S.S. 46 #Ivy'sPlan

124 5 0
                                    



Kinabukasan...

Five minutes before eight ay hindi na mapakali si Ivy. Ewan n'ya ba kung bakit kinakabahan pa rin s'ya. Siguro dahil na rin sa halos wala pa s'yang tulog at ginugulo ang utak n'ya ng nalaman n'ya kagabi.

"May problema ka ba Ivy?" puna ni Joy sa kanya.

"Wala ah!" react n'ya naman na tila ba napa-exaggerated.

"Kanina ka pa kaya 'di mapakali d'yan." Muling saad ni Joy. "Teka anong oras ka ba dumating kagabi?" dugtong pa nito.

"Past 3 na." si Melca ang sumagot. Napalingon naman si Joy.

"Hindi ka papasok?" takang tanong naman ni Joy kay Melca. Sumulyap naman muna ito kay Ivy.

"Naka-leave ako." Anito.

"Bakit pakiramdam ko may iba talaga ngayong araw na 'to?" iiling-iling si Joy habang sinasabi 'yon.

"Halos marami namang iba sa araw na 'to maliban don sa katotohanang wala ka pang trabaho." si Ivy nagsalita.

"Wala pa rin ba sundo mo Shermayne?"  si Melca habang tinitingnan si Shermayne na nasa may pintuan at tila ba may hinihintay. Umiling lang naman 'yon.

"Wala pa namang eight ah." Si Joy na naman.

"Mag-commute na lang kaya ako."

"Wag!" halos panabay pa sina Melca at Ivy. Sabay ring napatingin si Joy at Shermayne sa kanilang dalawa.

"Baka on the way na 'yon. Ano na lang sasabihin ni Aivan kapag nag-commute ka." Si Ivy saka sinulyapan si Melca na iniiwas naman ang tingin nang mapansing tinitingnan sila ni Joy na tila ba sinusuri. Busina ng kotse ang naging tagapaglitas nilang dalawa sa titig ni Joy.

"Ohh! Andyan na sundo mo." Ani Melca at saka inihatid pa sa labas si Shermayne kasuno si Ivy na sinundan naman ni Joy.

"Sure ba talaga kayong hindi kayo sasama?" si Shermayne na hindi pa sumasakay ng kotse.

"Oo. Pasensya na talaga." Si Ivy.

"Bakit kasi hindi pa tayo sumama. Wala naman tayong gagawin dito sa bahay." Si Joy Jemarie nagrereklamo.

"Gusto mong masaksihan kung paano magpropose si Aivan?" si Melca.

"Pakiramdam ko talaga parang may mali ei." Ani Joy na pinagpalit-palit ang tingin kay Ivy at Melca.

"Sige mauna na ako." Si Shermayne at binuksan ang pinto ng kotse.

"Sige." Sina Melca at Ivy. Hindi inasahan nila inasahan sunod na ginawa ni Joy. Dumungaw ito sa may bintana ng driver.

"Manong driver pakiingatan lang si—" napahinto si Joy sa pagsalita, "—ang kaibigan po namin." Pagpapatuloy nito saka bumaling kay Shermayne. "Ingat ka." Ngumiti lang naman si Shermayne.

Nang makaalis ang kotse at mawala sa paningin nila ay s'ya namang harap ni Joy Jemarie kina Melca at Ivy.

"Sabi ko na parang may mali ei. Anong ibig sabihin noon?" halos maningkit ang mga mata ni Joy. Nagkatinginan naman sina Melca. "Ano?"

"Sabihin mo na." si Melca kay Ivy.

"Ikaw na." si Ivy kay Melca.

"Ikaw na. Ikaw ang unang nakaalam ei." Si Melca naman kay Ivy.

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now