Chapter 26

25 1 0
                                    

Chapter 26

Cold

Madaling araw pa lang at nag-aayos na ako ng higaan. Alam kong hindi lang ako ang gising kaya agad akong bumaba ng sala at nakitang naroon nga ang pamilya. Nagkukuwentuhan sila at nahinto iyon ng dumating ako.

I tried to greet my family good morning but only Papa and Rahim replied to me with smiles on their faces, well si Papa lang pala. Hindi naman ngumingiti si Rahim sa umaga. However, my sister, Cecilia, is giving me the cold shoulder, and a sideglance is what my mother could only give me. My little sister, Lian is still asleep probably. Abuela on the other hand, didn't even glance at me. Not a word. Not even a nod. None.

It was an expected reaction from them. The shootout incident became known throughout the municipality. Pero hindi kumalat na may naging barilan sa Daungan. Ang kumalat ay 'may nabaril na naman na Hiñago dahil sa isang Mondiego.' Dahil sa akin. All the arrows are pointed to me.

At nagdala iyon ng 'kahihiyan' sa pamilya ko.

Nonetheless, ibinigay na ulit ni Abuela ang phone ko at binigyan na ulit ako ng access sa internet. Kaninang madaling araw habang nag-checheck ako ng announcement sa class gc hindi ko maiwasang makita ang feed ko.

An SC officer got a video of the shooting incident at the port. He posted it online. Sa dami ng estudyante sa campus ay umabot iyon reactions ng sobra pa sa dalawang libo.

"At a party of a Mondiego, this kind of thing would happen? Such a disgrace and scandal!" That was Abuela's words at the dinner table last night.

"Miss, a-ako na po. Baka mapaano po kayo niyan." Boses nung bagong katulong naming si Rosea habang naghihiwa ako ng sibuyas sa kusina.

"Marunong ako nito," I smiled a little. I want to be nice to her dahil medyo rude nga ako noong una kaming magkita.

"Ako na po. Trabaho naman po namin iyan." Pilit niyang inaagaw ang kutsilyo sa akin.

I was cooking for our breakfast. Naisipan ko lang na magluto na rin ng marami tutal nilutuan ko naman na ng baon si Deo.

"Ako na nga," I said with my warning tone. "I want to do it."

"Pero parang hindi ka po marunong." She said with a smile.

Alam kong walang mali sa sinabi niya pero para bang inaasar niya ako sa likod ng maamong mukha na iyan.

"Are you saying na hindi ako marunong maghiwa ng sibuyas? Magluto?" I asked while chopping the onions fast, not breaking our eye contact. Pagak akong natawa. "Hindi lang sibuyas kaya kong hiwain... Rosea."

I heard a tap of utensils on our marbled kitchen counter sa lukuran namin. Paglingon naming ay Rahim lang pala iyon kinukuha ang atensiyon naming dalawa.

Humalukipkip siya then he leaned on the counter curiously.

He eyed me. "What are you cooking?"

"Breakfast, of course," umirap ako.

"You should let Rosea help you. She made my lunch yesterday. Honestly, It was really delicious."

Napataas ako ng kilay. Rahim? Giving the compliments? Wow... I scoffed. Hindi ko talaga maiwasang mas lalong mairita.

Rahim's compliments are hard to earn. Grade 8 pa lang ako nagluluto na ako. I tried to make him taste every dish I made. And It took me years to get that recognition! A compliment from him is all I want that time, at noong last year ko na sa senior high ay saka ko lang natanggap iyon galing sa kaniya! Gaano ba kasarap magluto si Rosea na kinaya niyang magbigay ng compliment sa loob lang ng isang tikim? Sa loob lang ng isang araw?

Cursed Kiss (Curse #1)Where stories live. Discover now