S.S. 65 #WelcomeHome

146 5 0
                                    

Halos hindi magkamayaw si Joy sa pagsigaw sa pangalan ni Shermayne nang makita s'ya nito. Si Melca naman ganun pa rin sa dati, kalmado at normal pa rin ang reaksyon, walang ipinagbago. Nakita n'ya rin si Alexa at nakangiti ito sa kanya, pakiramdam n'ya lalong gumaan ang mabigat na nararamdaman n'ya dati. Nandun din si Jake na tumango pa ng pasimple sa kanya na tila ba sinasabing 'welcome back'. Tumugon s'ya ng ngiti doon. Alam na kasi n'ya ang dahilan kung bakit hiniling nito dati sa kanya na layuan n'ya si Clare.

Naikwento na lahat ni Ranier sa kanya. Nalungkot pa nga s'ya nong malaman n'yang nong araw ng pag-alis n'ya ay araw din ng pag-alis ni Clare sa mundong ibabaw.

Si Carl naman ay pasalubong na yumakap sa kanya na ginanti n'ya rin naman ng yakap. Natuon ang mata n'ya sa kapatid na si Jayson, nakangiti rin ito sa kanya ganun din ang papa't mama n'ya. Sina Fhaye at ang ina nito ay naroroon din. Ang papa ni Ranier ay nakangiti rin sa kanya.

Natuon ang mga mata n'ya kay Donya Helena at kay Don Emilio, may luha ang mga mata ng donya at kahit pa nakangiti ay napansin n'ya rin si don Emilio na namumuo rin ang luha sa mata.

Namiss n'ya ang mga ito. Kulang ang yakap para ipadama sa mga ito kung gaano n'ya kamiss ang mga ito. Nagkaroon ng welcome party para sa kanya. Ganunpaman, hindi n'ya maramdaman na parang kay tagal n'yang nawala. Bagkus ay ipinadama ng pamilya at mga kaibigan n'ya sa kanya na parang kahapon lang nong umalis s'ya. Walang nagbago sa magandang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Sa bahay nila ni Ranier sa Makati ginanap ang welcome party sa kanya.

Umalis s'ya sa karamihan at nagpasyang pagmasdan ang mga taong malapit sa kanya mula sa may garden ng bahay. It's good to be back. Nasa ganung anyo s'ya nang lumapit si Aivan.

"Asa Cebu ka lang pala kung san-san mo pa kami pinaghanap." Pabirong saad nito sa kanya at saka tumayo na rin paharap kung saan nakatuon ang mga mata n'ya. "Na-miss kita ah." Alam n'yang sincere 'yon kahit pabiro pa ang pagkakadeliver ng salitang 'yon.

"Ako din. Namiss ko kayo." Aniya na sumilay ang ngiti. "I'm sorry."

"Sorry para san? What happened three years ago wala na 'yon. So don't be sorry." Bumuntong-hininga si Aivan. "Pero maliban sa'kin mas na-miss ka ni Ranier." Sumeryoso si Aivan at tiningnan ang kinaroroonan ng pinsan.

Tiningnan n'ya rin si Ranier. Nakita n'yang masayang nakikipagsabayan sa pagkanta 'yon sa kanyang mga kaibigan. Napangiti s'ya. Kung na-miss man s'ya nito ay mas namiss n'ya rin naman ito.

"Mas namiss ko naman s'ya." aniyang nakatingin pa rin kay Ranier.

Pinagmasdan ni Aivan si Shermayne. Sa pagkakataong 'yon may nasiguro s'ya sa sarili. Lumipas man ang tatlong taon pero ang nararamdaman n'ya para dito ay hindi pa rin nagbabago. Pero hindi katulad dati hinding-hindi na n'ya 'yon sasabihin pang muli kay Shermayne lalo na't alam n'yang maging ito ay hindi pa rin naglalaho ang pagmamahal para kay Ranier.

