S.S. 43 #Alexa'sWay

116 5 0
                                    



Pasado alas otso ng gabi. Wala pa rin si Aivan. Hindi na mapakali si Shermayne. Naalala n'ya ang sinabi ni Ranier kanina. Oo! Nangako s'ya kay Krizza na hindi na s'ya makikipagkita dito pero tutol ang puso n'ya. gusto n'ya na kahit sa huling pagkakataon ay makausap rin si Ranier. Hanggang sa nagpasya na s'ya. tatawag s'ya ng nurse na titingin muna kay Alexa habang wala s'ya.


Paalis na s'ya nang...

"Ate Shermayne." Tinig ni Alexa ang nakapigil sa gagawin n'ya.

"Alexa?" aniya nang makitang nagmulat na ng mata 'yon.

"Okay lang na ako ang iwan mo. Okay lang 'yon Ate Shermayne." Halos nahihirapan pang magsalita si Alexa.

"Ha?" tanging sambit n'ya.

"Wag lang si Kuya Aivan. Wag mo lang iwan si Kuya Aivan ate." Muli ay saad nito.

"Hindi ko naman iiwan ang kuya mo ah. Iiwan saan?" aniya.

Tinitigan lang naman s'ya ni Alexa.

"Alexa?" muli ay usal n'ya.

"Naaksidente ako dahil sa'yo. Nahulog ako sa hagdan dahil sa'yo." Nabigla s'ya sa sinabi ni Alexa.

"Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot. Tinext din kita pero hindi ka nag-reply." Anitong muli. "Ate si Kuya Aivan ang totoong nagmamahal sa'yo. Inisip ko nong mga oras bago ako mahulog sa hagdanan na baka kung sakaling maaksidente ako ma-realize mong si Kuya Aivan ang mahal mo at hindi si Tito Ranier."

"Alexa." Hindi s'ya makapaniwalang nanggagaling 'yon sa bibig ni Alexa. "I'm sorry." Tanging sambit n'ya.

"You don't need to say sorry. Basta ipangako mo sa'kin na simula ngayon si Kuya Aivan na ang pagtutuonan mo ng atensyon. Diba fake naman 'yong kasal n'yo ni Tito Rain. Promise mo ate Shermayne that you'll always be there for kuya Aivan no matter what. Promise me that." Tanging katahimikan lang ang isinagot n'ya kay Alexa kasunod ng isang nod.


"And you'll accept his proposal right?" muling saad nito dahilan para ikakunot ng noo n'ya. "Tatanggapin mo diba ate? You're going to marry Kuya Aivan, right?" nanatili s'yang tahimik. "Sagutin mo ako Ate Shermayne. If you don't I will try to kill myself again and this time I'm going to make sure that it will be your fault!" may himig pagbabantang saad ni Alexa.

"Alexa."

"Tell me you're going to marry him! Tell me YES!" muli ay tila ba naghihysterical na ito. She was afraid na baka kung anong mangyari kay Alexa so she's force to nod. Then she saw her smile and back to her normal tone of voice.

"Wag kang aalis sa tabi ko huh. Wag mo akong iiwan." Pahabol ni Alexa at saka nakita na n'yang muli nitong ipinikit ang mga mata.

Nagpanic s'ya. Saka n'ya pa lang naisip na tumawag ng doctor. Napansin n'yang nakahawak ang mga kamay ni Alexa sa mga kamay n'ya. The doctor then check Alexa's condition at sinabi naman noong magiging okay din ang lahat. She called Aivan to tell him that finally Alexa had wake up. Hindi s'ya umalis sa tabi ni Alexa dahil na rin sa kagustuhan nito. Samantalang, tahimik na naghintay si Ranier sa kanya sa ibaba pero ipinasya na n'yang 'wag ng puntahan 'yon.

Aivans Place...

"Totoo bang sinabi mo Carl?" paniniguro ni Aivan sa bunsong kapatid. Sunod-sunod na tango naman ang isinagot noon sa kanya. "Then bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa'kin? Bakit ngayon lang?" medyo tumaas na ang boses n'ya.

"I-I got so scared. I got so scared Pop." Nagsisimula ng matakot si Carl. "I was thinking she won't do it but she still did." Ginulo ni Aivan ang buhok dahil sa narinig. "She told me na hindi ka na masaya at 'yon ang tanging paraan para sumaya ka. She did that on purpose para muli kayong maging close ni Ate Shermayne." Muli ay pahayag ni Carl. "You're back to being that lonely prince. 'Yon ang sabi n'ya sa'kin. And she won't allow you to continue being one." Hinarap n'ya si Carl saka marahang niyakap 'yon.

"I'm not that lonely prince Carl. You know that, right?" dahan-dahan namang kumalas sa kanya ang bata.

"But you're becoming one again lalo nong hindi mo na madalas nakakasama si Ate Shermayne. Nakangiti ka nga Pop but you're eyes are crying." Tila ba alam na nito ang mga sinasabi. "I can't blame Ate Alex."

Tulog na't lahat si Carl pero hindi pa rin makapaniwala si Aivan sa sinabi nito. Kanina lang kasi matapos ibalita ni Shermayne na nagising na nga si Alexa ay s'ya namang lapit ni Carl sa kanya. Carl told him na sinadya ni Alexa na magpatihulog sa hagdanan.

"The last thing she told me is that she'll do everything para lang sumaya ka. She wants you and Ate Shermayne to end up together."

"She even said she'll even choose to die for both of you."

Ipinilig n'ya ang ulo nang maalala ng sinabing 'yon ni Carl. He can't believe Alexa really did try to kill herself para lang sa kanya.

...

To be continued...

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now