Chapter 21

20 3 0
                                    

Chapter 21


Around seven in the evening was when we all went to the port for the after party at the yacht. Madilim na ang gabi pero kumukutikutitap naman ang mga bituin sa langit. Everyone was excited, my brother was with his council staff habang ako naman ay kasama ang mga kaibigan ko sa kotse na minamaneho ni Jang.

Hindi magandang tingnan na hindi nakikihalubilo si Rahim sa mga bisita niya kaya minabuti ko nang dumistansiya para makagalaw siya ng maayos. I know he doesn't like parties and it is tiring him out but he must. For Abuela at least.

I looked outside the glass window of the car, for some reasons, why do I feel so anxious? Imposible rin naman na kinakabahan akong sumakay sa yate?

The smile Jiro gave earlier really sent me goosebumps which I'll never forget. Mabuti na lang at hindi namin inimbita ang magkapatid na iyon sa Yacht Party. Kung hindi ay baka nahimatay na ako sa kaba.

"Lau, asan ba si Clarita?" tanong ni Jang habang nagmamaneho.

"Hindi ko alam pero sabi niya ay paparating na siya."

"Sino daw kasama niya?" tanong ni Jang

"Siya lang mag-isa. Motor ang gamit."

"Saan ba siya galing?" tanong ko.

"Hindi ko alam," Lau shrugged. "Hindi niya sinabi,"

"Seriously? What kind of friend are you?" Jang retaliated with furrowed brows at Lau.

"Eh sa ayaw niyang sabihin kung saan siya pupunta anong magagawa ko roon?" balik naman ni Lau. "Magsasabi naman iyon kung gusto niya. Saka pati nga si Nowie at Satari hindi alam kung saan pumunta si Clarita mo. Sabi ni Satari kanina pa daw umalis, hiniram yung motor ni Rheese!"

Pakiramdam ko ay magbabardagulan sila ano mang oras.

"Hahabol iyon, she always keeps her word," sabat ko para matigil silang dalawa. "Hahabol iyon bago pa tayo makaalis ng daungan."

Nang nakarating na kami sa daungan ay kitang-kita ko ang circular lanterns na nakapalibot sa mga poste ng boardwalk.

A yacht was waiting at the end of it.

Napansin ko rin si Landon at Hugo kasama ang iba pang tauhan ng mga Hiñago na naka-aligid sa mga Hiñago. For some unknown reason kinakabahan ako habang nakatingin sa kanila.

"Anong klaseng damit to? Sino bang gumawa nito?" reklamo ni Lau habang naglalakad. "May kutsilyo ba diyan sa yate niyo, Nowie? Tatastasin ko to. Hindi ako makagalaw ng maayos, sagabal."

"Tiisin mo na lang, Lau, sayang yung damit." Sabi ko.

Maging ako ay nahihirapan na rin sa suot kong cocktail white dress.

Well, she was wearing a black and red colored fitted dress. It really highlights her complexion and race. Plus, it hugs her beautiful curves which is a really rare sight.

"Argh! Ikamamatay ko tong damit na to," she said angrily.

Kinailangan pa siyang alalayan ni Jang paakyat ng yate. I've never seen her this helpless before. Pag-akyat namin ay wala siyang inaksayang oras at pumunta sa kusina ng yate para maghanap ng kutsilyo o gunting. Pagbalik niya ay meron ng dalawang malaking slit sa magkabilaan ng damit niya. It showed her slender legs which made Jang cross his arms while looking at her.

"Ang tigas ng ulo ng babaeng 'to," hinilot niya ang sintido at bumaling sa akin. "Wag ka gagaya diyan, ganda."

"Mas gumanda naman yung damit, Jang," depensa ko.

Cursed Kiss (Curse #1)Where stories live. Discover now