S.S. 45 #IvyKnows

145 5 3
                                    

One Week Later...

Tahimik lang na nakamasid si Shermayne sa kalangitan nang dumating si Melca galing sa trabaho.

"Oh! Bat hindi ka pa natutulog?" anito na nginitian lang naman n'ya. Ipinasok nito ang gamit sa loob saka nagbihis at muling binalikan s'ya. "Tulog na tulog na 'yong dalawa. Tas ikaw nandito pa." anito saka ay tinabihan s'ya sa may bintana.

"Ang ganda ng bituin at ang dami nila." Aniya nang tumabi si Melca sa kanya.

"Ganyan din ba karami ang iniisip mo ngayon?" Hindi naman s'ya umimik. "Alam kong nahihirapan ka na. Hindi ka man magsalita." Muling pahayag nito sinulyapan n'ya lang ang kaibigan. "Kung ako lang ang masusunod pipiliin ko kung anong makapagpapasaya d'yan." Anito at itinuro ang puso n'ya.

"Paano kung ang makapagpapasaya naman dito ay s'ya rin makakasakit ng maraming tao? Pipiliin mo pa rin ba ito?"

"Ang sabi sa'kin ni Kuya Jason alagaan kita at 'wag na 'wag papabayaan pero dahil busy ako sa trabaho ay hindi ko na magampanan 'yon." Bumuntong-hininga si Melca.

"Pero kung mahal mo talaga si Ranier piliin mo s'ya. sundin mo ang gusto n'yan." Muli nitong itinuro ang puso n'ya.

"Natural lang na may masaktan. Love nga eh. Hindi naman lahat ng love happy eh." muling pahayag ni Melca.

"Sana ganun lang kadali 'yon. Pero kailangan ko pa rin silang protektahan. Kailangan kong tanggapin sa sarili ko na kahit gaano ko pa s'ya kamahal wala pa rin kaming totoong relasyon." Ani Shermayne kasunod nang isang malalim na buntong hininga.

"We met accidentally and it's that contract that brought us together. I didn't expect that surprisingly I'll fall for him and he as well will fall for me. Pero hindi lang talaga kami ang para sa isa't isa kahit na ano pang gawin namin." halos basag ang boses ni Shermayne.

"Hindi mo pa nga sinusubukang sabihin sa kanya how much you love him at hindi n'yo pa rin sinusubukang ipaglaban pareho kung anong nararamdaman n'yan tapos sumusuko ka na agad. I may sound funny to you dahil wala pa naman akong background sa ganan but I would say you're meant for each other." Napangiti naman s'ya ng pilit sa sinabi nito.

"Pumunta s'ya dito nong isang araw. Napansin naming namayat s'ya. Siguro dahil na rin sa comma si Clare at malaking dahilan na rin ikaw." muli ay sambit ni Melca.

"Huh? Pumunta na naman s'ya dito?" tumango si Melca. "Sabihin mo 'wag na s'yang pumunta pa dito. Ayoko na s'yang makita pa. Ayoko na s'yang makausap. Kami na ni Aivan."

"Kayo na ni Aivan?" napalingon sila. Sina Ivy at Joy nakikinig pala sa kanila at in chorus pa 'yong dalawa. Tumango s'ya. Dali-dali namang lumapit 'yong dalawa.

"Pano naging kayo?" hindi s'ya umimik. "Dahil ba 'yan dun sa mukhang anghel na kapatid n'ya na may pagka-devil pala?" siniko ni Ivy si Joy. "Totoo naman ah. Sinong matino ang utak na susubukang magpakamatay para lang magkatuluyan ang kuya n'ya at si Shermayne? Huh sino?"

"Joy Jemarie." Sansala ni Melca.

"Nong isang araw lang sinabi n'yang gusto n'yang maging kami na nga daw. Alexa's there. And so I said Yes."

"Sabi ko na nga ba 'yang little angel like devil na 'yan." Ani Joy.

"Bakit ba pinahihirapan mo pa ang sarili mo? Pwede namang tanggihan eh. Wala namang magagawa si Alexa kung tatanggi ka eh. It is your life not hers." Si Ivy seryoso. "Kung patuloy kang matatakot na baka nga muli s'yang magtangkang magpakamatay eh san ka na lang pupulutin huh, Shermayne?" seryoso pa rin ito. Kilala n'ya si Ivy. Minsan lang itong magseryoso pero alam n'yang apektado talaga ito.

SWEETEST SURPRISEМесто, где живут истории. Откройте их для себя