S.S. 25 #Ranier'sAndAivan'sHeart (1)

218 8 3
                                    


Maaga pa lang ay umalis na sina Shermayne sa bahay. Walang patid na joy ride ang ginawa nilang dalawa at humihinto lang ang sasakyan ni Ranier sa tuwing sasabihin n'ya.

Binisita rin nila ang ilan sa mga kilalang gallery sa Manila at tiningnan ang mga desinyo doon. Kahit papaano ay nakakuha naman ng idea si Shermayne. Hindi lang 'yon ang ginawa nila since it was her request nanood sila ng sine and they watched Sarah Geronimo's movie since 'yon ang showing.

Kinuha din nito ang cell phone n'ya dahil makailang beses 'yong tumutunog. Hindi n'ya naman 'yon sinasagot kahit pa si Aivan ang tumatawag. Ewan n'ya ba. Basta kahit nakita n'yang pangalan ni Aivan ang nag-appear sa screen ng cp n'ya eh deadma n'ya. The nth time ngang tumunog 'yon ay doon na 'yon kinuha ni Ranier sa kanya. Medyo tiring ang ginawa nilang trip nang araw na 'yon kaya they ended up in a restaurant kung saan ang dami talagang inorder ni Ranier.

"Uubusin natin lahat ito?" hindi makapaniwalang tanong ni Shermayne nang ma-iserve ang pagkaing inorder ni Ranier na sinagot naman ng lalaki ng sunud-sunod na nod.

"This is the first time I ever saw you happy being with me." Ani Ranier habang pinagmamasdan s'yang kumakain na tinugon n'ya lang ng ngiti.

"Kakaiba ka sa lahat ng babaeng nakasama at nakilala ko. Ngayon ko rin lang naramdaman 'yong sayang nararamdaman ko ngayon." Dagdag pa nito na naging dahilan para pansamantalang tumigil s'ya sa pagnguya pero nilunok n'ya 'yon matapos makabawi sa narinig.

"Miss mo si Clare noh?" sa halip ay sambit n'ya saka nagpahid ng tissue sa bibig. hindi n'ya inasahang nawala bigla ang ngiting nakapinta sa labi nito.

"Oh! May mali ba sa sinabi ko? A-" naputol ang sasabihin n'ya nang maramdman n'ya ang pag-vibrate ng cell phone n'ya na nasa ibabaw ng mesa. Binigyan naman s'ya ng pagkakataon ni Ranier na tingnan 'yon.

"Si Aivan ba 'yan?" usisa ni Ranier na pasimple n'yang tinanguhan.

"Excuse, I just have to take this call." Aniya na tinanguan lang ni Ranier. Sa CR ng resto na s'ya tumuloy.

"Hello." Paunang sambit n'ya nang makapasok sa isang compartment sa CR na 'yon.

"Kanina pa kita tinatawagan pero unattended ka. Aayain sana kita na mamasyal pero since gabi na siguro pwede namang bukas na lang diba?" Diretsahang sagot naman ni Aivan sa kabilang linya.

Halos mapatalon s'ya sa tuwa nang marinig 'yon. Pakiramdam n'ya kasi inaakit s'ya nito na mag-date sila. Natameme s'ya dahil doon.

"Hello Shermayne, andyan ka pa ba? Labas tayo bukas huh. Wala namang masama kung lalabas tayo since alam naman natin ang talagang status n'yo ni Couz, diba?" untag ni Aivan sa kanya na lalo lang nagpakilig sa kanya.

"O-Oo naman. Tsaka wala namang masama kung lalabas ang dalawang magkaibigan. Tama." Aniya na lihim na kinikilig pa rin.

"So that means yes kaya expected ko na 'yan huh." Ani Aivan na katulad n'ya siyang-siya rin sa pag-uusap nila.

