Chapter 16

23 5 0
                                    

Chapter 16


My school activities are important but knowing my sister's boyfriend is much more important. I want to know the guy who made my sister's ice heart pound. Hindi natuloy ang sinabi ni Papa na pupunta siya sa Fest dahil may lakad kaming dalawa ni Ate.

Nagpaalam na lang ako sa kaklase ko na si Lyn na biglaang lakad kami ng ate ko. Importanteng lakad. Pinayagan naman ako dahil sinabi ko na babalik rin ako ng bandang hapon.

"Ate..." I examined her face to see if she was kidding. "Baka binubudol mo ko ha?"

Tumawa siya habang nagmamaneho. "Hindi naman."

"Kung nagbibiro ka lang pwede mo kong ibaba na lang sa university," sabi ko pa.

"I'm not kidding," she smiled. "I have a boyfriend."

"Sige, ilang taon na kayo?"

Matagal bago siya nakasagot kaya kinabahan ako.

"Matagal na kami, I lost count."

"How old is he?"

"Same age older than I am.

"Bakit sa Lanao kayo magkikita?"

"Eh nandoon siya e. Anong magagawa ko?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. Hindi ako makapaniwala may tinatago siya.

"Bakit pinapahanap ka ni Papa kung meron na pala?"

"Hindi nila tanggap," mahinang sagot niya.

I cleared my throat and changed the topic. "Alam ba ng boyfriend mo na magdadala ka ng kapatid?"

"Siguro," she chuckled.

Ako lang ba? Pero parang may tinatago siya sa ngiti niyang yan. Sadness?

"Anong 'siguro'?" takang tanong ko. Baka mamaya ma-out of place ako sa pupuntahan namin.

"Siguro alam niya," she even said it a bit louder as if I didn't heard it.

"Ang labo mo, ate," iling ko na lang. "Baka ma-out of place ako doon ha?"

"Hindi ah?" Marami ka namang ka-edad sa pupuntahan natin. "Mga pinsan niya, kaedad mo lang."

"You know that I'm not sociable," I boredly said.

"You will fit in," she assured.

Kung Lanao kami pupunta ay masasabi kong malayo ang biyahe namin. We took the shortcut so maybe, we will get there in an hour or hour and a half.

"Before we go to him. Magdala tayo ng bulaklak."

Agad akong napalingon sa kanya. Is she serious? Siya ang magbibigay ng bulaklak? She looked at me with a high brow.

"Stop the norm, Nowie. Ano naman ngayon kung ako ang nagbibigay ng bulaklak?" irap niya. "Hindi naman ako masyadong nagmana kay Abuela. Hindi katulad mo. I'm not that conservative."

"Hindi ako nagmana kay Abuela ah." Tanggi ko agad. Muntik na nga akong makahalik kagabi.

Kagabi nga lang ay may muntik na akong halikan sa pisngi. And I iniated that. I don't know if I should clap for myself considering that I resisted the temptation? Or be ashamed?

Pagkarating namin roon sa flower shop ay pinili ni Ate yung bulaklak na simbolo niya. Bouquet of white roses.

"Pwede bang ipalagay na lang to sa isang vase? Ayoko kasi nang nalalanta agad." She said to the lady.

Tumango naman yung babae at sinunod ang gusto ni Ate. Pagkatapos bayaran ay gusto naman ni Ate na hawakan ko iyon habang nagda-drive siya.

"Kilala ba ni Rahim yang boyfriend mo?"

Cursed Kiss (Curse #1)Where stories live. Discover now