"Mukha nga." Napalingon naman si Shermayne sa sinabi n'ya. Nahuli tuloy nitong nakatingin s'ya dito. "Kahit hindi mo sabihin nababasa ko d'yan sa mga mata mo." Tanging sambit na lang n'ya. Nakita n'yang ngumiti ito dahil sa sinabi n'ya. "Mahal na mahal mo pa rin s'ya hanggang ngayon." Tumango lang ito sa kanya.

That breaks his heart pero hindi katulad dati na hindi n'ya kinakaya ngayon kasi nagagawa na n'yang sanggaan kahit paano ang tuluyang pagkahati ng puso n'ya dahil sa sakit. Nakita nilang patungo sa kinaroroonan nila si Jayson.

"Pwede ko bang makausap ang kapatid ko?" ani Jayson na kay Aivan nakatingin.

"Ayoko nga." Pabirong tugon naman ni Aivan. "Oh s'ya maiwan ko na kayo makikipagkulitan pa ako sa mga 'yon." Pagkuway paalam nito kaya naiwan sila.

"Kuya kumusta si Joy?" tiningnan naman s'ya ng kapatid na tila ba nagtataka. "Ang sabi ko kumusta sina Joy nong wala ako." Gusto n'ya talagang matawa sa kapatid. Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin nito maramdaman na may gusto dito ang kanyang kaibigan.

"Halos mabaliw sa kahihintay sa'yo ang mga 'yan." Pabirong tugon naman ng kuya n'ya. "Pero salamat at nagbalik ka na. Kailangan mo lang pala ng kasabay para makabalik ng tuluyan." Sumeryoso na ang kapatid n'ya.

"Sorry kuya kung pinaghintay ko kayo."

"Nakatulong ba ang three years break?" Tiningnan n'ya ang kapatid. Walang bakas ng pagtatampo o galit sa mukha nito. Napakabait talaga nito.

"Oo. Kasi natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. At na-realize ko na kahit gaano pala ako katagal lumayo mananatili kayong nandyan at hindi nagsasawang maghintay hanggang sa makabalik ako."

"Sabi ko sa'yo diba, kahit anong mangyari at kahit gaano pa katagal maghihintay pa rin kami. Pero sana wala ng next time na ganung bigla ka na lang mawawala at hindi namin alam kung saan ka hahanapin."

"Hindi na." Umiling s'ya.

"Eh kumusta 'yan." Itinuro ng kuya Jayson n'ya ang bahagi kung nasan ang puso n'ya. "Anong na-realize n'yan?" sinulyapan n'ya ang kapatid. "Wala bang na-realize 'yan?"

Ngumiti s'ya. "Meron kuya. Mahal ko pa rin s'ya. mahal na mahal." Tiningnan n'ya si Ranier na nakangiting kumakanta na ka-duet si Joy.

"At mahal na mahal ka pa rin n'ya."

"Pero diba kuya okay na 'yong annulment papers namin."

"Oo. Okay na because he tore. You're still his wife." Tiningnan n'ya si Kuya Jayson. Nakatingin din ito kay Ranier. "At hindi nagsisisi na s'ya pa rin ang partner mo in life."

Huminga s'ya ng malalim hanggang sa narinig n'ya ang pangalan nilang magkapatid na tinatawag ni Joy gamit ang microphone. Patakbo naman s'yang hinila ni Carl. Nagpatianod naman s'ya habang ang kapatid n'ya ay nakangiting sumunod naman sa kanila.

Dinala s'ya ni Carl sa kinaroroonan ni Ranier. She knew he's waiting for her. Nagtama ang mga mata nila. Nakinig n'yang umirit si Joy na tila ba kinikilig. Nakangiti lang naman si Ivy at maging ang mga magulang nila. He hold her hands and smiled. Pakiramdam n'ya matutunaw ang puso n'ya.

"Three years pero parang kelan lang. This time I will never let you go again without me with you." Naka-microphone pa rin si Ranier. "I miss you and I love you. Welcome home." 

Tiningnan n'ya sa mga mata si Ranier. She knew he's sincere. Hindi s'ya sumagot sa halip ay ngumiti lang dito. He hugged her and she hugged her back.

To be continued...

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now