawakan nito ang kamay n'ya.

"R-Ra-Rain. Mahal k-kita. G-gusto kong m-ma-ging m-masaya ka." Hinabol na naman nito ang hininga matapos magsalita. Napansin n'yang tila ba nahihirapan na rin itong huminga at naramdaman n'yang humigpit ang hawak nito sa kamay n'ya.

"Clare?" marahang saad n'ya na pigil pa rin ang emosyon. Ngumiti lang ito sa kanya.

"Ma-matu-tulog lang mu-na a-ako." Nakangiti ito sa kabila ng hirap. Tumango-tango s'ya at hinayaang kapit nito ang kamay n'ya. pinagmasdan n'ya ito habang unti-unti itong pumipikit.

Hindi n'ya lubos maisip na pagdaraanan nito ang pinagdaanan nito. Pakiramdam n'ya hinahati ang puso n'ya dahil sa awa na nararamdaman. Hindi lang 'yon ang dahilan ng nararamdaman n'yang sakit kundi alam n'yang sa mga pagkakataong ito umalis na si Shermayne at iniwan na s'ya. Sinabi sa kanya ni Ivy ang tungkol sa pag-alis nito pero hindi n'ya alam kung saan ang punta dahil gusto ni Ivy na s'ya mismo ang makaalam kung pupuntahan n'ya ito sa airport. Pero hindi n'ya magawang umalis sa tabi ni Clare sa mga pagkakataong ganito. Nahinto s'ya sa pag-iisip nang maramdaman n'yang bumitaw si Clare sa pagkakahawak sa kanya.

"Clare?" aniya pero wala s'yang narinig na response. "Clare?" medyo napataas ang boses n'ya dahilan para marinig nina Krizza 'yon. "Clare." Sinikap n'yang yugyugin ng marahan si Clare pero wala s'yang respond na nakuha dito at nakita n'yang mula sa wheelchair ay tuluyan ng bumagsak ang braso nito.

Hindi na n'ya alam kung ano pang sumunod. Basta nakita na lang n'yang umiiyak na yakap na ni Krizza ang babaeng minsang minahal n'ya.

Wala na si Clare. Katulad ni Shermayne umalis na s'ya.


To be continued...

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now