S.S. 24 #Ranier'sOtherSide

243 6 0
                                    



Patuloy lang ang pag-iyak ni Shermayne sa loob ng kotse ni Ranier. Wala na s'yang paki kung ano pang isipin nito at ng driver na kasama nila sa loob ng kotse dahil gusto n'ya lang talagang umiyak nong mga oras na 'yon. Sa pagkakataong 'yon dahan-dahan s'yang kinabig ni Ranier para yakapin at hinayaan n'ya lang 'yon. Tila ba sinasaliwan ng musika Michael Learn to Rocks na Sweetest Surprise ang ayos nilang 'yon.

"Sa mansion po tayo." Ani Ranier sa driver nila.

Kay donya Helena kaagad tumuloy si Shermayne sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam n'ya kasi ito lang ang makapagpapalubag ng nararamdaman n'ya. hindi naman s'ya nagkamali. They decided to stay at bisitahin muna ang mama bago tuluyang bumalik sa Manila. Gabi na nang magpasya s'yang bisitahin ang ina at sinamahan naman s'ya ni Ranier.

Naabutan pa nga nila si Jason na naroroon. Gusto n'ya sanang alalayan ang kapatid habang palabas 'yon ng silid ng mama n'ya pero nangibabaw ang pride n'ya. Instead of her si Ranier na mismo ang umalalay dito at pumasok na s'ya sa silid. Natagalan din s'ya sa kwarto ng mama n'ya bago tuluyang magpaalam dito. Pagkalabas n'ya ng silid nito ay nakita n'ya sina Ranier na sabay namang napatingin sa kanya. Kinuha n'ya ang atensyon ni Ranier at inaya na 'yong umalis.

"Ayokong 'yong fake marriage natin ang maging dahilan para lang magkalayo kayo ng kuya mo. He is your best brother right? Go talk to him at okay lang sa'kin kung pipiliin mo s'ya over me."

"What do you mean?" tila naguguluhan s'ya sa sinabi nito.

"He needs you. At kung pagkatapos n'yong mag-usap eh gusto mo ng tapusin ang kasunduan eh ako ng bahala. I can explain everything to mamzy. I won't let you choose between him and me. Now go and talk to him." Anito saka kinuha nito ang kamay n'ya at iginiya s'ya patungo sa kapatid.

"Sorry." Sincere na usal ni Jason nang makalapit s'ya dito.

"Kuya kinausap mo ba si Ranier para lang paatrasin ako sa kasunduang ito? Then I'm sorry if you did dahil I'm chosing him over you. Ito ang disisyong paninindigan ko. I'm choosing him not because I want him but because of you."

"No! andito ako para humingi talaga ng paumanhin sa inyo. Alam kong nagkamali ako dahil nasa tamang edad ka na para mag-decide ng para sa sarili mo. Naging selfish lang talaga ako and at the same time natakot na tuluyan ng ilayo ng Ranier na 'yon ang little princess namin. I'm sorry for not trusting you." Anito kasunod ay niyakap na s'ya.

"Sige na nga. Forgiven ka na nga." Aniya na parang batang gumanti ng yakap sa kapatid.

"Ang lagay kayo lang ang nagbobonding d'yan eh halos tatlong buwan na kitang hindi nakikita." Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

"Papa." Aniya na sabik na sabik naman ng makita 'yon. Lumapit 'yon sa kanila at s'ya nama'y sabik na sabik na yumakap sa ama. "Namiss kita papa." Mahinang sambit ni Shermayne at naramdaman n'ya ang pabuntong hininga nito.

"Namiss din kita anak." Tanging sambit na lang nito. "Paalis ka na rin ba? Nakita ko si Ranier sa lobby." Anito nang umalis s'ya sa pagkakayakap dito. Tumango lang naman s'ya. "Oh s'ya sige at baka lamukin 'yon doon." Pabirong saad ng papa n'ya.

"Sanay naman 'yon sa lamok." Pabirong sambit n'ya naman. Nong mga pagkakataong 'yon nakita n'yang nakangiti ang dalawang mahal n'ya sa buhay and that makes her heart happy, that makes her happy too.

Nakita n'ya namang naghihintay nga si Ranier sa lobby. Tumayo 'yon nang makita s'ya at nakangiting hinintay s'ya doon.

"So where are we going Mrs. Tesorero - Sui? That is if you're still going to go on with the contract." Pabirong saad ni Ranier sa kanya.

SWEETEST SURPRISEWhere stories live. Discover now