S.S. 52 #Decided

133 6 1
                                    

Three days later...

"Hindi talaga namin inasahan na tatanggapin mo ang offer na 'yon. Tuwang-tuwa pa nga si Prof. Mendez. That was fast." Si Joy habang kumakain sila sa isang sikat na fast food chain.

"Kung gusto mong umiwas hindi mo naman 'to kailangang gawin." Si Ivy sa pinakang seryosong anyo nito. Nagkatinginan naman si Melca at Joy sa tinuran nito. "Ang sa'kin lang naman you've been through so many -"

"Hindi ako umiiwas. May gusto lang akong malaman sa sarili ko. May gusto rin akong siguruhin. May mga bagay na gusto kong gawin ng mag-isa lang. Siguro sa pagkakataong ito makakatulong ang pagpunta ko ng Paris." Putol n'ya sa mga sasabihin pa sana ni Ivy.

"Sila ba nakausap mo na ba?" tumingin s'ya kay Melca. "Sila Ranier. Sila Aivan. Lahat sila. Alam na ba nila ang tungkol dito?" dugtong nito. Umiling lang s'ya. "Aalis ka ng hindi sila nakakausap?" napaisip s'yang bigla.

Paano n'ya nga ba haharapin ang mga taong 'yon? Hindi n'ya naman kasi alam kung anong eksaktong sasabihin n'ya.

"Bakit mo ba s'ya pipiliting kausapin pa sila? Alam mo naman kung anong ginawa nila sa kanya." Si Joy Jemarie habang nginunguya ang burger.

"Ano ka ba Joy. Tapusin mo nga muna 'yang kinakain mo." Puna ni Melca dito.

"Eh bakit ba? Sa gusto kong magsalita ng may laman ang bibig ko eh. Ano bang paki nila?"

"Ay ewan ko sa'yo." Pagsuko naman ni Melca ng diretso pa rin sa pagsalita ito ng may laman ang bibig.

"Hindi ko kasi alam kung anong eksaktong sasabihin ko. Siguro bago ako umalis." Singit n'ya sa dalawa.

"Kelan ba alis mo?" si Ivy.

"Next week Monday." Maikling tugon n'ya.

"Huh? Next week Monday?" sabay-sabay pang tanong ng tatlo. Tumikhim naman ang mga 'yon nang makitang biglaang pinagtinginan sila ng mga customer doon.

"Akala naman namin next month pa." si Melca bakas ang pagkabigla.

"Oh My Geesh! Ang bilis naman. As in next week Monday na ba talaga? Really?" si Joy Jemarie. Tumango naman s'ya.

"Ganun ba kabilis? Hindi ko naman inexpect na ganun kadali 'yon. Kaya ba treat mo kami ngayon dito kasi farewell party na 'to?" si Ivy bakas ang pagtatampo.

"Two weeks lang kasi sila dito. They were expected to go back to Paris at madala na ang discovered talent nila." Aniya.

"Na nagkataong ikaw naman?" tumango s'ya.

"Hindi lang naman 'yon ang dahilan kung bakit ko kayo dinala dito." Kinuha n'ya ang isang folder sa bag na dala saka iniabot 'yon sa mga 'yon.

"Annulment?" bulalas muli ng tatlo na muli namang tumikhim nang makitang nagtinginan na naman ang mga customers doon.

"Ano 'to?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Melca.

"Makikipaghiwalay ka kay Ranier nang hindi man lang s'ya kinakausap tungkol dito?" si Ivy.

"Bakit ka pa makikipaghiwalay? Mahal mo s'ya. Mahal ka n'ya. Oo! Nasaktan ka n'ya pero diba nga sabi mo s'ya lang ang nakikita mong makakasama mo habang buhay." Sumeryoso na si Joy.

"Katulad nga ng sinabi ko. May gusto muna akong siguruhin sa sarili ko. Isa na don 'yon nararamdaman ko para sa kanya. Oo. Mahal ko si Ranier pero sigurado ba ako? Sigurado na ba talaga ako? Kailangan ko lang talaga munang dumistansya at makisalamuha sa iba. Kung kami talaga sa huli diba pagtatagpuin ulit kami." Huminga s'ya ng malalim.

"Sa pagkakataong ito, ito ang gusto ko. I want an annulment. Hiningi ko na rin ang consent ni Mamzy about this. Pumayag s'ya. Pumayag rin sina papa. Plus andyan na rin 'yong testament ni Mayor Jun tungkol sa pagpapawalang bisa ng kasal namin. Siguro hanggang dito na lang talaga muna kami."

Dali-dali namang yumakap si Joy sa kanya at saka umaktong tila ba iiyak. Muli silang pinagtinginan ng mga customer. Pero sa halip na umalis ay sinundan pa ito nina Melca at Ivy. Then they started to hug each other. She can't help herself but start to get emotional.

"Ano ba kayo? As if kayo naman ang hihiwalayan ko." Pabirong saad n'ya at saka umalis lang sa pagkakayakap ang mga 'yon sa kanya.

"Eh bakit ba? Sa napi-feel ka namin eh." Si Joy Jemarie.

"Sigurado ka na ba talaga?" si Ivy at Melca nagkasabay pa. tumango naman s'ya.

"Bakit ba palagi kayong in chorus na dalawa? Pareho ba kayo ng iniisip?" tila parang batang sambit naman ni Joy na ikinangiti n'ya. Mamimiss n'ya talaga ang mga kaibigan n'yang 'to.

"Mamimiss ko kayo." Hindi na n'ya napigilang sabihin.

"Ay. Pinapaiyak mo kami." Si Joy Jemarie na may pumatak ng luha. "Hoy Melca. Ilang leave pa ang meron ka sa SC Branch? Magleave ka na. Kailangan nating sulitin ang oras natin. We have to make sure na bago umalis si Sheramyne ay nasa tabi n'ya tayo. Ilang taon nga ang nakalagay doon?" baling nito sa kanya.

"Two Years." Maikling sambit n'ya.

"Two years. Ang tagal noon." Si Ivy ulit. Halatang nalungkot talaga ito.

"Parang two days lang 'yon." Si Melca na pilit pinalulubag ang loob nilang tatlo. Wala na silang nagawa kundi ang ngumiti.

To be continued...

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now