S.S. 17 #AnotherCondition

167 6 0
                                    



Katatapos lang kumain nina Shermayne nang marinig nilang may tumigil na sasakayan. Si Ranier na ang nagbukas ng pintuan ng tinutuluyan nila at laking gulat nila nang makita sina Donya Helena doon kasama si Fhaye.

"What is she doing here?" dismayadong tanong ni Ranier na tinapunan ng tingin si Fhaye.

"Where's Shermayne?" sa halip ay tugon ng donya sa kanya. Mula naman sa kusina ay lumabas ang hinahanap nito at nang makita ay kaagad na niyakap at hinalikan sa pisngi.

"How was the night iha?" makahulugang tanong nito kay Shermayne dahilan para tingnan naman n'ya si Ranier.

"Thanks to you mamzy 'coz last night was the best night ever. And you succeeded with your trick." Makahulugang tugon din ni Ranier na ikinatawa naman ng donya.

"Looks like I'm winning again." Saad pa ng donya.

"Bakit nga pala kayo nandito,mamzy?" bago ni Ranier sa usapan habang sinusundan ang lolahin na naglalakad patungo sa sala.

"We're going to talk about important matters regarding you and of course your duties and responsibilities." Makahulugang tugon naman ng donya sa kanya.

"Duties and responsibilities?" nagtatakang tanong ni Ranier nang makaupo na sila.

"Take your sit iha." Paanyaya naman ng donya kay Shermayne na sinunod naman nito.

"Tungkol na naman ba saan 'to ha mamzy?" naiiritang tanong naman ni Ranier habang nakatitig ng masama kay Fhaye na nong mga panahong 'yon ay katabi ng donya.

"Dahil kasal na kayo ni Shermayne you'll be living together doon sa bahay na binili ko sa Makati para sa inyo." Panimula ng donya at sinulypan si Fhaye na may iniabot namang papeles sa kanya.

"Para sa amin? But as far as I can remember you bought that house for ME!" binigyang diin talaga ni Ranier ang huling salita.

"Hindi ko nalilimutan 'yon pero dahil kasal na kayo ni Shermayne ibig sabihin kung ano ang sa'yo ay sa kanya na rin." Muli ay sambit ng donya. Bakas sa mukha ni Ranier ang pagtutol na napansin kaagad ni Shermayne.

"Eh Donya Helena pwede naman pong hindi na muna kami magsama nitong si Ranier sa iisang bahay eh." Ani Shermayne na sinang-ayunan naman ni Ranier sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagtango.

"Shermayne from now on you have to call me Mamzy. Okay?" nakangiting sambit ng donya. "I insist you'll be living in one house. Hindi ko hahayaang magkabukod pa kayo ng titirhan gayong kasal na kayo nitong apo ko. Tapos na tayo sa usapang 'yon so we have to jump onto another issue." Makahulugan na naman ang huling pahayag ng donya.

"Ano na naman 'yan Mamzy?" tila ba kinakabahan na naman si Ranier sa pwede pang sabihin ng lola n'ya. Nginitian lang s'ya noon habang binubuklat ang dokumentong iniabot ni Fhaye.

"Don't tell me bagong kasunduan na naman 'yan na dapat kong pirmahan with Shermayne." Tila ba nakukuha na ni Ranier ang mga ganung usapan kaya nasabi n'ya 'yon.

Napangiti na naman ng makahulugan ang donya habang palipat-lipat lang ang tingin ni Shermayne sa kanila.

"Fhaye will also sign this agreement iho."

"Excuse me?!" bulalas naman ni Ranier. "Ano namang role ng babaeng yan sa agreement na pipirmahan ko?"

"This agreement states that you'll be performing your job as Sui Company's VP since si Fhaye naman ang pinapagawa mo ng mga dapat sana'y gawain mo sa kompanyang 'yon." Bumaling it okay Shermayne.

"Everytime na hindi papasok si Ranier sa trabaho you have to inform me." Saka inilipat naman nito ang tingin kay Fhaye.

"Then you'll mark him ABSENT at kapag nakatatlong absent ang magaling kong apo sa loob isang lingo then that mean's he's violating an agreement at alam kong alam na n'ya ang punishment para doon." Makahulugan ang titig na ipinukol ng matanda sa kanya.

"Geeze! I can't believe it's happening. Lumalabas na ako na amo ang magiging trabahador ng-" putol na sambit ni Ranier nang sulyapan si Fhaye. Umiinit talaga ang ulo n'ya pag nakikita ang babaeng ito.

"Akina nga lang hu 'yang agreement na 'yan at ng maprimahan na." wala sa loob na baling nito sa lola.

"My pleasure iho." Nakangiting sambit naman ng lola at iniabot ang agreement sa apo na wala sa loob namang pinirmahan noon. Matapos ay ibinalik 'yon sa lolahin na iniabot naman kina Shermayne at Fhaye na pinirmahan din naman ng dalawa.

"Oh baka naman may gusto pa kayong papirmahan sa'kin o kaya naman baka may gusto pa kayong sabihin. Tell me now para naman sabay-sabay ko ng mapagluksaan." Disappointed na sambit nito.

"Well iho you have to remember na hanggat hindi kayo kasal sa simbahan nitong si Shermayne eh I won't be signing this document at alam mo kung ano 'to."

"Teka, kasal naman na po kami ah ba-" putol na reklamo ni Ranier.

"That's my final decision iho kaya take good care of Shermayne because she's your only alas." Bumaling namang muli ang donya kay Fhaye.

"Kaya ikaw Fhaye 'wag kang matatakot d'yan sa apo kong tamad. You have to report to me everything." Hindi naman umimik 'yon sa halip ay nag-nod lang. "And oh by the way sasama na kayo sa'kin pabalik ng Cavite para mabisita mo na ang mama mo bago kayo bumalik ng Manila." Saad naman ng donya kay Shermayne. Napangiti naman 'yon dahil sa narinig.

"Wala na po ba tayong pag-uusapan pa Mamzy? Kasi kung wala na then let me excuse my wife dahil aayusin na namin ang mga gamit namin sa itaas." Ani Ranier na ang gusto talaga ay lumayo sa kinaroroonan ng lolahin at ng sekretaryang si Fhaye.

Nakatayo na s'ya't lahat pero si Shermayne ay nananatiling nakaupo pa rin. Kaya naman tiningnan n'ya ito pero tila ba deadma 'yon. So he hold her hand at saka inakit na sumama sa kanya.

"Go on iha. Looks like ayaw ng husband mo ang mawalay sa'yo ng kahit ilang segundo." Ngingiti-ngiting panunudyo ng donya sa apo.

"Yeah mamzy." Tila ba sumakay na lang si Ranier sa lolahin.

Katulad nga nang napagkasunduan sumabay sila sa donya pabalik ng Cavite. Walang imik si Ranier habang nasa biyahe at tanging ang donya lang at si Shermayne ang nag-uusap.

Dumiretso sila sa ospital kung saan sinamahan naman ni Ranier si Shermayne na silipin ang mama at kuya nitong naroroon. Then after that tinungo naman nila ang bahay kung saan naghihintay ang ama n'ya. They've decided na bukas na bumalik ng Manila so they ended up sleeping there kung saan pinatulog n'ya si Ranier sa kwarto n'ya at sila ni Joy sa kwarto ng kuya n'ya.

To be continued...

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now