Chapter 14

24 5 2
                                    

Chapter 14


The status of our family's relationship is quite blur. My mother said that it's a complicated thing too. Mula nang lumipat ako rito sa Pilipinas nang namatay si Lolo, hindi na binuksan pa ang topic ng dalawang pamilya. And the curiousity didn't bother me too... lalo nat pinayagan naman ako na makipag-kaibigan kay Tarrie.

Nakikipagkamay si Abuela kay Don Hiñago nang papauwi na sana kami. Kaming pamilya ni Abuela ay nasa likod niya lamang. Sa mga mata ko ay wala namang mali, wala namang senyales ng pagkadisgusto sa dalawang panig.

Habang naguusap sila ay nasa likod rin ni Don Hiñago ang mga apo niya at katabi niya si Satari.

Deo winked at me subtly. Bigla akong kinabahan sa pag-aalalang baka makita ni Papa. But he just suppressed his smile and turned a bit. Gusto niya na ba talagang makilala si Papa nang maaga? Ang kulit.

"Nga pala, nasaan na si Nacy?" tanong ng Don kay Papa matapos nilang magkamustahan ni Abuela.

"She's handling company matters in Luzon, and she will probably fly to Spain soon. She's busy..." sagot ni Papa.

"Ah ganoon ba?" ang pagbaba ng balikat ni Don Hiñago ang una kong napansin.

"Bibisita rin iyon sa inyo..." Abuela said. "I'll tell her. Who knows? She loves surprise visits."

Bakit gustong-gusto ni Don Hiñago na bumisita si Ate sa kanila? That was my question in my head the entire time I was sitting in the car. Don Hiñago was so eager to be visited by my sister and why is that?

My thoughts were halted suddenly when my phone popped a message.

"Himala," Rahim scoffed while driving. "Anong nakain mo at hindi ka nagrereply?"

Nasa kotse kami, si Lian ay tulog sa likod. Dad is driving the other car, with my Mom and Abuela in it.

Napa-irap ako at tinago sa bag ang cellphone "Mamaya na."

"Tampo agad?" tanong niya.

"Give me peace, Kuya."

He smirked. "Nagtanong sa akin si Papa kanina."

Agad akong napalingon sa kanya. I felt the lump on my throat as I watch his evil grin. "A-anong sinabi mo sa kanya?"

"Sinumbong kita, malamang..."

"S-sinabi mo ba kung sino siya?"

"Sinabi ko apo siya ni Don Hiñago"

"Bakit mo sinabi!?" gulantang na tanong ko. I swear I wanna choke my brother right now.

"Paanong hindi ako aamin?" he matched how stitch my brows are. "Saka alam niya na bago niya ako tinanong. Bakit ba gusto mo iyang itago ah? Bakit ba big deal sayo?"

"Ayaw ni Papa na mapalapit ako."

"Then stay away from him. Sa lahat pa ng lalaki sa mundo bakit kailangan pa na Hiñago?" tanong niya rin na parang naiirita. "Kay Damian Antonio nga, hindi ka naman nagkagusto ah? Anong pinagkaiba niya? Parehas lang naman sila na maitim."

"Bakit? Ano bang meron doon?" tanong ko. Ano naman kung parehas ng complexion si Damian Antonio at Deo? I find it so attractive!

Itinikom niya ang bibig at matagal bago nakasagot. "Kasi kaibigan mo si Satari hindi magandang tingnan na gusto mo yung pinsan niya."

"Anong gusto?" atungal ko.

"Bakit hindi pa ba?" he scoffed. "Anong tawag mo diyan? Hindi mo pa gusto sa lagay na yan? Nahihirapan ka na nga yatang layuan," he smirked. "I should ask that guy on how he construct his prayers. It is indeed more effective than a love potion."

Cursed Kiss (Curse #1)Where stories live. Discover now