"Mukhang may ginagawa ka ata kaya ibababa ko na muna 'to. See you tomorrow." Anito na gusto n'ya pa sanang pigilan pero naalala n'ya si Ranier kaya naman napilitan na rin lang s'yang tapusin ang usapang 'yon. Kinikilig pa rin s'ya sa tuwa dahil sa tawag na 'yon Aivan.

"Sorry natagalan ako. Medyo makulit lang talaga si Alexa. S'ya kasi 'yong nakausap ko." Pagsisinungaling n'ya na tinanguan lang ng simple si Ranier sa tinuran n'ya.

Naging traffic pa ang pag-uwi nila at dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog na si Shermayne sa sasakyan. Naipasok na n'ya ang kotse sa parking area ng bahay nila pero tulog pa rin si Shermayne.

Naging dahilan 'yon para malayang mapagmasdan n'ya ang mukha ni Shermayne. And he knew from that moment that he's starting to fall for her. Nagising naman 'yon na animo naramdamang nakatitig s'ya kaya mabilis n'yang inalis ang tingin doon.

"Oh! Nandito na pala tayo. Kanina pa ba tayo dito?" pupungas-pungas na usisa ni Shermayne .

"Kararating-rating lang natin." Pagsisinungaling n'ya naman dito.

Then they entered the house. Dumiretso na sila pareho sa kani-kanilang room nila. Dali-daling binuksan ni Shermayne ang cabinet kung saan nakalagay ang mga paintings n'yang puro mukha ni Aivan na iba-iba nga lang ang anggulo. Then she smiled so sweet.

Hindi pa rin mawala sa isip n'ya na lalabas sila ni Aivan bukas. At 'yong isipin na 'yon na ang kinatulugan n'ya. On the other side, pabagsak namang inihiga ni Ranier ang katawan sa malambot na kama. Hindi s'ya makapaniwalang kakainin n'ya ang sinabi n'yang hindi s'ya mai-inlove kay Shermayne because he's starting to. Kanina lang ay tumawag s'ya sa isang paintshop kung saan inorder n'ya ang set ng painting materials na pinakatitig-titigan ni Shermayne. Doon pa lang alam n'yang nagustuhan na 'yon ng babae kaya naman binili n'ya 'yon at tomorrow nga ei idi-deliver yon. Napangiti na lang s'ya sa isiping magiging reaksyon ni Shermayne kapag natanggap 'yon.


Kinabukasan...

"Ate Alex, where are you going?" puna ni Carl dito nang makitang bihis na bihis ito.

"Oo nga san ka pupunta? Akala ko ba mag-istay ka lang dito with Carl?" maging si Aivan ay napansin s'ya.

"Ah-Eh...May lakad lang ako. I've to meet a certain friend." sagot nito. "Eh ikaw? May lakad ka?" puna nito sa kanya.

Tumikhim lang naman s'ya at napansin n'yang tumigil sa pagsubo ng pagkain si Carl at tiningnan s'ya. Mukhang interesado din itong makinig sa usapan nila.


"Aayusin ko lang 'yong mga materials na gagamitin sa art gallery." Tugon n'ya.

"Eh bakit ikaw? Andyan naman si Kuya Bernard para gawin 'yon." Panghuhuli ni Alexa sa kanya. Muli s'yang napasulyap kay Carl at napansin n'yang nakatingin pa rin 'yon sa kanya.

"Kumain ka na nga lang Alexa." Bago n'ya sa usapan. Lihim namang napangiti 'yon.

"By chance Pop, are you going to meet Ate Shermayne?" halos mabulunan s'ya sa tanong na 'yon ni Carl.

Nang tingnan n'ya ito eh talagang napakainosente nito at kukurap-kurap lang ang mata. Lihim na namang napangiti si Alexa.

"Pop, if you're to meet her, tell her na bumisita naman dito. Nakakabored na rin kasi dito." Dagdag pa nito.

"Okay." Maikling sagot n'ya na ikinangiti ng bata at saka nagpatuloy na sa pagkain.


To be continued...

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now