S.S. 67 #BirthdayCelebration

140 6 0
                                    



Magluluto sana s'ya para sa birthday n'ya at 'yon ang plano pero nabago 'yon dahil kay Donya Helena. Nagpa-reserve na daw ito sa isang sikat na restaurant kaya doon na nila isi-celebrate ang birthday n'ya. Siniguro naman ng donya sa kanya na simpleng dinner lang naman daw 'yon.

Ano pa nga bang magagawa n'ya kundi ang pumayag na lamang. Nalungkot nga lang s'ya dahil ni isa kina Melca ay hindi pa s'ya binabati gayung alam naman ng mga 'yon na birthday n'ya. Buti pa si Fhaye at pagkagising n'ya kanina tinext agad s'ya ng birthday greetings. Tapos isa-isa pang nagpaalam sina Melca at Ivy na may bibilhin daw muna kaya pinayagan n'yang umalis. Ito namang si Ivy hindi n'ya makausap dahil nakatuon ang atensyon sa cell phone. Katawagan kasi nito si Jake.

Isa pa. May napapansin na rin talaga s'ya d'yan kina Ivy at Jake. Simula kasi nong bumalik s'ya kapansin-pansing palaging magkausap at magkasama 'yong dalawa. Mag-aalas singko na nong nagpasya s'yang magbihis na. Nakabihis na rin noon si Ivy. Matapos n'yang magbihis nakatanggap s'ya ng text galing kay Ranier at sinabing malilate nga daw ito dahil nasa SC pa. Nakaramdam tuloy s'ya ng pagtatampo. Pumasok ito sa trabaho gayong alam naman nitong birthday n'ya.

"Hindi pa ba tayo aalis? Malilate daw si Ranier." Agaw n'ya sa atensyon ni Ivy na nakita n'yang sumulyap muna sa wristwatch bago ibinaba ang cell phone.

"Five na pala." Narinig n'ya pang sambit nito.

"Oo five na. Hindi mo na napansin ang oras dahil d'yan kay Jake." May himig pagtatampong saad n'ya.

"Ito naman nagtampo kaagad. Importante lang talaga 'yong pinag-usapan namin ni Jake. Sorry."

"Kayo na ba?" hindi na n'ya napigilang tanong kay Ivy. Nakita n'ya namang tila ba nabigla 'yon sa tanong n'ya. Hindi n'ya tuloy maiwasang mapangiti sa naging reaksyon noon.

"Kung ayaw mo pang aminin okay lang." aniya na ngingiti-ngiti pa.

"Hindi ah." Mariing tanggi naman ni Ivy.

"Okay." Hindi pa rin n'ya maiwasang mapangiti. Kitang-kita n'ya kasing nag-blush ang kaibigan n'ya.

"Halika na nga. Itinext ko na sina Melca na doon na lang magkita." Akit sa kanya ni Ivy. Binago na talaga kaagad nito ang usapan na napansin n'ya kaagad. Pero mabuti na rin 'yon. Six naman kasi ang usapan na magkikita-kita doon. Wish n'ya nga lang na sana makarating din sina Nay Aurora at Tay Homer n'ya. Nasa ibaba na sila at palabas na sana ng bahay ng bigla namang bumukas ang pinto at tumambad ang humahangos na sina Melca at Joy.

"Melca. Joy." Takang sambit n'ya.

"Diba sabi ko senyu na doon na lang tayo magkikita." Si Ivy kina Melca at Joy.

"Shermayne, ang kuya Jayson mo." Si Melca ang nagsalita na bakas sa mukha ang takot. Kinabahan s'yang bigla.

"Bakit Melca, anong nangyari kay Kuya?"

"Ang kuya Jayson mo-" hindi na naituloy pa ni Melca ang sasabihin dahil kay Joy.

"Sumama ka na lang sa'min." sabad ni Joy.

"Ano bang nangyari kay Kuya Jayson?" si Ivy.

"Naaksidente si Kuya Jayson." Si Joy ang nagsalita.

"Ano?" bulalas nila ni Ivy.

Pakiramdam n'ya biglang natuyo ang lalamunan n'ya. Natutop n'ya ang bibig n'ya. Hindi na s'ya nagsalita pa sa halip ay sumunod na kina Melca.

Sa taxing sinasakyan na noon sila sumakay. Nasa passenger seat si Joy habang katabi n'ya naman sa backseat sina Ivy at Melca. Hawak ng mga ito ang kamay n'ya. Pinapakalma ang halos hindi magkamayaw na tibok ng puso n'ya dahil sa kaba. Wala na s'yang pakialam sa binabaybay nila basta ang gusto n'ya ay makarating kaagad kung saan man dinala ang kuya n'ya.

Hindi kalauna'y huminto ang taxi. Hindi n'ya maintindihan pero pakiramdam n'ya may mali. Lumabas na ng kotse si Joy kasabay ng pagpatay ng ilaw ng taxi. Inalalayan pa s'yang makababa ni Ivy dahil masyadong madilim.


To be continued...

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now