Chapter 15

25 5 0
                                    

Chapter 15

"Stop sticking your noses to the things that don't concern your being."

Narinig ko ang istriktang boses ni Lau.

"Bakit?" boses ni Mikaela. "Totoo naman ah?"

"Saang eskwelahan mo napag-aralan iyang sumpa-sumpa na yan?" Lau asked.

"As if naman you don't know what I'm talking about?" she mocked. "Ilang beses ka ngang na-detention noong highschool dahil diyan. You should've known better."

"Oh really?" Lau scoffed. "As far as my brain can remember, na-dentention ako dahil sinampal kita dahil sa pagiging chismosa mo."

Lau used her warning tone. Ngayon ko lang narinig ulit sa loob ng mahabang panahon.

Bigla akong kinabahan. Before Lau and I became friends she was really uncontrollable. If Mikaela tries to get on her nerves right now it will be messy. But I have faith that she won't do anything anymore.

"Remember what I said and don't try to change the history, Osmeña." I heard her footstep making its way to the exit. "Tara na, Yuna," tawag nito sa kasama.

"Nowie, are you done?" tanong ni Lau nang makaalis na sila.

"Y-yeah," I answered. "Bakit ka nga pala sumunod?"

"I need to use the comfort room too," I heard her entering a cubicle.

Ako naman ang lumabas at naghugas ng kamay sa lavatory. I just need to feel the water considering that I don't know what to feel with what I just heard.

Curse...

Kung totoo nga ay masasagot niyon ang tanong kung bakit hindi gusto ni Papa na mapalapit ako sa kahit kaninong Hiñago. That makes sense.

Lumabas si Lau nang cubicle at naghugas nang kamay sa tabi ko.

"I accidentally heard it," panimula ko.

"I know." she sighed. "Don't mind her. Gusto lang niyang maging kayo ng Kuya niyang problematic."

Why do I feel like she's hiding something from me?

"Pero mukhang totoo ang sinasabi niya, Lau," hindi ko mapigilan ang pagliit ng boses. "Kasi medyo tumutol si Papa nong una niyang nalaman na magkaibigan kami ni Deo."

"Talaga?" kumunot ang noo niya. "Pero okay na ngayon?"

"Pumayag rin naman siya pero si Mama naman yung mukhang ayaw."

"Kung anak rin naman kita ay magiging istrikta rin naman ako,"she said as if saying the same sentiments with my mom.

Pero sa tingin ko ay hindi lang iyon dahil doon. It was something more than that, kaya sila istrikto.

Pagbalik namin sa stall ay nahampas ko si Lau bigla nang makitang si Jang at Deo na ang tindero roon. At marami-rami na rin ang pumupunta. Baka ma-disqualify kami because they're not nursing students!

"Ano ba?" kunot noo ni Lau at hinimas ang parteng hinampas ko.

"Bakit sila yung naging tindero?"

"Eh nag-offer si Jang eh. Pumayag si Lyn at Bianca, anong magagawa ko? Saka temporary lang naman yan."

I went over to the stall at sinuot agad ang apron. Binigay agad ni Jang yung spatula sa akin. I glanced at Deo beside me, kinuha ni Lau yung Spatula nito nang matapos na magsuot ng apron. Bumalik silang dalawa ng upo.

Deo remained there until natapos yung shift ko sa stall. Pinalitan kami ni Bianca at Monica around 3 in the afternoon.

"May pupuntahan lang kami, Weng," paalam ni Lau kasama si Jang.

Cursed Kiss (Curse #1)Where stories live. Discover now