Chapter 30

23 3 5
                                    

Chapter 30

failing


For some reasons, bigla na lang akong nagkasakit. Buti na lang at Sabado. Pero ayun nga, tambak pa rin naman ang gagawin ko para sa eskwela. I still needed to review for the for the exam in the early December and finish some requirements in order to be allowed to take the exam.

Sa sakit ng ulo ko ay pinahatid ko na lang sa kwarto ang agahan ko. Kagabi pa akong hindi natutulog, inabutan na ako ng umaga kaka-aral. I'm still not satisfied with the way I recall the lessons. I decided to intake more caffeine to do the study. Tapos may research proposal pang kailangan ipasa.

I heard a knock on my door and I immediately responded.

"Come in," I said. My eyes are still fixed on the screen of my desktop.

Narinig ko ang pagpihit sa kandado ng pinto at siwang nito. Hindi ko magawang tingnan kung sino iyon pero base sa boses si Rosea iyon. "Miss, nandito na po ang agahan niyo."

"Put that down and leave."

"S-Saan po?"

"Sa kama."

"Pero hindi po ako pwede umalis ng hindi kasama yung plato. Baka po langgamin kayo rito. Binilin po sa akin ni Ate Bebeng na wag mag-iiwan ng kahit anong kubyertos sa kawarto niyo po."

"Ako na ang bahala. Just leave."

"P-Pero Miss."

Dahil hindi ako makapagfocus ay marahas ko siyang nilingon. "Leave it."

"S-Sige po." Bagsak ang balikat ay bumalik ang hakbang niya sa pinto.

Pero bago siya makalabas ay lumingon muna siya sa akin at ngumiti. "Ako nga po pala ang nagluto ng agahan niyo ngayon. Sana po ay magustuhan niyo."

Her words on the end made me curious. Her cooking? I wonder how she made every meals that Rahim can compliment in just a matter of day.

Dahil biglaan kong pagtayo galing sa harap ng desktop ay sandaling nagdilim ang paningin ko. My headache is really bad. But out of curiousity, pag-alis niya ay saka ko iyon agad na tinikman.

Halos mabitawan ko ang kubyertos nang matikman ko iyon. It was just a simple sinigang. The ingredients were the same as what I used when I was making it but how is it so different?

I didn't stop my self for the second bite until it was late when I realized that I finished it. Sobrang busog ko nang matapos and I started to face the desktop again.

Hindi ko alam kung dahil ba sa kabusugan o sa pagod ay nagdadalawa na ang tingin ko sa bawat letrang tinitipa ko. My eyes are drowsy. Sumandal ako saglit sa sandalan ng upuan at pinikit ang mga mata. How would I massage this head alone?

Naalimpungatan ako nang may pumasok sa kwarto. It just Rosea again. Kinukuha ang plato sa kama.

"H-Hala naka-istorbo po ba ako?" gulat na tanong niya sa akin.

Inilingan ko na lang siya dahil hindi ko kayang magsalita. My vision is spinning and my head is aching nonstop.

"K-Kunin ko lang po," she pointed the plates. "Ayos lang po ba kayo?"

Umiling pa rin ako. "I just have a headache."

"Marunong po akong magmasahe, miss."

The offer was tempting so I agreed by nodding. Umalis siya at binalik ang plato sa kusina pagkatapos ay bumalik siya, may dalang ointment sa kamay niya. It was a little plastic bottle with herbs inside. I think it was homemade.

Cursed Kiss (Curse #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant