S.S. 13 #TheMarriage

180 8 0
                                    


S.S. 13 #TheMarriage

Madaling araw pa lamang ay gising na sina Shermayne at Joy dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto nila. Laking gulat n'ya nang mapagtanto kung sino ang kumakatok. Talagang nagising ang diwa n'ya nang mapagbuksan sina Melca at Ivy. Yakap agad nang mga 'yon ang sumalubong sa kanila.

"A-ano nga palang ginagawa n'yo dito?" sa wakas ay tanong ni Shermayne nang nasa mesa na sila. Sinusulyapan n'ya si Joy dahil hindi nya pa nasasabi sa dalawa ang tungkol sa kasal n'ya mamaya.

"Parte 'to ng plano, 'yong makita mo kami this early para kahit paano sumaya naman ang prinsesa namin." Tugon ni Ivy na naupo sa tabi ni Shermayne.

"Plano? Anong plano?" takang tanong n'ya na pinabalik-balik ang tingin kina Ivy at Melca.

"So wala ka talagang balak na umattend kami sa kasal mo?" si Melca na animo nagtatampo ang nagsalita. Tiningnan n'ya naman ng masama si Joy.

"Naisip ko lang na kailangan rin nilang malaman ang tungkol sa kasal mo. Naging matamlay ka kaya sila ang naisip kong paraan para kahit paano mabawasan ang lungkot mo." Katwiran kaagad ni Joy.

"Bakit kailangan mo pang ilihim sa'min ang tungkol dito? What are friends are for?" may himig pagtatampong usal muli mi Melca.

"Nag-aalala na sa'kin si Joy kaya ayaw ko na sana kayong mag-aalala din." Aniya.

Bumuntong hininga naman ang dalawa na sinundan din ni Joy.

"Disisyon mo 'yan at kahit pa ayaw sana namin na gawin mo eh wala na kaming magagawa kundi ang samahan ka hanggang sa huli." Ani Ivy at saka tiningnan s'ya na puno ng pagmamahal. "Basta lagi mo lang kaming sasabihan kung anu't ano man ang mangyari. Kapag nahihirapan ka na tutulungan ka naming makalabas sa gusot na 'yan." Muli ay sambit nito.

"My life after the wedding will surely change. I was praying last night na dumating 'yong lalaking magliligtas sa'kin sa kanya at dito sa kasalang ito." Aniya dahilan para magtinginan ang tatlo.

"Then lets put it this way, isipin mo na lang kunyare na s'ya 'yong matagal mo ng hinihintay, kahit pa mahirap para kahit paano eh mabawasan 'yang bigat na nararamdaman mo." Payo ni Melca.

"Pero diba may possibility naman na makita mo s'ya sa kasal n'yo. Who knows, baka dumating s'ya since pinsan s'ya ni Ranier." Si Joy na nananatiling nakatayo at nakatuon lang ang braso sa upuan.

"Pinsan?" sabay na tanong nina Ivy at Shermayne.

"Tsss!" unang react ni Joy.

"Bagay talaga kayong magsama. Hindi man lang kayo nagbubuklat ng magazine. Nabasa ko sa 'People's magazine ang isang issue tungkol kay Ranier kung saan nabanggit doon na malapit nga s'ya sa pinsang si Aivan." Muling pahayag nito. Nagtataka lang naman ang mga mata ng dalawa na nakatingin dito.

"Issue 'yon regarding sa inheritance. Supposed to be tagapagmana din si Aivan pero tinanggihan n'ya." Pagpapatuloy pa nito.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Ivy.

"Yes! Yun nga ang dahilan kung bakit sa halip na mapadali ang pagmana ni Ranier ng company eh lalong humirap. Haist Ivy, kaya hindi kayo magkasundo ni Tito kasi wala kang interes sa mga inheritance chuchu na yan."

"OMG! So there's really a big possibility na magkita kayo." Tatangu-tango namang usal ni Ivy. "Pero bago ko malimutan. Gusto ko sanang makausap ang soon to be husband mo." Pagkuway pahayag nito dahilan para sabay-sabay itong tingnan ng tatlo.

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now