Chapter 36

22 2 1
                                    

A/N: Thank you sa mga nag-comment naaliw ako magbasa ng mga reactions hehe. ;) It boosted me. Keep them coming please huhu. Minsan lang kasi ako makapagbasa ng ganoon. This chapter is dedicated to Gwyn348 sana hindi ka magsawang basahin tong kwentong to. <3

Chapter 36

waiting

Just like what he said. Dumaan lang siya rito. I wanted to ask my sister why... Why is Deo the head engineer of her new project? Marami namang ibang inhinyero diyan. Maraming magaling at walang history sa amin.

But why do I care anyway? They're just probably being professionals. Pero from what I have seen, a lot of things remained the same.

Hindi naman nagdulot ng lamat sa pamilya ko at pamilya ni Deo ang nangyari dati.

Sure, I heard my grandmother questioning Don Hiñago's principles in the past, and I guess that argument was not strong enough to break the connection of the two clans.

"Naku bilisan mo ang kain, Weng. Mainit na gumala kung tanghali," Claire said.

Umalis agad si Deo matapos nang kaunting kuwentuhan nila ni Abuela. Ewan ko kung totoo ba mga nakikita ko o plastikan lang?

"Pasensiya na, hindi ako sundalo," I reminded her. Hindi ko mapigilang umirap.

I took big bites of rice in order to finish it agad. Sa totoo niyan ay kanina pa pala siya tapos kumain nang dumating ako. She was patiently waiting kahit na gusto niya nang gumala.

"Anong sasakyan niyo, Claire? I can drive." Rahim offered.

"Sus," umismid si Claire at umirap kay Rahim. "Gusto mo lang sumama eh."

"Kung magmo-motor kayo, hindi ako papayag na sumakay ng motor si Noella." Mabilis na umiling si Rahim. "Hindi ako papayag."

"Ang arte mo," irap ni Claire sa kaniya. She turned to me and her face changed lovingly. "Ikaw ba weng? Ayaw mong magmotor?"

"It's fine with me. I can feel the wind more. At hindi rin sasakit ang ulo ko dahil sa car fragrance kung malayo ang pupuntahan natin. Mas maganda nga magmotor," sang-ayon ko at nilingon ng mapang-asar si Rahim.

I have the urge to go against him dahil naiirita ako at gusto ko siyang asarin.

"Just return her before the sun sets , hija." Abuela reminded Claire.

"Yes Maam!" she answered with all smiles.

"Use the car, Noella," pilit ni Rahim. "Di ba may license ka na?"

"Hindi naman ako kaskasera, Rahim!" angal agad ni Claire.

Napalunok rin ako ng tanungin ni Rahim ang lisensiya ko niya iyon. Buti na lang ay si Sergio ang sumagot para sa akin.

"Rahim, hindi siya pwedeng mag-drive." Sergio said warningly. "I will never let her drive."

"And why is that?" si Mama naman ang nagtanong kaya walang choice kung hindi sabihin ang nangyari dati sa España.

"I taught her how to drive. Nakuwestiyon ko ang sarili ko kung yung paraan ba ng pagtuturo ko ang problema..." Sergio sighed and shook his head. "There was one time nabangga niya sa gate ng manor ang kotse. We didn't use the car for a week dahil hinatid namin sa shop. But in the end, buti na lang at buhay pa."

This is the first time na sinumbong ako ni Sergio. I can't help but to heave a sigh. Buti  na lang hindi niya sinabi yung isa pang dahilan. Hindi ko nakita yung redlight dati and I stepped on the gas instead. Buti na lang walang tao noon.

Cursed Kiss (Curse #1)Where stories live. Discover now